May mahal na si Johann. Ang masakit pa dun yung taong ni hindi pa niya nakikita. Bakit? Ako yung nandito sa harap niya, ang lapit-lapit ko lang sa kanya pero parang hindi niya ko nakikita? Ang sakit kasi mahal na mahal ko siya.
Yung pakiramdam ng nababaliwala? Ako yun e! Kulang pa ba yung pagpapapansin ko sa kanya? Ano pa bang gusto niya? Maganda ako, mayaman, sexy naman ako, ano pa bang gusto niya?
At ngayon si Bea? Sino siya? Paano siya minahal ni Johann? Hindi na ko makakapayag na maagaw pa siya sakin. Mahal na mahal ko siya at lahat gagawin ko para mapasakin siya. I have to do something, at tinawagan ko na ang bestfriend ko para humingi ng advice.
"Shane, bessy, what do I have to do para makuha ko si Johann? He's inlove with a girl na never pa niyang nakita. Imagine that? >.<" naiinis kong sumbong sa kanya.
"What? kanino mo naman nalaman yan? Sinabi ba niya sayo?"
"Renz told me about this, nakakainis bessy, nakakainis kasi ang lapit lapit ko sa kanya pero hindi niya ko makita!" at tuluyan na kong umiyak habang kausap ko siya sa phone, umiiyak ako dahil sobrang nasasaktan ako, knowing that mahal na mahal ko siya at parang baliwala lang sa kanya lahat ng ginagawa ko.
"bessy, what if talk to Johann, tell him na maging magkaibigan na lang kayo, para mapalapit ka na din sa kanya, at pag nangyari yan, mas madali mo na siyang mapapaibig. I have a point right?" suggestion niya sakin.
"Uhmm. parang maganda nga yan, pero paano kung ayaw pa din niya?"
"Tsaka na natin isipin yan, ang importante, kailangan mo munang mapalapit sa kanya." sabi ulit niya.
"sa tingin mo ba papayag siya?"
"oo naman! ang bait kaya ni Johann. basta gawin mo lahat para maging kaibigan ka niya. wag ka ng umiyak, papangit ka e."
"salamat bessy."
"walang anuman basta ikaw Olive :)"
Kailangan kong mapalapit kay Johann, kailangan ko siyang maging kaibigan para magawa ko ang plano. Nag-online ako sa facebook dahil hindi ko alam ang phone number niya, nagmessage ako sa account niya.
"Johann, I'm sorry sa lahat, tanggap ko na ngayon na hindi mo nga ako kayang mahalin, pero sana huwag mo namang ipagkait sakin na maging magkaibigan tayo. Pipilitin kong tanggapin na hidi mo na ko kayang mahalin, just please, let's be friends."
Hindi nagtagal, nagreply siya sa message ako at inaccept na din niya ang friend request ko.
"Salamat naman Olive nalinawan ka din :) Sure, alam mo namang hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Sorry din kung hindi kita pinapansin ha? Ayaw ko lang namang paasahin ka e :) Friends?"
Then the plan starts now. >:)
"Thankyou dear! :D I'm so happy kasi kahit paano pinansin mo na ko, kalimutan na natin yung past ok? :) Mind if I call you dear? I hope you don't."
"If that's what you want :) So anong nakain mo at natanggap mo ng hanggang dito lang tayo?"
Sa tingin mo ba papayag akong hanggang dito na lang? No. mapapasakin ka Johann. "siguro tama na yung pagpapapansin ko sa'yo, hindi mo ko kailanman mamahalin dahil balita ko may bago ka ng inspiration :) ipakilala mo ko dear :D gusto ko siyang makilala :) "
"Sure, pag nag-online mamaya ipapakilala kita :) Out muna ako ha? Chat with you later, tatapusin ko lang yung homeworks natin sa Thesis."
and the show starts now Johann, just watch and see, you will be mine....
---------------------------------
to be continue.xD
pasensya matagal update nito, busy po kasi sa personal life e :) pero babawi naman ako sa mga kwento <3
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE
RomanceEto ang kwento nila Bea at Johann, pamilya at kaibigan, pag-aaral laban sa kanilang PAGMAMAHALAN, paano kaya nila ito makakayanan? ENJOY READING :)