(2:00am)
Kamusta na kaya si Bea? Kumain kaya siya kagabi? I'm sure tulog na yun. Ang laki kasi ng Timegap ng France sa Pinas e >.< Mai-open na nga FB ko.
Bea Arianne Esmundo
"Hello Johann, are you sure you want to court me? Hindi ba't mahal mo pa yung ex mo? I can wait, hihintayin kita Johann, pero sa ngayon, magmove-on ka muna sa past mo, ayaw kong masaktan ulit Johann. Sana maunawaan mo ko."
4 hours ago
REBOUND ko nga lang ba siya? Pero bakit ganon? Lagi-lagi ko siyang nami-miss. NO. Hindi siya rebound, I'm inlove with her. Kailangan ko yung ipaliwanag sa kanya.
"Hey Bea, tinanong ko na din yan sa sarili ko. Rebound ka nga lang ba? Tuwing nakikita ko ang ex ko kasama ang kaibigan ko na masaya. Wala ng galit dito sa puso ko, nakakausap ko na sila, at masaya ko ngayon dahil nakikita kong maayos siya. I've moved on Bea! :D And it's because of you. I LOVE YOU BEA. Hayaan mo kong ligawan kita at papatunayan ko sayong IKAW NA ANG MAHAL KO."
-------------------------
Release nga pala ng Grades ngayon, hindi na ko magtataka, bagsak na talaga ako sa Thesis. Bakit ba kasi naging first subject ko yun. tuloy lagi akong late kaya ako napag-iinitan. >.< Pero okay lang, nakaka-chat ko naman si Bea, It's her that matters. :"">
(5:00pm)
Tumawag sakin si mommy.
"Johann, how's your study?"
"Fine."
"Are you sure? Balita ko bagsak ka sa Thesis mo? At ang sabi sakin ni manang, lagi ka daw puyat sa computer. I don't think na mas maganda kung mag-i-stay ka pa jan. Ipapasundo na kita. Hindi magandang impluwensya ang mga kaibigan mo jan dahil napapabayaan mo na ang pag-aaral mo."
"Ma, pwede naman akong kumuha ng remedial! babawi ako ma, I promise."
"Ok. last chance Johann, at pag bumagsak ka pa, wala na kong magagawa kundi ibalik ka dito. ok?"
"Yes ma."
Kelangan kong mag-aral ng mabuti, I don't want to go back to US. Mas magiging imposible kaming magkita ni Bea dun. I need to study hard. >.< Papatunayan ko kay mommy na kaya kong pumasa sa Thesis. I need to talk to Bea.
Bea Arianne Esmundo is available.
"Yes! naabutan din kitang online Bea."
"hinihintay talaga kita :"">"
"ahehehe. kmain ka na ba? Lunch na jan diba?"
"hindi pa. maya-maya na kachat pa kita e."
"Wag kang magpapalipas ng gutom ha? mahal pa naman kita."
"sige, ikaw na nagmamahal, mahal din kita Johann"
"e di pumapayag ka ng ligawan kita?"
"sa nabasa kong message mo? ako pa ba tong magpapakipot? e mahal ko na nga ang nanliligaw?"
"Promise Bea! I'll do my best para mapasakin ang matamis mong OO. ILOVEYOU "
"Out na ko Johann ha? next time na lang ulet. ingat lage"
-------------
YES! pumayag na siyang ligawan ko! :D pero kelangan ko din munang mag-focus sa pag-aaral ko. Bahala na, ang importante si Bea. Siya lang ang importante sakin ngayon.
to be continue...
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE
RomantikEto ang kwento nila Bea at Johann, pamilya at kaibigan, pag-aaral laban sa kanilang PAGMAMAHALAN, paano kaya nila ito makakayanan? ENJOY READING :)