Third Chapter

48 3 0
                                    

"Pst! Milka! Hoy!"

"Ah, oh bakit?"

"Anong bakit? Uwian na uy, di ka pa ba uuwi? Kanina ka pa nagsusulat dyan eh mukhang di ka naman nakikinig eh. Ano ba yang sinusulat mo? Pakita ng--- ANO TO?! ETO BA ANG PINAGKAKAABALAHAN MO BOUNG HAPON? ANG SAYANGIN ANG INK NG BALLPEN MO?"

"Ah hehehe wala kasi akong magawa. Favor naman Jess oh."

"Anong favor?"

"Tulungan mo naman akong makapasok ulit sa lumang library.."

"Bakit? Akala ko ba nakuha mo na ang notebook mo?"

"Hindi, may iba pa akong kailangan asikasuhin don.. Please?"

"Nako nako! Matitiis ba naman kita? Tara na dali!"

"Yie! Thank you, jessss!" Saka ko kinuha ang bag ko at kaagad na pumunta sa lumang library.

"May guard... Alam mo na gagawin ha?"

"Oo, oo, dating gawi!"

"Okay, fighting! Siguraduhin mo lang na makakalabas ka ng buhay don ah! Kung hindi, nako, hindi ko alam--"

"Oo na oo na. Alam ko na yan, lakad na don!" Saka ko sya tinulak. Kaagad naman syang tumakbo papunta sa guard

"Guard! Guard!" Rinig kong tawag ni Jess sa guard.

"Oh bakit? Anong problema?"

"Eh kasi guard may narinig akong sigaw don sa kabilang building! Samahan niyo naman ho akong pumunta don. Pumunta po kasi dun kaibigan ko eh, baka siya yun..." Galing ng arte, bongga ni jess haha.

"Oh sige tara." Nang nakalayo-layo na sila ay diretso na akong pumasok sa library.

"Hindi ko inaakalang mapapaaga ang pagbabalik mo." Kaagad akong napahiyaw sa gulat. Paglingon ko andoon si Eunwoo nakaupo sa harap ng loob ng salamin.

"Jusko naman! Hilig mo ba ang mang gulat ng tao? Aatakihin ako sayo!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad patungo sa harap ng salamin.

Nagkibit balikat naman siya, "Hindi ko kasalanang matatakotin ang mga mortal.."

"Oo na, matatakotin na kung matatakotin. Pero...."

"Hindi ko alam kung pwede bang magbahagi ng kanyang kaalaman ang isang tulad namin sa isang mortal pero magtanong ka lang at sasagutin ko hanggang makakaya ko kahit na parusahan pa ako kapag nalaman ito ng iba at maaaring ipatapon ako sa bundok kung saan pinapahirapan ang tulad namin at ginagawang alipin upang matutuhan ang kanilang pagkakamali na siyang mangyayari sakin sa oras na magtanong ka at---"

"Hindi na...... lang ako magtatanong.." Nagpakonsensya pa kasi. Hmp.

"Teka, bakit ka tumatawa?"

"Nagbibiro lang ako. Wala ng mas bibigat pa na parusa sa nangyayari ngayon hahaha. Anong gusto mong malaman?" Ay baliw.

"Asan ang iba? Bakit ikaw lang?"

"Hindi ko din alam. Ako ang nagsauli ng box na iniwan mo kanina. Naguilty kasi ako kasi ako daw ang dahilan ng pagkahimatay mo kanina saka utos na rin ni Jinjin."

Ah, siya pala..."pero paano?"

"Paano mo nagawa yun?"

"Madali lang naman kontrolin ang hangin. Iba pang katanungan?"

"Bakit... kayo nandyan?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo.."

"Sige sasagutin ko yan pero sagutin mo muna ang tanong ko."

"Anong tanong?"

"Bakit ka bumalik dito? Gusto mo pa bang bumalik dito? Bukas? Sa susunod na araw? Linggo?"

"Hindi ko alam kung bakit ako bumalik dito... Ang alam ko lang kailangan kong bumalik dito. Bakit ganun?"

Seryoso siyang nakatitig sakin habang nagsasalita ako. Hinihintay ang susunod kung sasabihin...

"Pakiramdam ko may naiwan ako ditong mahalagang bagay na kailangan kong kunin pero hindi ko alam kung ano? Pakiramdam ko din hindi bago sakin ang lugar na'to.. Pakiramdam ko din gusto kong pumasok diyan... Parang pakiramdam ng batang gustong umuwi sa bahay niya? Ganun na ganun....."

"Hindi ka ba nagtataka? Kung bakit nakikita mo ang salamin na nasa harap mo ngayon? Wala pang mortal ang nakakakita nito at sa amin.. Wala pang mortal ang pinapayagang makita ang daan patungo sa mundo namin.."

"Nagtataka din ako...."

"Hindi kaya....."

"Hindi kaya ano?"






"Hindi kaya oras na para bumalik ka na sa mundo natin?"

Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon