WFA 1: MORTAL WORLD

65 4 0
                                    

Jhezelle's POV

Nakaupo ako ngayon sa mahabang sofa sa loob ng aking malaking kwarto habang naglalaro sa aking cellphone nang biglang may kumatok at pumasok.

"Mam Jhezelle eto na po ang pagkain niyo" sabi ni Manang Myrna.

"Salamat po manang. Ah manang, kailan pa po kaya ako makakalabas dito?" Magalang kong tanong.

"Sa tamang panahon anak." Sagot niya. Matagal ko na siyang tinatanong nun pero ganito lagi ang sagot niya.

Haayy... Kailan kaya ako makakalabas dito. 17 na ako pero hindi ko parin nakikita ang mundo sa labas.

Kumain na lang ako habang nag-iisip kung ano ba ang mundo sa labas.

.
.
.
.
.
Natigil ako sa pag-iisip nang may bigalng pumasok.

Isang babaeng napakaganda. Siguro mga 40 pa lang ang edad niya.

"Sino po kayo?" Tanong ko.

"Ako si Linda Kyther" sagot ng babae.

"Po? Kyther po kayo? So kayo ang mama ko?" Naiiyak kong sabi. Sa wakas makikita ko na ang mama ko. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito.

Niyakap niya ako.

"Pasensya ka na ngayon mo lang ako nakita. Ngayon lang kasi ako nakabalik" sabi niya. Umiiyak na rin pala siya.

"Sshhh.... Don't cry. Papangit ka niyan" pinapatahan niya ako. Para akong bata ngayon. Umiiyak at pinapatahan ng kanyang ina.

Nang tumigil na ako sa pag-iyak, tinanong ko na siya nang mga katanungang matagal ko nang gustong masagot.

"Ma, bakit ako nakakulong dito? Bakit hindi ako pwedeng lumabas?"

"Pinoprotektahan ka lang namin. May mga bagay akong ipagtatapat sayo. Pero huwag kang magugulat" seryoso niyang sabi.

Tumango na lang ako. Hindi kasi ako makapagsalita. Parang may bumabara sa aking lalamunan para pigilan akong magsalita. Siguro makikinig na lang ako.

"Anak, hindi ka lang basta-basta tao. May kapangyarihan ka. Isa ka sa espesyal na tao na may malakas na kapangyarihan. Sa ngayon hindi mo pa ito alam. Malalaman mo lang ito pag ikaw ay labing-walong taong gulang na. Pinoprotektahan ka namin sa mga taga Dark World. Gusto ka nilang dakpin para kunin ang kapangyarihan mo at isalin sa kanilang prinsipe dahil hangad niyang sakupin ang buong magic world. Kaya hindi ka namin pinapalabas ay dahil baka bigla silang sumugod dito at makuha ka nila. Takot kaming makuha ka nila dahil hindi pa lumabas ang kapangyarihan mo at hindi mo pa sila kayang labanan. Kaya ka namin kinulong sa loob ng 17 years. At ngayong malapit na ang iyong kaarawan, lalabas na ang iyong kapangyarihan. At ikaw ay pupunta sa magic world at doon mo pwedeng matutunang kontrolin at palakasin ang iyong kapangyarihan. Doon ka na mag-aaral, sa White Forestian Academy" mahaba niyang paliwanag.

"Diba next week na po ang debut ko? So hindi ko po kayo makakasama ng matagal." Malungkot kong sabi.

"Okay lang yan. Magbo-bonding naman tayo. Hindi muna ako aalis dito dahil gusto kitang makasama."

"Thanks ma." Sabi ko.

*******

(Hanggang dito na lang muna. Sorry maliit lang yung part na to.)

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon