Uhm... Okay... Hehehuehe...
Puro kaputanginahan at kagaguhan at kacornihan lang to kaya kung ayaw mo ng ganon, maghanap ka nalang ng mas maayos na story. Tenchu~
Tas meron ding mga parts na may relate sa KPop. Lalo na sa BTS. Okay yun lang. Tenchu ulet~----------------------------------------------------
"Grasya, nandito na tayo."
Agad akong lumabas ng sasakyan para tignan yung bagong bahay namin ni Nathan.Nuxz naman. Anlaki ng bahay na binili nya.
"Anlaki naman neto." Sabi ko pagkalabas nya sa sasakyan.
"Pwede naman kasing kumuha nalang tayo ng apartment eh."
"Eh! Masyadong masikip yung nakita natin eh." Maarteng sagot nya. Oo maarte sya. Kahit nung high school pa.
"Oh eh bakit etong bahay na binili mo? Masyado namang maluwag." Maarte ring sagot ko saka sya inirapan. Sige, paartihan lang naman pala eh.
Nilapitan nya nalang ako at inakbayan.
"Shet. Oo nga pala. Hindi ko pa nakukuha mga natitirang gamit ko sa bahay. Mga damit palang nadadala ko eh."
"Di bale bukas sasamahan nalang kitang kunin yung mga yun."