Until... Chapter 3

4 0 0
                                    

Brent's POV



Ilang taon na rin ang lumipas simula ng tuluyan na kaming magkahiwalay ni Hailey. Ang babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makita siyang muli, mayakap at mahalikan.

Kamusta na kaya siya ngayon? Ganun parin kaya siya? Alam kong mahal rin ako ni Hailey bago pa man kami magkahiwalay. Kung hindi lamang napariwara ang buhay niya simula nung dumating ang ina niya, siguro ako ang pipiliin niya, hindi niya siguro ako iiwan at lalayuan ng basta basta na lang.

"Oy pre! Napadalaw ka?" si Kennedy. John Kennedy Marquez ang buong pangalan niya. College friend ko na matatawag ko na rin na Best Friend ko.

"Wala naman. Gusto ko lang magbakasayon." Tinatamad na sabi ko sakanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako maka move on kay Hailey. Kapag nakita ko siya uli ay sisiguraduhin kong akin na siya at wala ng kawala. "Kamusta naman pala tong resort mo? Mukang tiba tiba ka ngayong bakasyon ah." Sabi ko.

"You're right pare. Summer vacation pa naman ngayon kaya sure din ako na marami na namang chicka babes dito. Actually tinext ko na nga si Rod na sumunod dito eh. Lalo na ngayon na lagi tayong busy sa trabaho. Minsanan na lang tayo mabuo." Sabi ni Ken. Si Ken ang may-ari ng resort na tinuluyan ko dito sa Boracay. Si Rod naman ang isa pa naming kaibigan, isa itong engineer. Rodolfo Cruz ang buong pangalan.

At ako? Nag-iisang anak lang naman ako ng mayamang mag-asawa na Lamorada kilalang may ari ng mga bigating Malls sa Maynila. Parehong mababait ang magulang ko, pero si Papa ay babaero. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ayaw ni Hailey sakin. Dinadahilan kasi ni Hailey na nakama na siya ng Papa ko simula ng ibugaw siya ng sarili niyang ina.

Sa totoo lang ay wala akong pake doon, dahil ang mahalaga sa akin ay mahal ko siya at mahal niya ako. Wala akong pake kung sino pa ang kumama sakanya basta pag dumating ang panahon na matali siya sakin ay akin na siya. Akin lang. Kaso hindi ganun si Hailey, dahil gusto niya ang maraming kumakama sakanya. Oo galit ako sakanya dahil nasaktan niya ang damdamin ko at ang pagkalalaki ko pero mas matibang parin ang pagmamahal ko sakanya. Kung kaya't hanggang ngayon ay siya parin ang aking hinahanap-hanap.

"Oy pre? Ayos ka lang ba? Here have a drink" aya sakin ni Ken. Nakatulala na pala ako ng hindi ko namamalayan dahil sa kakaisip kay Hailey.

"Thanks." Maikling sabi ko at sabay lagok sa tequila na inalok ni Ken sakin.

"By the way, nagtext na sakin si Rod. Pasunod na daw siya dito." Sabi ni Ken sabay pakita ng text noi Rod.

Natulala ako ulit. Hanggang ngayon kasi ay kabisadong kabisado ko pa rin ang mukha ng babaeng minahal ko. Alam kong maaaring nag bago na ang itsura niya dahil sa dalawampu't taon na lumipas. We we're just 16 years old simula ng nagkahiwalay kami. And now I'm 28 years old.

Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na ko kay Ken, papasok na ako sa Hotel room ko ng makita ko ang dalawang babae na lumabas sa elevator, they're both fucking hot. Pero wala paring tatalo sa Hailey ko, kahit na morena ay nangingibabaw parin ang ganda. Tumingin na lamang ulit ako sa susi na hawak ko, hanggang sa nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Alexsha! Carmen! Tulungan niyo naman ako sa bitbit ko no?"

Napatingin ako sa babaeng pinanggalingan ng boses. Siya nga. Ang babaeng hinahanap-hanap ko. Si Hailey Sanchez.

Until...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon