PNB 18: Different Events

1.9K 44 12
                                    

Mike Leo's Point Of View...

"Mike. Ano ba. Kausapin mo na kasi ako." Si Bren. Matapos niya akong sigaw-sigawan at sumbatan? No way! "Sorry na, please?" Sabi niya at tumakbo papalapit sa akin.

"Ayoko. Tsaka. Who you?"

"Ano ba. Para kang bata." Sabi niya. Lalo pang pumutok ang butse ko.

"Pwede ba Bren Simo-"

"Peram naman ng Mike ko oh!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko. Hindi niya ako pinakinggan. Bigla naman niyang hinigit ang kamay ko at kinaladkad ako somewhere.

"Oh dito na." Sabi niya. Andito kami ngayon sa may park. Merong limang malalaking teddy bear na nakahilera. May nakadikit sakanilang mga cardboard tapos may nakasulat na 'WILL / YOU / BE MY / BOYFRIEND / MIKE?' "Ayan ang dahilan ng pagkaubos ng pera ko. Ano sasagutin mo na ako?"

"Isusumbat mo rin ba sakin yan?" Naiinis kong tanong

"I love You Mike Leo."

"I love you forever, Mr. Bren Simon."

"Tara." Pang-aaya niya.

"San tayo pupunta?"

"Edi sa bahay niyo! Lalagay natin 'tong mga teddy bear tapos magmamall tayo." Sagot niya tapos kinuha niya yung dalawang malaking bear. "Oh. Ano pang tinatanga mo dyan, mahal? Buhatin mo na yang tatlo."

"Seryoso ka? Tsaka anong mahal, mahal ka dyan? Gusto mo paduguin ko yang bunganga mo?!"

"Wag ka na mag-inarte. Buhatin mo na lang. Saka, ang ganda kaya ng 'mahal' na tawagan."

"Che. Probinsyano." Sabi ko at binuhat yung tatlong malalaking teddy bears.

"Oh kita mo. Kaya mo pala eh. Nag-iinarte ka pa. Merry Christmas, mahal!" Si Bren.

"Hmp! Merry Christmas din." Pilit kong sabi. Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Naramdaman ko namang uminit ang mukha ko.

"Kinilig ka naman."

"Che!"

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Nang makarating na kami sa bahay, hinagis lang niya yung mga bear. Sira.

"Tara. Dali. Kain tayo. Gutom na ko." Pang-aaya ni Bren.

"Akala ko ba wala kang pera?"

"Wala nga. Sagot mo na yun."

"Ang kapal mo rin eh noh."

"Gutom na koooo. Wag ka ng mag-inarte dyan. Mahal mo naman ako eh."

"Oo na nga."

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Nandito na kami sa Jollibee. In-order-an ko na siya ng Chicken Joy habang ako, nagSundae na lang.

"Mukhang gutom na gutom ka ah." Pang-aasar ko. Di siya sumagot. Tinignan niya lang ako. "Sungit mo."

"May dumi ka." Sabi niya sabay pupunasan na sana niya yung dumi kaso sinangga ko yung kamay niya.

"Wag na. Ako na.."

"Hindi. Pupunasan ko na-"

haaaachuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu~

Peram ng bola. (PNB) •on-going•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon