MOTW Introduction

161 7 4
                                    

"Sino ka? Sino kayo?"


Tanong ko sa anim na lalaki na nasa harap- no, nasa salamin na nasa harap ko ngayon. Ghad! Nasa loob sila ng salamin?!


"Ikaw, sino ka? At, bakit mo kami nakikita?" Tanong ng isa sa kanila. Habang yung iba naman ay parang manghang-mangha sa nakikita nila.


"Ako unang nagtanong! Sino kayo?"


"Hindi kami pwedeng makipagkilala sa isang tao.."


"Tao din kaya kayo! Alam niyo, nant-trip kayo eh."


"Nanti-trip?"


"Oo as in pinagloloko niyo ako. labas na dyan."


"Labas saan?"


"Dyan sa salamin"


"Paano? Hindi pwede, dito ang mundo namin at ipinagbabawal iyon sa aming batas.."


"Weh? Totoo?"


"Subukan mong hawakan ang salamin"


"Ayaw ko nga! Mapunta pa ako dyan!"


"Dali na!"


Hinawakan ko ang salamin at omg?! Salamin nga siya!


"Ngayon subukan mong magtapon ng papel sa salamin"


"Duh? Wait"


Kumuha ako ng papel at tinapon ito. Akala ko kay tatama lang ito sa salamin at babalik sa akin pero hindi.. pumasok sya!


Oh god, nananaginip ba ako?


dahil sa takot ay kaagad akong tumakbo palabas sa lugar na 'yon.


"JESSAAAAAAAAA" Sigaw ko sa bestfriend ko ng makita ko ito pero bago ako makarating sa kanya ay may tumamang bola sa ulo ko. Dahilan ng pagkahilo ko.


Mashaket, tshert..

Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon