"Tang ina Hailey! Mahal kita"
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Ngunit hindi parin ako humarap sa kanya at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Gusto ko ng makaalis sa lugar na yun. Nandidiri ako sa sarili ko, sa sobrang diri ko sa sarili ko ay hindi na ko makaharap sa taong mataas ang tingin sakin at mahal ko.
Wala na atang mas sasakit pa sa sapilitang paglayo sa taong mahal mo para lamang hindi na siya lubusang masaktan. Oo, alam ko, nasasaktan na siya ngayon. Pero kailangan ko pa siyang saktan para ipamukha sa kanya na hindi ako ang karapat dapat para sa kanya.
"Hailey I'm sorry. Alam kong mali ang mahalin ka pero--"
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako humarap sa sakanya.
"Pero ano! Bigla mong naramdaman? Hindi mo mapigilan? Fuck Brent walang ganun! Hindi ko alam kung anong nakita mo sakin pero para sabihin ko sayo...."
Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya at sinabing.
"Madumi ako Brent! Kaladkarin akong babae. Ni papa mo ay naging isa sa mga customer ko. Hindi ka ba nandidiri doon? Tinira na ng ama mo tapos mamahalin mo?"
Tumulo na naman ang luha ko. Nanliit na naman ang tingin ko sa sarili ko. Kung bakit ba naman kasi kailangan ko tong gawin para sa ina kong mismong nagbenta sa katawan ko.
Matagal ko na tong pinagplanuhang itigil ngunit nagmakaawa ang puta kong ina dahil ako na lamang daw ang natitirang kapamilya niya.
Kaya naman naudlot iyon. Dahil para sa akin pagbalik-baliktarin mo man ang mundo siya pa rin ang ina ko. Oo galit ako sakanya dahil sa ginawa niya sa akin, pero mahal ko pa rin siya bilang ina ko. Sa kanya pa rin ako galing.
"Bakit? Magkano ka ba?"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Brent sa akin. Hindi ko akalain na masasabi niya yun sa akin matapos niyang sabihin na mahal niya ako at ilalayo niya ako sa masalimuot kong buhay.
"Bakit hindi ka makapagsalita?"
Tiningnan ko lamang siya, wala na rin kasi akong balak magsalita dahil pagod na pagod na ako sa kakaiyak.
"Dahil ba gusto mong iba iba yung tumitira sayo? Kaya ayaw mong sumama sa akin dahil natatakot ka na matali at hindi na makatikim ng ibang lala---"
Di ko na pinatapos ang sinabi niya at sinampal agad siya sa mukha. Alam kong madumi na ako pero grabe naman ang ipamukha niya pa sa akin ng lubusan.
Napahiya tuloy ako sa mga sinabi niya.
"Hindi ko ginusto ito Brent. Pero wag kang mag-alala dahil matagal ko ng tanggap tong buhay na kinalakihan ko."
Lalo akong naiyak sa harapan niya at dahil sa hiya na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya, tinalikuran ko na lamang siya ulit at lakas loob na sinabing.
"Oo Brent. Ayokong magpatali sayo dahil hindi ka sapat para sa akin."
Yun lamang at tuluyan na akong umalis.
BINABASA MO ANG
Until...
DiversosIt's crazy how you can go months or years without talking to someone but they still cross in your mind every day.