PNB 6: Sino ka ba talaga?

3.9K 75 3
                                    

"Urghhh!" Nag-inat-inat ako. Mukhang napasarap ata ang tulog ko. Kaya lang parang ang sakit-sakit ng leeg ko? Ang huling pagkaka-alala ko eh, inaayusan ako ng buhok.

"Hoy Penguin." Nakakibit-balikat si Andy sa harap ko.

" Hoy unggoy! Ano bang gagawin mo sakin?! Bakit mo ba ako pinaayusan?"

"Para naman magmukha kang tao."

"Ang kapal mo rin eh noh? Uuwi na ako! Asan na ba yung uniform ko?!"

"Pinatabi ko na. Tumayo ka na nga dyan, may pupuntahan tayo."

"Saan nanaman?!"

"Sa party ng pinsan ko. Tumigil ka nga sa kakasigaw mo. Nakakabingi na eh."

"Eh bakit isasama mo pa ako?!"

"Wala akong partner"

"Eh bakit ako?Pwede namang iba na lang ah!"

"Eh ikaw gusto ko eh."

"Eh bat ako?!"

"Para mapakita ko sakanilang hindi ako mapili sa partner, kahit pangit ok lang. Tumigil ka na nga sa kakatanong mo." Napatigil ako sa kakasigaw nang tumunog ang cellphone ni Andy. Ay. Ni unggoy.

"Sandali lang."

"Sige sige" sabi ko sabay nag-gesture ako ng *chupichupi*

"Alex? Bakit?"

Alex? Sinong Alex naman kaya yun?

"Oo pupunta ako."

Siya kaya yung Alex na kaklase ko dati?

"Oo may partner na ko."

Ah baka naman hindi. Wag naman sana.

"Oo maganda siya."

Eh pano kung siya nga?

"Oo sobra"

Hindi naman siguro. Bayaan mo na nga. Oh eh bakit tumingin yun sakin? Abnormal.

"Ok. Happy Birthday. Andyan na kami after 30 mins." sabi niya dun sa kausap niya.

"Hoy. San tayo pupunta di pa ko nagpapaalam oy!" Patuloy pa rin siya sa paghila sa kamay ko. Ako naman, hinihila ko ito palayo sakaniya. Para kaming nag-t-tug of war ng kamay ko ang gamit. Jusko Lord. Ingatan niyo po nawa ang kamay ko.

"Naipagpaalam na kita kay Tita Alisson."

"Pano mo nalaman pangalan ni mama?! Stalker ba kita?!"

"It's all about business. Stupid." Tapos nagsmirk siya. Nag-make face naman ako at ginaya ang sinabi niya saka siya binelatan. Naasar naman siya agad. "Tara na nga! Ang panget mo!" sabay hinawakan niya ako sa kamay at dinala papasok ng kotse niya.

"Please be gentle naman! Unggoy ka talaga! Saka sinong panget? Ha?! Baka nga mamaya magulat ka, sinasamo mo na ang mukhang to!" At napikon na siya ng tuluyan. Ano ba tong taong ito. Ang bilis mabadtrip.

After 30 minutes, nakarating na kami ni Unggoy sa party nung Alex. Ang bongga! Kulay pink ang paligid. Kahit eww sakin ang pink na-appreciate ko pa rin ang kagandahan ng theme na 'to.

"Hi Andy! Where's your partner? Excited na kong makita siya."

"Eto siya oh."

Pagkakita ko sa birthday celebrant, sabay pa kaming...

"IKAW?!"

"Magkakilala kayo?" Pag-eepal ni Andy. (Ganun naman yun lagi eh. Kapag sabay napapa-ikaw? Ang laging sabat ng third person, magkakilala kayooo?Sarap sagutin ng: Ay hindi! Ang talino mo talaga!)

"Hello Rizzi!"

"Uh. Hello"

Eh siya nga. Yung girlfriend pala ni Jeff. Hayyy... Naalala ko nanaman tuloy. Malamang escort niya si Jeff. Hayyy talaga.

"Alex pasok na kami" sabay hawak ni Unggoy sa kamay ko. Nakakarami na ito ha.

"Aba. Nakakarami ka na ata." Hinila ko ang kamay ko.

"Isipin mo na lang, ganti mo na 'to kay Jeff sa nangyari kanina." Napatingin naman ako sakaniya bigla. Nakangiti pa nga siya ng nakakaasar eh. Bat ganun. Sa halip na malaglag ang puso kong marupok sakaniya sa pagngiti niya, parang kumakapit pa ito ng mahigpit sa dibdib ko sa paraan ng pagngiti niya. Sobrang nakaka-azar. You know?

"Nakita mo pala..." Napayuko ako. "... kaya mo siguro ako dinala dito." Nakayuko pa rin ako. "Hindi mo naman na kailangan ibalik yung tulong ko eh.." Yukong yuko pa rin ako. "...pero salamat ha-" Ini-angat ko ang ulo ko.

Wala na si Andy. Pumasok na sa loob. Bastos talaga yung taong yun! Hayop! Pagka-upo namin, ay KO pala, saktong umpisa na nung party. Tama nga ako, si Jeff nga ang escort niya.

Siyempre. Nababadtrip nanaman ako. Nasasaktan talaga kasi ako. Parang di ko matanggap na yung kaharutan ko lang nung isang araw, may hinaharot na agad na iba. Masakit talaga. Promise. Sobra.

Nagperform si Alex at Jeff ng parang sweet dance. Titig na titig sila sa isa't isa. Hay. Parang matutunaw sila sa titigan ng isa't isa. Si Alex nakangiti pero si Jeff hindi. Parang gusto niyang kainin si Alex ng buo. Promise.

"Psst. Pwede na bang kumain?" Tanong ko kay Andy. Gusto ko kasing ibaling na lang sa iba yung atensyon ko kaysa naman matensyon ako sa tinginan ng dalawa.

"Hindi pa. After pa ng dance." Napatingin ako kila Jeff. "Wag ka nang malungkot, andi-kkzjjxd" Pagpapatuloy ni Andy na hindi ko naman naintindihan kasi bigla ako napasinghot kasi umiiyak na pala ako.

"Ha? Ano?" Tanong ko ulit. Iyak ako nang iyak. Ang sakit sakit talaga. Naalala ko nung sinabi niya na mahal niya ako. Na liligawan niya ako. Joke lang pala yun. Bakit kasi ang tagal ng interval bago niya sabihin na joke lang yun? Pwede naman agd-agad. Tatanggapin ko na lang. Yung tipong, mahal kita, joke! liligawan kita, joke! Keri ko naman yun eh.

"Wala. Bingi. Ah ano, R-rizzi, peram ng kamay mo." Di niya inantay ang sagot ko, itinayo na niya ako at isinayaw.

Ewan ko lang ha. Pero parang lalo akong naiyak. Yung dalawang kamay ko nakapatong sa balikat niya, nakayuko ako sa lupa. Iyak ako nang iyak. Ang OA ko ba? Anong magagawa ko, nasaktan ako. Pero salamat dito sa unggoy na to, medyo gumagaan loob ko.

May itsura naman si Andy. Sa totoo lang gwapo siya. Matangos yung ilong niya. Mas maputi rin siya kay Jeff. Yung pilikmata niya ang haba. Bagay sa malasingkit na bilog niyang mata. Yung kilay niya rin ang ganda. Hindi ganoon kakapal at hindi rin naman ganon kanipis. Tama lang. Yung buhok naman niya, ang ayos ayos. Parang buhok ni Ken na boyfriend ni Barbie.

"Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari, nilakasan ko na sana yung loob ko, una pa lang." Sabi ni Andy sa akin. Kahit di ko naintindihan yung laman ng sinabi niya, hinayaan ko na lang. Ayoko na muna kasing mag-isip.

"Andy, sino ka ba talaga?"

"Ako dapat yung nasa pwesto niya ngayon, Rizzi."

"Ha?"

"Wala."

Hindi ko pa rin talaga maintindihan. Sino ka ba talaga, Andy?

* * * * * *

Ang drama Rizzi nakakaloka
to be continued...

Peram ng bola. (PNB) •on-going•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon