"Anak, gising na, magluluto pa tayo para sa pagdating ng kapatid mo, gagayak pa tayo dahil before lunch ang dating niya sa aiport" sabi ni mommy sakin.
"yes ma, fifteen minutes na lang. puyat po ako. inaantok pa ko."
"ayan kase, puro chat ang alam mo. sige after 15 minutes bumangon ka na jan ha."
"yes ma."
I dreamt of him, magkasama na daw kami :""> ang sarap ng feeling. ang sarap isiping magkasama na kami ng mahal ko. HAAAAAAAAAYYYYYY. kelan kaya mangyayari yun? :"">
--------------------------------
11:45am at the airport.
"BANJO!!!!!" sigaw namin pareho ni mama once na pagkakita namin sa kapatid ko.
"kamusta byahe? buti hindi ka nahilo? HAHAHA" sabi ko, yung feeling na natutuwa ako kasi buong-buo na kami ng family ko.
"wag mo nga ako itulad sayo BEANTOT." yan ang nakasanayan niyang itawag sakin, HAHAHA walang ATE. kasi 1 yr. lang naman ang age gap namin so okay lang sakin.
"Oh ayan! pa-welcome ko sa'yo!. Oi, PRADA yan! pinag-ipunan ko pa yan kakahingi kay mommy ng pera, TAKE NOTE! Original yan ha." sabay abot ng regalo kong damit sa kanya.
"After 6 yrs. imagine, magkakasama na tayong lahat. Ang tagal namin tong hinintay ng daddy niyo mga anak." sabi samin ni mommy.
"kami din naman ma, matagal na naming gustong mabuo tong pamilya na to,at eto na buo na tayo.! :D " sabi ko sa tonong natutuwa.
"Tara na, sa bahay na tayo magkwentuhan at excited na ang daddy mo na makita si Banjo" yaya samin ni mommy.
Hindi ko alam, pero bakit ganito yung nararamdaman ko, naguguluhan ako. Gusto ko na kasing makita si Johann pero paano naman yung pangarap kong mabuo yung family ko? Ako pa ba yung sisira sa matagal ng pangarap ng mommy at daddy ko? Hay nako, wag ko na nga munang isipin to. >.< sasakit lang ang ulo ko.
"Bea, tulungan mo muna ang mommy mong mag-ayos ng pinagkainan, mamaya ka na maglaptop jan, hindi naman mawawala yan e." utos sakin ni daddy after naming kumain ng lunch.
"Yes daddy." sigaw ko. "abala naman to. ka-chat ko pa si Johann e >.<" sa isip-isip ko na lang.
"Johann, saglit lang ha? tutulungan ko lang si mommy na mag-ayos ng pinagkainan namin. BRB."
"Ok. I'll wait :) Mahal kita Bea."
HAy, ang sarap talagang basahin ang salitang "MAHAL KITA" pag nanggagalin sa mahal mo, at mas nararamdaman ko yung sincerity ng word na yun kesa sa salitang ILOVEYOU. :)
"Mahal din kita Johann." mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE
RomanceEto ang kwento nila Bea at Johann, pamilya at kaibigan, pag-aaral laban sa kanilang PAGMAMAHALAN, paano kaya nila ito makakayanan? ENJOY READING :)