Prologue

125 5 1
                                    


MORTAL WORLD

Ako.....

Ako ay isang simpleng babae

Nakakulong sa aking kwarto dito sa aming napakalaking mansyon

Hindi ko pa nararanasan lumabas kahit nung bata pa ako

Hindi rin naman ako makakalabas dahil sa mga bantay na nakapaligid sa bahay

Hindi ko pa nakikita ang mundo sa labas ng makakapal na mga pader ng aking kwarto

Wala din ditong kahit maliit na bintana

For short,

Para akong isang kriminal na may malaking kasalanan sa batas at pinagbabawalang makita ang pangyayari sa labas

Ang pinagkaiba nga lang, ako ay may guro na nagtuturo sa akin para kahit papaano ay may alam naman ako sa mga leksyon na natututunan ng tao katulad ko.

At tanging mga katulong lang at ang aking guro ang aking nakakasalamuha

Kahit mga magulang ko ay hindi ko nakikita o hindi man lang nila binabanggit sa akin.

Ako, si Jhezelle Rheyn Kyther
ay humihiling na sana magkaroon ako ng kalayaan sa mundong ito....

***************

MAGIC WORLD

Maputi, maganda, matangkad, makinis ang kutis, matalino, mabait, nakukuha lahat ng gusto niya.........

Sabi nila ganyan daw ako

Ganyan daw ako ka perpekto

Pero mga tagapag-alaga ko lamang ang nagsasabi niyan

Kahit ang hari at ang reyna ay hindi ko pa nakikita

Isa akong babaeng walang kalayaan

Totoo nga na maganda, maputi at matangkad ako

Pero aanhin ko lang ang mga papuring iyon kung hindi ko nakikita ang mundo sa labas ng aking kwarto?

Hindi ko makikita kung may mas maganda pa ba sa akin?

Hindi ko makikita ang mga halaman at kabundukan

Hindi ko makikita ang iba't ibang kapangyarihan ng mga tao sa labas

Nasa magic world nga ako

Pero bakit parang wala akong mahika para makalabas dito

Palagi namang sinasabi ni Fryle, ang head butler dito na ginagawa lamang daw ito ng hari para maprotektahan ako

Pagprotekta ba ang tawag sa hindi pagkakait sa akin ng kalayaan?

Bakit? Pag lumabas ba ako sa kwart ko, mamamatay ba agad ako?

Sobra-sobra naman sila

Ako, si Jhainne Reloide Hyquerre at ang tanging hiling ko lamang ay ang magkaroon ng kalayaan.

**************

UNDER WORLD

Nakahiga ako sa malambot kong kama habang nanunood ng telebisyon

Iniisip ko kung gaano kaganda ang mundo sa labas

Naiinggit ako sa mga tao dahil nakita na nila ang magandang kalikasan na kailan man hindi ko makikita

Naiinis ako sa hari at sa reyna dahil pinagbabawalan nila akong lumabas

Ano ba ang kasalanan ko at kinulong nila ako dito?

Ganun ba talaga ako kasalbahe nung bata ako kaya pinarusahan nila ako?

Bakit ba kasi hindi ko pa nalalaman ang kapangyarihan ko

Para malaman ko nang mas maaga kung makakalabas ba ako dito gamit ang kapangyarihan ko

Sana apoy, para kaya kong sunugin ang mga pader upang makalabas ako

Sana hangin, para magkaroon ng buhawi at magpapanic sila tapos gagawa ako ng paraan para makalabas

Sana tubig, para bumaha dito at hindi nila ako makikita habang lumalabas ako

Pero paano kung wala pala talaga akong kapangyarihan

Aasa na lang ba ako sa wala?

Ako si Jhohanne Rheez Pycker at gusto ko nang umalis sa kulungan ko.


*************

(AN: Hayys. Sa wakas. Tapos na rin ang prologue. Hope you will like it guys.First time ko kasi sumulat ng fantasy eh. Hahaha)

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon