First Chapter

105 5 1
                                    


"Milka? Okay ka na ba?" Kaagad na tanong niya pagkagising na pagkagising ko.


Napahawak ako sa ulo ko, "Sakit, langya."


"Duh? Buti nga 'yan lang inabot mo eh! Tatakbo ka na nga lang sa gitna pa ng field? Hello, Milka? May naglalaro don!" 


"Eh kasi nga nataranta ako!"


"At bakit ka naman nataranta? May lumipad ba na ipis sayo 'don sa lumang library? Hahaha." Dahil sa sinabi niya ay naalala ko kaagad ang nakita ko sa lugar na yon.


Hinawakan ko ang dalawang balikat niya, "Jessa, may sasabihin ako sayo." Seryoso kong sabi sa kanya.


"Oh sige," Umupo siya ng maayos saka ako hinarap ulit, "Ano ba yang sasabihin mo? Nakakathrill naman!"


"Gaga, seryoso 'to! Alam mo kasi kanina, habang hinahanap ko 'yung libro sa lumang library ng school.. may nakita ako."


"Ano ang nakita mo?"


"Anim na lalaki sa loob ng salamin, kinausap pa nila ako-"


"HAHAHAHAHAHAHA" Napatigil ako sa pagku-kwento dahil sa lakas ng tawa niya.


"Bakit ka tumatawa?"


"HAHA.. Alam mo, Milka, 'Di ka pa yata okay eh? HAHAHA Anim na lalaki? HAHAHA sa loob ng salamin? HAHAHAHA"


Hinampas ko sya sa balikat, "Seryoso nga! Kahit bumalik pa tayo ngayon 'don! Pumasok sa loob ng salamin 'yong papel na tinapon ko tas napunta 'don sa mga lalaki! Ano ba!"


"Oo na! Oo na! Pfft.. pero 'di na tayo makakabalik 'don ngayon. Siguradong may gwardya na nagbabantay na ngayon. Sa susunod nalang siguro, uwi na tayo. 6 na oh." Sabi niya pa habang pinipilit na h'wag matawa.


Pero.. totoo naman kasi! Alam ko, totoo 'yon!


"Sige, kukunin ko lang bag ko."




"Oh, mag pahinga ka ah! Kita nalang ulit tayo, bukas!" Paalam ni Jessa sa'kin. Pumasok kaagad ako ng bahay. 


"Late ka nakauwi ngayon." Salubong ni Kuya sa'kin.


"Galing clinic, natamaan ako ng bola eh. Nga pala kuya, may itatanong ako."


"Ano?"


Umupo ako sa tabi niya, "Bakit... bakit pinagbabawalan ang mga estudyante pumasok 'don sa lumang library sa school?" Kaagad namang lumaki ang mga mata niya sa tanong ko. 


"H'wag kang magsisinungaling, Kuya!" Hiyaw ko.


"Oo na. Hindi ko din alam pero narinig ko lang 'to ah, sa loob daw ng library na 'yon.. may magic na nakatago." Pagsisimula niya, "May isang diwata daw kasi ang nanuluyan doon noon. Ang sabi ng iba, may naiwan daw doong magic 'yong diwata. Pero wala pa daw ni isa ang nakakahanap noon. Kaya ipinagbabawal. Meron ding kwento na may ibang mundo daw na nakatago 'don, kasi 'don daw itinago ng diwata.. ewan, di naman ako naniniwala 'don eh. Bakit ba?"


"A-ah? Wala lang. Nacurious lang talaga ako.."


"H'wag kang papasok 'don!"


"Bakit?"


"Ipinagbabawal! Saka baka kung ano pang mangyari sayo 'don!"


"Akala ko ba hindi ka naniniwala 'don?"


"Ano naman? Safety first! Ge, gagawa muna akong research paper. Kumain ka nalang dyan."


Nang umalis si Kuya ay naiwan ako mag isa sa sala. Napa-isip ako, hindi kaya totoo talaga 'yong magic magic na 'yon? Kasi kung hindi, ano 'yong nakita ko kanina? Hindi pwedeng imahenasyon ko lang 'yon. 


Kanina kasi napagtripan ako ng mga kaklase ko at tinapon doon ang diary ko. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang pumasok doon. Tsk, sana pala hindi na ako pumasok. Ayan tuloy kung ano ano na itong nakikita at pinag-iisip ko.


Tumayo na ako at kumain. Pagkatapos ay nagbihis ako, nagbasa ng ilang pahina sa libro ko at saka natulog na.



Bukas, pupuntahan ko ulit 'yon.


Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon