PNB 19: Andy o Jeff?

1.9K 51 25
                                    

"Dalin natin siya sa ospital!" Sigaw Jeff. "Dahil sayo 'to."

"Anong ako. Ikaw kaya nagpukpok! Pakawalan mo na nga ako dito!"

"Utot mo, Andy. Hindi kita papakawalan dyan lalo na kapag bumalik ala-ala ni Rizzi."

"Ang sama ng ugali mo."

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Jeff's Point Of View...

Hindi na ako sumama sa hospital. Umuwi na lang ako ng bahay. Umiinom nanaman si Papa. August noon nung iniwan kami ni Mama at sumama sa first love niya. Antanga naman kasi ni Papa. Hindi pinaglaban si Mama. Kaya ako, hindi ako magpapatalo kay Andy. Ipaglalaban ko ang babaeng mahal ko. Hindi ako magiging talunan katulad ni Papa. Hinding hindi.

Binuksan ko yung facebook ko. Magka-in a relationship na kami ni Rizzi sa facebook. Ang sarap tignan. Ang saya. Kaso parang malapit nang matuldukan pero asa namang hahayaan kong mangyari yun noh. Sinara ko na ang laptop ko. Pupuntahan ko na si Rizzi sa hospital. Baka mamaya maungusan nanaman ako ng kung sino.

"Aalis ka nanaman?" Si Papa.

"Oo."

"San ka pupunta?"

"Kay Rizzi. Hindi ako katulad mo Pa. Pinaglalaban ko kung ano ang dapat ang akin."

"Tama ka nga anak. Ipagpatuloy mo lang yan." Sagot niya sabay inom ng alak at kumanta kanta pa ng pusong bato. Hindi ko siya natiis. Kinuha ko ang bote at sinuntok siya.

"Pa! Wag kang tanga! Pawalain mo muna yang lasing mo at bukas, pupunta tayo sa Romeo Aranzosa na yan!" Sabi ko.

"Wag na anak."

"Pa?"

"Sige na nga! Hi-hi-hi."

Bukas na bukas, pupuntahan na namin yung lalaking yun. Ibabalik ko si Mama kay Papa.

"Oh, Mikel?" Sagot ko sa kabilang linya.

(Jeff, may good news at bad news ako sayo. Ano gusto mo unahin ko?)

"Good News."

(Gising na si Rizzi! At isa pa pala! Hindi niya naaalala yung nangyari kanina sa abandonadong bahay!)

"Oh. Yung bad news."

(Teka. Di ka natuwa?)

"Malamang may bad news pa eh. Ano nga!"

(Naaalala na ni Rizzi si Andy at hinahanap niya.)

"Eh ako? Hinahanap ba niya?"

(Oo naman. Ang sabi pa nga niya. 'Asan si Jeff? Asan ang boyfriend ko?' Ang drama nga eh)

"Ha? Eh panong naaalala niya si Andy?"

(Narinig ko kasing nag-uusap sila ni Mike dito. Sabi ni Rizzi natatandaan niya na raw si Andy. Yung gusto niya raw dati pero hindi niya raw maalala kung panong nawala ang pagkagusto niya kay Andy. Atsaka pala, sabi niya rin... lately daw, parang di ka niya maramdaman. Parang na overwhelmed lang daw siguro siya kasi ang tagal niyang hinintay yung taong pinahiram niya ng bola. Nalilito na raw siya, dude.)

Peram ng bola. (PNB) •on-going•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon