PNB 19: J. A. R.

1.8K 41 8
                                    



Rizzi's Point Of View...

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!! LECHE KAYOOOO!!!"

"Sorry Rizzi!" Sabay nilang sabi.

"Bakit ka ba kasi bigla-biglang nanununtok, Andy?!" Pagtataray ko.

"Kasi itong si Jeff... Kanina-"

"Hoy! Paganti!" Sigaw ni Jeff sabay hinila si Andy palabas ng room.

"Hoy! Bat niyo ko iiwan dito! Ansakit sa balat ah! Buti na lang di nalapnos balat ko." Sabi ko. May pumasok namang nurse.

"Miss. Palit ka munang damit. Ito oh." Sabi niya sabay bigay ng bagong damit sakin. Urgghh. Sakit nila sa ulo.

Pagkalabas ko ng CR, si Jeff na lang ang nakita ko.

"Asan na si Andy?"

"May kinausap lang sa labas. Bakit mo hinahanap? May gusto ka ba sakaniya?" Seryoso niyang tanong.

"H-ha? Wala ah! Eto naman. Selos agad." Sabi ko sabay yakap sakaniya mula sa likod. Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko sabay halik dito

"Akin ka lang ha?"

"Opo."

"Ehem." Si Andy.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

"Wala naman. Gusto lang ki-"

Napatigil si Andy sa sasabihin niya dahil kumatok ang isang nurse.

"Sir Allena? Kaanu-ano niyo po pala si Mr. Romeo Aranzosa?" Sabi nung nurse.

"T-Tito." Pautal niyang sabi.

"Ok na po. Libre na po. Sakaniya po tong hospital na 'to." Sabi nung nurse.

"Kamag-anak mo yun?!" Pasigaw na sabi ni Jeff.

"Oo. Bakit?" Kalmadong sagot ni Andy.

"Wala." Sabi naman ni Jeff sabay walk out. Tinawag ko siya pero ni hindi niya ako nilingon.

"Rizzi." Si Andy.

"Lumabas ka na."

"Di ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabing naaalala mo pa ako." Pagmamatigas niya.

"Edi wag." Pagmamatigas ko rin sabay talikod sakaniya.

"Rizzi." Nagulat ako nang yakapin ako nito. "Sabihin mo lang na naaalala mo ko, magiging maayos na ang lahat."

"Naaalala na kita Andy. At ayoko nang magtuloy-tuloy pa ang pag-alala ko sa'yo."

"Bakit?"

"Sabi ni Jeff, minahal daw kita pero sinaktan mo lang ako at noong dumating daw siya. Nanggulo ka naman at iyon ang naging dahilan ng pagkadisgrasya ko."

"Hindi yan totoo, Rizzi." Sabi naman niya at hinarap ako sakaniya. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "Binaliktad niya lang ko. Maniwala ka sa akin."

"Si Jeff lang pinapaniwalaan ko, Andy."

"Papatunayan ko sayong akin ka dapat Rizzi."

"Hindi na kailangan, Andy."

"Rizzi, nararamdaman kong gusto mo ko. Nararamdaman kong ako ang mahal mo." Sagot naman niya sabay niyakap ako. Pinipilit ko siyang itulak pero malakas talaga siya.

Peram ng bola. (PNB) •on-going•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon