WFA 8: Escape

6 0 0
                                    

Jhohanne's POV

Naglilibot-libot ako ngayon sa loob ng kwarto. Halos isang linggo na rin kaming nandito at hindi na ulit kami nakalabas pa.

Wala naman kasi akong magagawa dito. Ayoko ko namang magbasa dahil nakakabored yun. At mas lalong ayaw kong tumunganga.

Hmm? Ano bang pwedeng gawin?

Dinikit ko ang tenga ko sa pader habang naglilibot. Baka may marinig pa ako ng mga tinig na makakapukaw sa atensyon ko.

Halos magsa-sampung minuto na akp sa ginagawa ko. Naka ilang ikot na nga rin ako sa kwarto pero parang wala talaga.

Dahil nainip na ako sa ginagawa ko, napagdesisyunan kong tumigil na lang.

Napagkakamalan pa akong baliw nito eh. Buti na lang at walang pakialam ang mga kasama ko sa akin.

Pagkatalikod ko ay may bigla akong narinig na kakaiba galing sa pader na pinanggalingan ko.

Automatic naman na napabaling ako dun. It got my attention now.

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan at agad akong napaatras. Dahil nga sa hindi ko nakikita ang inaatrasan ko, hindi ko namalayan na may mesa pala sa likod ko kaya natamaan ko ito at nahulog ang mga mwebles at nabasag.

Napatingin naman sa akin sina Jhainne at Jhezelle.

"Anong nangyayari sayo Jhohanne?" Dinig kong tanong ni Jhezelle.

Pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa pader na dahan-dahang nahahati.

Nakita siguro ni Jhezelle na nakatingin ako dun kaya napabaling din siya dun.

Nabalik lang ako sa aking sarili ng may tumapik sa balikat ko.

Napapitlag naman ako dahil dun.

Bumaling ako sa taong tumapik sa akin ag nakita ko si Jhainne na seryosong nakatingin sa pader.

"Maybe it's our way to escape" nasambit niya.

Naramdaman ko na rin ang presensya ni Jhezelle sa likod ko. Nakabawi na rin siguro siya sa pagkakagulat.

"Come to think of it. Parang kani-kanina ko lang iniisip kung paano tayo makakalabas dito tapos eto ang nangyari." Sabi ni Jhezelle na ngayon ay nakangiti na.

"What? Don't tell me na papasok tayo diyan?" Tanong ko.

Ayaw kong pumasok dun. Ang dilim kaya.

"Bakit ayaw mo?" Nangingiti paring tanong ni Jhezelle.

Ayaw ko talaga. Pero ayaw ko rin namang maiwan ditong mag isa. Pero natatakot talaga ako eh.

Hayyst! Sabi nga nila, face your fear.

"Hindi" tanging sagot ko.

"Yun naman pala eh. Tayo na" at nauna na ngang naglakad si Jhezelle. Mukhang excited pa nga siya eh.

Napatingin naman ako kay Jhainne. Pareho kasi kami na hindi pa humahakbang patungo dun sa pader.

Ayaw ba niya? Hindi naman siya mukhang takot ah? Napakakalmado pa nga niya eh.

Napabuntong hininga ako at unti-unti nang humakbang patungo lay Jhezelle na ngayon ah nasa harap na nung pader.

Tumabi ako sa kanya.

Tiningnan ko ang nasa loob. Puro itim lang ang nakikita ko. Hindi ko nga alam kung may sahig ba dun eh.

Nilapit ni Jhezelle ang kamay niya sa may bukana ng pader. Pagkadikit nun sa itim ay bigla na lang siyang nawala.

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon