Fifth Chapter

48 2 0
                                    

Inside The Mirror's World

Moonbin's POV

"Nakakapagod! Sana pala ako nalang ang naiwan at nagbantay don sa salamin!" Agad na angal ni MJ pagkapasok na pagkapasok namin sa tahanan ni.... ah, tahanan ko pala to.

"Moonbin, baka gusto mo man lang kaming bigyan ng maiinom?" Tanong ni Jinjin. Tsk.

"Hindi na kayo bisita sa tahanan namin kaya kayo na ang kumuha doon."

"Moonbin iba pa rin talaga pag gawa mo! Dali na don!"

Dahil sa wala naman akong magawa eh dumiretso nalang ako sa kusina namin at naghanda na ng maiinom namin. Maya-maya ay narinig ko na lamang silang nagsisigawan sa sala kaya napatakbo ako kaagad papunta sa kanila.

"Bakit? Anong problema?"

"Moonbin, tignan mo kamay mo dali!!!!"

Nang makita kong umiilaw ang kamay nila ay napatingin na rin ako sa kamay ko at... Umiilaw din ito.

"Anong ibig sabihin nito?" Bakas sa boses ni Sanha ang pagkatakot. Matatakotin talaga.

"Mamamatay na ba tayo? Ubos na ba ang oras natin? Ano to??" Isa pa tong si MJ tsk.

"Moonbin, pwede bang uminom munit tayo ng gawa mo bago tayo maglaho kasabay ng liwanag? Ha?" Jinjin

"Isa lang ang ibig sabihin nito." wari ko.

"ANO?" Sabay sabay nilang tanong.

"May nangyayari ngayon doon sa salamin. Puntahan natin si Eunwoo."

"Sige tara tara" kaagad naman kaming lumakad.

Eunwoo's POV

"Eunwoo! Eunwoo! Eunwoo!" Kaagad akong naalimputangan dahil sa boses nila Jinjin.

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanila

"Anong 'anong nangyare'? Ikaw nga dapat dyan ang tatanongin namin dyan! Eunwoo, bakit umiilaw ang kamay namin? Umiilaw din yung sayo.." -MJ

"Eunwoo, anong nangyare dito habang wala kami?" - Moonbin

"Hindi ko alam.. Ang naaalala ko lang... Humiling si Milka tapos biglang nagliwanag ang paligid pero nong hinawakan na ni Milka ang salamin saka kami nilamon ng liwanag..."

"Anong hiniling ni Milka?"

"Na sana daw ay makasama niya tayo..."

Kaagad silang napatigil at nagtinginan sa isa't isa. Alam ko na ang iniisip nila.

"Ibig ba sabihin nito ay konektado na tayo sa kanya?" mahinang  tanong ni Jinjin. Tumango nama ang iba saka sila nagtawanan.

Masaya sila. Bakit? Kasi makikita na nila ang mundong walang normal na katulad namin pa ang nakakakita.

Pero...ang hindi nila alam, may kapalit ang lahat ng ito.

Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon