PNB 16: Amnesia?

2K 48 10
                                    

[Author's Note: Aalis kami ngayon kaya umaga ako nag-update. Merry Christmas! Eto na ang long(?) update ko. Para sa akin mahaba na 'to. 9 pages kaya 'to sa Microsoft Word. XD Osige na. May date pa kami ni Taylor Lautner. Joke! XD Magcecelebrate lang kami ng Christmas. Ingat kayo lahat. :"] salamat talaga sa pasuporta niyo sa PNB. Nagpupursigi po akong gandahan ito. XX ~atharashii]

Pasukan na ulit.

"Hi Rizzi."

"Hi Ricka, Hi Zeth, Hi Frances, at Hi Melissa!" Masigla kong bati. Masayang masaya ako. Nakita ko na si Peram ng bola.

"Hi Alex!" Sabi ko kay Alex habang kaharutan niya si Eric. Classmate namin. Inisnaban naman niya ako.

"Hi Rizzi!" Bati sa akin nung lalaking bigla na lang lumapit sa akin.

"Sino ka?" Seryoso kong sabi.

"Ano ka ba penguin. Wag mo nga akong pagtrip-an." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Tigilan mo nga ako. Unggoy." Sabi ko. Hinila naman niya ako at kinaladkad. Dinala niya ako sa may Roof top.

Nang makarating na kami sa Roof Top, bigla niya akong niyakap. Pinilit kong itulak siya kaso malakas siya.

"Ano ba! Manyak!" Sigaw ko.

"Ano ba Rizzi! Ako 'to si Andy!" Sigaw niya naman sa akin.

"Hindi nga kita kilala!" Sigaw ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Pinaghahampas ko siya pero wala talaga.

"Andy!" Sigaw ng isang lalaki at sinuntok yung lalaking manyak.

"Buti dumating ka, 'Peram ng bola'!" Sabi ko sabay yakap sakaniya.

"Rizzi ano ba. Hindi siya siya yung nanghiram ng bola sayo noon. Ako yun Rizzi, ako yun!" Sigaw naman nung Andy.

"Nababaliw ka na!" Sigaw ko.

"Tara na, Rizzi. Bayaan mo na siya." Sabi ni Jeff sabay akbay sa akin.

Pagkabalik ko ng room, umupo na ako sa harapan. Tinabihan naman ako nung Andy.

"Ok Mr. Allane, please introduce yourself and tell us something about your vacation"

"Hi. I'm Ren Andy Xyriel Allane. Member ako ng basketball team. Nung sembreak, pumunta kami ni Rizzi sa Baguio. Kaso nabangga siya ng isang FX kaya na-ospital siya. At ayun, hindi natuloy ang bakasyon namin. Noong nasa ospital siya, nagkaroon ng emergency sa bahay kaya nauna na akong bumalik ng Maynila. At kanina, excited akong pumasok dahil makikita ko na ulit ang babaeng mahal ko, kaso, hindi niya ako kilala at gusto kong malaman kung bakit." Sabi niya sabay tingin sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi talaga kita kilala." Sagot ko naman.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Andito kami ngayon ni Jeff sa canteen ng school.

"Jeff, sino ba yung Andy na yun?" Tanong ko kay Jeff. Nabilaukan naman siya.

"Tignan mo itong malanding 'to. Dati si Andy ang kasa-kasama ngayon si Jeff naman. Iniisa-isa niya ata ang members ng basketball team." Sabi nung isang babae. Di ko matandaan ang pangalan niya pero pamilyar ang mukha niya.

"Tumigil ka nga Ashley." Sabi ni Jeff.

"Ano yung sinasabi niya?" Tanong ko kay Jeff. Nabilaukan nanaman siya.

Peram ng bola. (PNB) •on-going•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon