Second Chapter

79 4 1
                                    


"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Hi!" Bati sa akin ng isa sa kanila.

"Ano ba! Magmu-mukha na akong baliw ng dahil sa inyo. Tigilan niyo na ako. Imahenasyon ko lang 'to, tama. Imahenasyon lang." Wari ko sa kanila.

Kaagad naman silang napatawa, "Hihintayin namin ang ating muling pagkikita. Paalam!" Sabi naman ng isa habang pinipigilan ang tawa niya.

"Muling pagkikita? No-"




"Milka? Sasabay ka ba sakin o hindi? Mala-late na ako oh!"

Kaagad akong napamulat. Oh my gosh! Anong oras na?

"6:45" basa ko sa orasan na nasa side table ko.

"Milka?!"

"Oo na! Oo na! Saglit!"

Mabilis akong naligo at nagbihis. Sa sobrang bilis nakalimutan ko ng mag conditioner at mag toothbrush. Ugh!

"Tapos na ako!"

"Oh. Nakalimutan mo DIN magsuklay!" sabay bato niya sakin ng suklay kaagad ko itong sinalo at sumakay na sa kotse.

"Anong oras ka bang natulog kagabi? Grabe, dinamay mo na naman ako. Late na naman ako."

"Start mo na kotse at mamaya na dada baka sakaling di tayo malate."

"Oo na. Magsuklay ka na dyan" Kaagad naman nyang pinatakbo ang kotse at sinimulan ko na ding magsuklay.

After 30 minutes, tada! Late na kami. Hahaha.

"Thanks kuya! Bye!" Syempre nasa magkaibang school kami ni kuya pero on the way lang naman kaya sinasabay- nakikisabay nalang ako.

"Hi Jess!" Bati ko kay Jess na busy sa pagbabasa ng kung anong comics.

"Maaga ka ngayon ah? Maaga para sa 3rd subject." sabi niya ng hindi man lamang tinatanggal ang tingin sa comics nya.

"Sorry naman po eh no. Di sinasadyang late ako nagising."

"Ah okay, pinapatawag ka pala ni Ms. Lyra kanina. Puntahan mo raw siya."

"Ah, sige."

Inilagay ko ang bag ko saka ako lumabas para puntahan si Ms. Lyra. Bakit naman kaya ako pinapatawag nun? E wala naman akong nilabag na--

O.M.G!!

Nalaman kaya niyang pumasok ako sa lumang library?!?!

DAPAK ㅠㅠ

Parang ayaw ko na tuloy tumuloy. Kaso nandito na rin naman ako sa harap ng pintuan...

"Sasabihin ko nalang na wala akong nakita. Tama, yun nalang.." Bulong ko sa sarili ko bago ako huminga ng malalim at pumasok na sa Teacher's office.

"Ms, pinapatawag niyo raw po ako?"

"Oh, Milka. Kakarating mo lang ba? May iuutos kasi sana ako sayo."

"Ano po 'yon, Ms?"

"Pwede ka bang pumunta doon sa room na katabi ng lumang library? May kahon akong naiwan don, pakikuha mo naman para sakin."

"Ah, sige po Ms."

Phew. Yun lang pala. Akala ko kung ano na.

"Ah, Milka?"

"Yes, Ms?"

"Stay away from the old library okay?"

"Yes, ms."

~*~*~

Hays. Andidito na naman ako sa hallway na ito. Jusko.

Kaagad kong binuksan ang maliit na room sa tabi ng lumang library at kaagad na kinuha ang nag iisang box na nandoon at lumabas na agad.

Mirror On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon