What is love?

24 3 2
                                    

08/17/13 Saturday 9:29 PM

What is love?

Maraming nagtatanong. Maraming nagtataka. Maraming naku-curious.

What is love?

Sorry, papairal ko muna ang hopeless romantic side ko.

Ako, aminado ako, hopeless romantic ako. Naniniwala sa happy endings. Pero syempre, open ang naman ang mind ko sa tinatawag na reality. Yung tipong, hindi porket bagay, sila na. Hindi porket mahal ni girl si boy ay mahal na din ni boy si girl or vice versa. Hindi porket mahal mo, mahal ka din. Hindi porket naniniwala ako sa destiny, sila na forever.

Kase minsan para saken, yung destiny eh nasa kamay lang ng tao.

Paano? Let’s say na kayo talaga para sa isa’t isa. Destined na kayo for each other. PERO, may ginawa kang hindi dapat or may hindi ka ginawa at nasayang ang lahat. Napunta siya sa iba samantalang ikaw, siya parin pero, ayun nga, may hindi ka ginawa kaya hindi naging kayo.

Oo alam ko, kasasabi ko lang kanina na destined kayo for each other kaya kahit anong mangyare eh kayo paren. Pero hindi niyo ba naisip na tayong mga tao lang din ang gumagawa ng fate naten? Binigay na yung fate sa mga kamay naten, bahala na nga lang tayo kung paano gagamitin yun. Like, may spaghetti na sa harap mo, isusubo mo nalang.

Katulad nalang nung nabasa kong tweet kagabi ni @KatangahanYan. Sabi niya:

“Kung tayong inilaan sa isa't isa, tayo talaga. Pero kung hindi, ehdi pipilitin natin. Putcha, ayoko nga sa iba.”

Oo, at first nakakatawa. Pero kasi isipin niyo nalang. What if yung dalawang taong hindi para sa isa’t isa eh pinaglaban yung love nila at naging sila? Diba?

I remember what my oh-so-cool English teacher said way back in my sophomore days. Sabi niya, “Lahat tayo may soul mate. Pero hindi lahat ng mag-soul mate ay nagkakatuluyan.”

Omg maniwala kayo diyan. Based on experience daw niya kasi yang quote na yan. Drama ng titser ko noh? Hahahahaha. Pero as I was saying, tayo lang ang may hawak ng fate naten. Choice ang basehan ng fate, actually.

Choice is a wise decision. Siguraduhin mong sigurado ka bago ka pumili. Who knows, doon nakasalalay ang fate mo?

Okay. Wait. Nawawala tayo sa topic.

Balik tayo sa tanong.

What is love?

Kapag tinatanong ko mga kaklase ko kung ano ang meaning ng love, palagi silang tumatawa at sinasabing hindi nila alam. Meaning, love is unknown for them.

Hindi nila alam kung anu-ano ang pasikot-sikot ng love.

Pag nagtanong ka ibang tao, marami silang isasagot sayo. Iba’t ibang perception. Iba’t ibang meaning. Iba’t ibang dahilan.

“Love is like a game. Kailangan may kalaro ka. Kailangan manalo ka in order para hindi ka masaktan.”

--- Love is like a game nga ba? Eh ang games ay katuwaan lang, libangan at laro. Meaning hindi dapat sineseryoso ang love kahit alam mong makakasakit ka ng iba?

“Love is like a candy. Kapag wala o kapag ubos na, maghahanap ka. Kapag meron, ninanamnam mo yung sarap ng candy. At higit sa lahat kung baket love is like a candy ay dahil ang love ay sobrang tamis.”

--- So, kapag wala kang lovelife or naubusan, kelangan maghanap? Hindi ba pwedeng maghintay kung kelan darating yun? Isa pa, puro tamis lang ba ang love? Eh baket may mga taong bitter?

At ang most common sa lahat… *drum roll*

“Love is blind.”

--- Bulag ba ang puso? Hindi naman ah? Parang sabi ng History teacher ko noon, “Love is not blind. We can see but we do not mind.” Tama naman kasi kung mahal mo ang tao, wala lang sayo ang mga nakikita mo. Siya lang at siya lang ang nakikita at tinitibok ng puso mo.

Ito, para sa mga berde ang utak.

“L.O.V.E. = Legs Open Very Easy.”

--- Yung totoo? Sa pagitan ba ng dalawang hita niyo tumitibok ang puso niyo?

Ang galing noh? Iisang word lang, four letters pa pero iba-iba ang meaning sa iba’t ibang tao. Nakakatuwa. Pero one thing’s for sure, wala parin ang totoong nakakaalam niyan. Diba?

Ito may idadagdag ako. At this hour, may nakita ako sa Fb about sa definition ng love ng mga teenagers. Ito ishe-share ko.

“Love – Amazing. Beautiful. Just plain awesome. The tears on your pillow. The outbursts of laughter in the middle of the class. Friendship set on fire. Like a war between your head and heart. Both your enemy and your best friend. What keeps you going back to him. Pain and happiness at the same time. You. You. You. You.”

Marami mang nagsasabi ng kani-kanilang definition ang love, meron parin talagang mga taong ayaw sa love. Sinasabi nila na ‘sus! Hadlang yan sa pag-aaral!’ o kaya dun sa mga bitter o broken hearted, ‘love? Makakain ba yun?’

Ito kase yun eh…

PHILOPHOBIA – Fear of falling in love.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Nakakatawa! Grabe! HAHAHAHAHAHA! Seriously?

Naaalala ko, pinag-usapan namin yan ng classmate ko back in my junior days. Sabi niya naniniwala daw siya diyan kasi may mga taong ayaw magrisk. Tulad nalang nung schoolmate namin, ayaw na daw niya mainlove pagkatapos tutulan ng magulang niya yung relationship nila ng boyfriend niya. Sabi ko naman, walang taong takot mainlove.

Meron lang mga taong takot masaktan.

Totoo naman diba? They’re not afraid to feel that ‘kilig’ feeling. They’re not afraid to feel those butterflies in their stomach. They’re not afraid to feel that electricity when your flesh touched his. They’re not afraid to love. They’re just afraid to get hurt. Kase nga, kaakibat na ng pagmamahal ang sakit. Kaya ka nga nasasaktan kasi nagmamahal ka. Pero minsan dapat matuwa ka na nasasaktan ka. Ibig sabihin kasi nun ay marunong ka magmahal. At tsaka, paano ka magiging masaya kung hindi ka magmamahal?

Naalala ko pa, sabi ng classmate ko, wala naman daw talagang tao ang kinikilig dahil sa binabasa niya or dahil sa ibang love story ng ibang tao sa paligid niya. Nararamdaman lang daw niya ang kilig dahil iniimagine mo ang sarili mo sa posisyon ng taong may love life at yung taong mahal mo naman dun sa ka-lovelife ng kaibigan mo.

Totoo kaya yun?

Okay, balik ulit tayo sa main question.

What is love?

Ito, ishe-share ko ang opinion ko.

Love is plain perfect.

Oh ayan simple lang.

Baket?

Oo, love is undefined pero love is perfect. Not because of its real meaning but because of how we define it. Perfect siya the way people define it. Perfect siya just the way it is. Perfect siya because… it is perfect.

Perfect love is perfect.

Katulad nalang on how I saw this certain ‘guy.’ (SAW, past tense. Wala na eh. Pero sabi nila meron pa daw ako dun sa guy. Hindi ko lang daw maadmit sa sarili ko.) Mayabang siya. Hindi masyadong gwapo. Akala mo kung sino. Mapang-asar. He’s so full of imperfections. But then, I reminded myself that nobody is perfect until you fall in love with them. Ugly points, stupidities, failures and other negative traits won’t be noticeable after you love a person. I called it love kasi I saw how perfect he is within his imperfection itself. In short, once your heart beats for him, nothing else will matter.

That’s the meaning of love for me.

Ikaw?

What is love? 

Whatever~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon