Napalingon naman si makoy kay lexi ng biglang nagroll eyes lang ito.
< sa loob ng katawan ni ms pating >
Mama ni makoy : at talagang sinundan mo pa ako dito.
Charlie : nasan tayo !?
Mama ni makoy : san ka ba pumasok !?
Charlie : sa katawan ni ms pating.
Mama ni makoy : oh edi nasa katawan ka ni elsa ngayon, boba.
napakamot ulo naman si charlie.
Charlie : pero bakit ang dilim dito !?
Mama ni makoy : dahil kaluluwa tayo at hindi natin nakikita ang nasa loob ng katawan ni elsa tanging ang nakikita nya at nadidinig lang nya ang makikita at madidinig lang natin.
Charlie : bakit mo ba ito ginagawa.
Mama ni makoy : gusto kong makasama ang anak ko.
Charlie : pero patay ka na, hindi mo pwedeng kunin ang katawan ng nabubuhay pa.
Mama ni makoy : tama ka nga charlie hindi ko kaya pero hanggat nasa isip ng anak ko na kaya kong makuha ang katawan ni elsa makakaya ko.
napataas naman ang kilay ni charlie.
Charlie : hindi ako naniniwala sayo, hindi magagawang isipin ni makoy na makukuha mo ang katawan ni ms pating.
Mama ni makoy : kung ganun bakit nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko sana magawa.
Charlie : siguro tama ka naiisip ni makoy yun pero kaya nya lang naiisip ang mga bagay na yun dahil miss ka na nya.
Mama ni makoy : miss na miss ko na din sya charlie.
Charlie : alam ko naman yun eh nakikita ko pero mali ang ginagawa mo, sa tingin mo ba magiging masaya si makoy dahil gumawa ka ng masama !? kahit kelan hindi magiging masaya ang anak kapag may ginawang kasamaan ang magulang nya.
Mama ni makoy : gusto nya akong makasama.
Charlie : dahil hindi ka nya nakasama sa mga oras na kailangan ka nya pero itinadhana ang mga bagay na to, katulad ng pagkamatay mo, dahil sa bawat aalis may dumadating, kausapin mo si makoy, yakapin mo, magpaalam ka ng maayos at kapag nagawa mo yun panigurado makakapagmove on ka na.
Mama ni makoy : hindi, hindi.
Charlie : makinig ka sakin, kapag nakuha mo ang katawan ni ms pating hindi na muling maalala ni makoy ang mga bagay na nagawa nyo dati ang tanging maaalala nya lang ay si ms pating yung kasama nya dati at si ms pating yung nagbabantay sa kanya.
Mama ni makoy : hindi totoo yan.
Charlie : totoo yun, dahil nabura na ang alaala sa isipan nya, wala ring silbi ang pagkuha mo sa katawan ni ms pating kung ang anak mo ay hindi ka na maalala.
napatigil naman ang nanay ni makoy.
Charlie : balang araw magkakasama naman kayo ni makoy medyo tatagal pa nga lang pero sa dulo makakasama mo sya.
Mama ni makoy : charlie kailanan kung bantayan ang anak ko.
Charlie : ako ang bahala sa kanila, babantayan ko sila.
Mama ni makoy : charlie , balang araw mawawala ka sa kanila at kung mangyari man yun, sinong magbabantay at sinong magtatanggol sa kanila at alam mo ba ng dahil sayo may multo ng nakasunod palagi sa inyo, sa tingin mo ba hindi ka nila sinisisi !?
Charlie : hindi ko kasalanan na may multong umaaligid sa amin.
Mama ni makoy : hindi nga ba charlie !?
BINABASA MO ANG
#ParangNormalActivity
Novela Juvenil❤ ChaThird ❤️ ❤ MaLex ❤️ ❤ LaRed ❤️ ❤ JoTing ❤️ ❤ CharSon ❤️