WFA 2: Magic world

34 4 1
                                    

Jhainne's POV

*tok...tok...tok*

Nagising ako dahil sa taong kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

Ang aga-aga pa kaya. Bakit ba may kumakatok na sa pintuan ko? Sino kaya ang kumakatok dun.

*tok...tok...tok*

Tinignan ko muna ang orasan. 6 pa lang ng umaga. Kadalasan, 7 na nila hinahatid ang breakfast ko. Bakit kaya mukang napaaga ngayon...???.

*tok...tok...tok*

Bwisit naman. Kanina pa kumakatok yan. Yung mga maid nga namin, isang katok lang tapos binubuksan na agad ang pinto. Eh yung tao sa labas nakailang katok pa. For sure hindi ito maid. Hmmmm...sino naman kaya ang bibisita sa akin???

Tumayo naman agad ako at nilapitan ang pinto. Baka mainip kasi yung tao sa labas kakakatok sa pinto.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto. At pagbukas ko, nakita ko ang isang babae na siguro nasa 40 ang edad. Maganda, maputi at mukang mabait naman.

"Ah...eh... sino po kayo??" Tanong ko..

"Ako si Lannie Hyquerre. Ako ang mama mo" sabi niya.

Ano daw?? Siya ang mama ko???

"M-mama k-ko p-po k-kayo?" Nauutal kong sabi. Shettt. Naiiyak ako.

Sabay ng pag bagsak ng aking mga luha ay ang pagyakap niya sa akin. Niyakap ko rin siya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam habang kayakap mo ang iyong ina..

Matapos ang ilang minuto ay huminto na rin ako sa pag-iyak. Marami akong tanong na hinahanapan ng kasagutan. At siguro ngayon, nahanap ko na ang mga sagot.

Umupo muna kami sa sofa sa loob ng aking kwarto.

"Anak, pagpasensyahan mo na ang mama. Hindi kita naalagaan sa loob ng 17 taon. Naging reyna na kasi ako sa ating kaharian kaya marami akong responsibilidad"

"Naiintindihan ko naman po kayo. Pero bakit po ba ako nakakulong dito?" I asked.

"Anak, kailangan ka naming protektahan kaya ka nandito at hindi pinapalabas. Naglagay din kami ng mga sundalo sa paligid ng bahay at ng kwarto mo dahil para rin ito sa iyong kaligtasan"

"Bakit niyo po ba ako kailangan protektahan?"

"Dahil sa mga taga-dark world. Pinoprotektahan ka namin dahil ayaw namin na makuha ka nila."

"Bakit naman po nila ako kukunin?"

"Dahil ikaw ang isa sa may pinakamalakas na kapangyarihan na nabubuhay. Gusto nila itong kunin sayo para sa kanilang masamang balak."

"Eh, wala naman po akong kapangyarihan"

"May kapangyarihan ka. Kaya lang sa ngayon hindi pa ito lumalabas. Sa iyong ika labingwalong kaarawan ito lalabas. Kaya ka nga namin kinulong dahil kapag makuha ka nila, hindi ka pa makakalaban dahil hindi pa lumalabas ang iyong kapangyarihan" ah...ganun naman pala.

"Pagkatapos po ba ng aking kaarawan, pwede na po ba akong lumabas?"

"Oo. Kaya lang ipapadala kita sa kaharian ng Hyepeya. Dahil nandoon ang isang paaralan na nagtuturo tungkol sa magic. Ang White Forestian Academy"

"Diba po sa susunod na linggo na po ang aking kaarawan?"

"Oo anak. Kaya nga ako nandito para ipaalam yun sayo"

**************

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon