Fourth Chapter

42 2 5
                                    

"Anong pinagsasabi mo? E-eh, hindi naman ako galing dyan! Ikaw ha, nananakot ka!"

Nagkibit balikat siya, "Nakakatakot nga talaga ang katotohanan."

"Ah, sige, alis na ako. Bawal ako magtagal dito."

"Isang minuto ka palang na nawawala sa mundo niyo."

"HA? ISANG MINUTO? PALANG?"

"Ang katumbas ng isang oras sa amin dito ay isang minuto sa inyo. Isang minuto sa amin, isang sigundo sa inyo."

"Ah..." Kaya pala nung nahimatay ako ganun ang nangyari.

"Alam mo, gusto rin namin makita ang mundo niyo.." Napatingin ako sa kanya, "Pero dahil sa pinagbabawal ay nakuntento nalang kami sa panonood sa inyo mula dito.."

Umupo ako sa harap ng salamin, "Bakit? Anong klaseng mundo ba ang nandyan sa loob ng salamin?"

Nagkibit balikat siya bago siya sumagot sa tanong ko, "Isang mundo na ibang iba sa mundo niyo. Ang mundo namin ay puno ng mahika saka dito.."

Habang nagsasalita si Eunwoo ay biglang nag vibrate ang phone ko,

From: Bes Jes

Alis ka na jan. Pabalik na guard...

Kaagad akong napatayo, "Aalis ka na ba?" Tanong niya bigla sa akin

"Ah oo eh. Pasensya ka na ah."

Nakita ko namang lumungkot ang mukha niya, hay...

"Alam mo, sana no, may magic din ako na makita at makausap ko kayo sa ibang salamin para kahit saan makasama ko kayo diba? Edi parang nakapasyal na rin kayo sa mundo namin non! Hiling ko na sana mangyari yun sa--- E-e-eunwoo! B-bakit nagliliwanag ang salamin?! Eunwoo hoy!"

Nataranta ako dahil sa hindi ko na makita si Eunwoo dahil sa sobrang liwanag ng salamin saka baka may makakita din ng liwanag sa labas at mahuli pa ako dito jusko..

Dahil sa pagkataranta ko ay sinubukan kong kapain ang salamin ngunit paglapat palang ng kamay ko doon sa salamin ay sumabog na ang liwanag.....

Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon