Hailey's POV
Inantay kong makatulog si Brent bago ako lumabas ng kwarto. Pagpasok ko pa lamang ng kwarto na tutuluyan namin ay sinalubong ako ng tilian ng dalawang kaibigan ko.
"How is it? Kayo na ba?" tanong ni Alexsha habang hawak hawak ang balikat ko.
"Ano? Mahal mo pa rin ba siya? Alam mo bes ang gwapo niya pa rin. Kaya no doubt na bigla ka na lang sumama sa loob ng kwarto niya." Sabi naman ni Carmen. Ano ba tong mga to' kung di ko lang talaga mahal tong mga to' pinagbabalatan ko na siguro to.
"Alam niyo kayong dalawa kung ano ano iniisip niyo eh no!" sabi ko sabay upo sa isang king-sized bed na paghahatian naming tatlo muka namang kasya kami kaya okay na yung isa.
"Bakit? Wala bang nangyari?" sabay na tanong nila sakin.
"Bakit ba kayo ganyan? Ang dudumi ng utak niyo!" sabi ko naman sabay dapa sa kama.
"Oh, so you mean walang nangyari? Kaya pala dinig hanggang sa corridor ng yung ungol ninyong dalawa. Galing mo umakting bes! Kung hindi namin narinig, maniniwala na siguro kami sa pagpapanggap mong inosente." Sabi naman sakin ni Alexsha.
Naalala ko na naman ko tuloy yung nangyari. Kitang kita ko ang bawat pagpatak ng pawis at pagtirik ng mata ni Brent kanina habang ginagawa namin yun. Maghahapon na ng bumangon ako sa kama hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama. Oo tanghali kami naglaro ni Brent. Hinanap ko ang dalawang kaibigan ko sa loob ng hotel room na tinutuluyan namin pero wala sila dun, malamang rumampa na sa tabing dagat.
Napansin ko ang maleta ng fully bag t-shirts na ihahatid ko pa sa store na pinagde-deliveran nito. Buti na lang pinasok ng dalawa. At kaya naman siguro narinig nila ang umaalingawngaw na ungol namin ni Brent. Naiwan ko kasi ito sa corridor dahil sa biglaang buhat sakin ni Brent papasok sa kwarto niya.
Naisipan kong ihatid muna ang mga souvenir shirts sa store bago ko sundan yung dalawa sa pag rampa. Naligo ako agad at nagbihis ng isang loose white shirt at denim shorts. Habang papalabas ng kwarto ay sinilip ko muna ang pinto ni Brent bago dali daling pinindot ang down button ng elevator.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng tindahan ng souvenir shop dahil sa mismong tabi rin lang ng dagat. Agad kong hinanap ang tindera nito para mabigay ko na agad.
"Ahhmm- Miss? Hi ako nga pala si Hailey Sanchez, ako yung may-ari ng patahian ng souvenir shirts na nagsusuply sainyo." Inabot ko ang kamay ko sakanya bilang pormal na pagpapakilala ngunit hindi niya ito inabot at pinabuhat na lamang sa mga kargador niya ang maleta. Sarap kutusan bwisit. Kala mo naman ang ganda ganda. Di niya ata kilala ang kausap niya. Ilang minuto lamang lumipas at lumabas na ang kargador at binalik na sakin ang maleta.
Habang naglalakad ay napansin ko si Alexsha na may kausap na mala-Anthony Gastelier ang dating. Tsk tsk sabi na nga ba at haharot na tong mga to, teka lang at rarampa na rin ako. Papasok na ako ng hotel ng mapansin ko naman si Carmen na buhat buhat na ng isang malaking lalaki habang papasok ng elevator, hahabulin ko pa sana ngunit ng mapansin ako ni Carmen ay agad itong nag "bye" sakin at pinindot ang up button. Aba aba! Kanina Anthony Gastelier? Ngayon naman mala-Evandro Soldati na?
Grabe na ito! Hindi ko na ma-take! Rarampa na talaga ako. Ito na ang Dyosa sa lahat!

BINABASA MO ANG
Until...
AléatoireIt's crazy how you can go months or years without talking to someone but they still cross in your mind every day.