WFA 4: Free

25 2 0
                                    

~Jhezelle~

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin sa aking kwarto. Nakita ko ang maganda kong repleksyon sa salamin. Nakasuot ako ng kulay pulang gown na may makikinang na dyamante sa lahat ng parte nito. May suot rin akong kwintas na may sun na pendant. Ngayon na ang aking kaarawan.

Ito na ang pinakahihintay kong araw. Sa wakas dumating na rin ang araw na ako ay makakalabas sa aking kwarto. Napakasaya ko dahil kaarawan ko at dahil makikita ko na ang mundo sa labas na kailan man ay hindi ko pa nakita.

Nasabi rin ni mommy na hindi daw dito gaganapin ang aking kaarawan. Ewan ko nga kung bakit pero yun ang utos niya.

Maya-maya ay darating na ang sasakyang susundo sa amin papunta sa kung saan mang lugar gaganapin ang aking debut.

Sana naman maganda ang lugar na yun.

Pero sigurado naman akong matutuwa ako sa mga tanawin sa labas ng bahay.

Ito na ata ang pinakamagandang regalong natanggap ko. Ang makita ang mundo sa labas.

**BEEP....BEEP**

Narinig kong busina ng kotseng sasakyan namin. Agad ko namang kinuha ang maliit kong bag at patakbong lumabas sa akin kwarto.

"WOAH" yan ang tanging nasabi ko dahil sa pagkamangha sa aming mansyon. Nakatira nga ako dito pero hindi ko alam na ganun pala yun kaganda.

"Jhezelle, you look gorgeous. Manang-mana ka talaga sa kagandahan ko." Sabi ni mommy habang nakangiti.

"Mom, tayo na po. Baka malate tayo" excited kong sabi.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni mommy.

"Hindi tayo malelate. 8 o'clock pa magsisimula ang party at 7 o'clock pa lang ngayon. Excited ka lang sigurong makita ang mundo sa labas." Sabi nito habang tumatawa.

"Mom naman. Syempre excited ako. Hindi ko pa kaya nakikita ang mga magagandang tanawin. Kaya tara na po." Pangungulit ko dito. Parang wala kasi siyang gana umalis.

"Okay.. Let's go" parang batang sabi nito at nauna pang maglakad. Hmmp.. Si mommy talaga hindi ako hinintay.

Narinig ko pa ang mahina nitong tawa.

++++++++++

~Jhainne~

"Perfect" sabi ni mommy pagkatapos niyang ilagay ang kwintas na may pendant na star..

Ang ganda nun tingnan at bumagay lang ito sa kutis kong napakaputi..

Kaya lang napaisip ako, bakit kaya star ang pendant ng kwintas ko? Hmm.. Dahil siguro para akong bituing nagniningning.... O baka naman konektado ang kwintas na ito sa kapangyarihan ko?

"Jhainne, hey Jhainne ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag.... Pinapatawag ka na ng Mahal na Reyna.. Andyan na kasi ang sundo niyo.." Sabi ni Fryle, ang head Butler sa East section ng palasyo kung nasaan ang aking kwarto..

"Ah? Okay lang ako Fryle... Asan na si mommy?" Tanong ko.

"Nasa baba na po ang Reyna... Sasamahan po kita patungo dun" ngayon, naging pormal na naman ang kanyang pagkakasabi nun.

"O sige.." Sabi ko at sumunod sa kanya palabas ng pinto.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay namangha ako sa laki ng palasyo.. Nasa East chamber pa lang kami ng palasyo pero sobrang laki na talaga ito.. Ano pa kaya ang kabuuang palasyo?

Sumunod lang ako kay Fryle pababa ng hagdan.. Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito eh.. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mamangha sa mga nagkikislapang mga mwebles at sa mga naggagandahang mga paintings na nakasabit sa bawat dingding na madadaanan namin..

Dumaan kami sa isang hallway kung saan may red carpet at may mga nakadisplay na mga mamahaling gamit sa gilid...

Sa dulo ay natanaw ko na ang babaeng nakatayo na may kausap na lalaking nakaunipormeng pang guard..

Nakita ko na rin ang sasakyang gagamitin namin..

"Ahem" tumikhim si Fryle para malaman nina mommy na nandito na kami..

"Oh, thanks Fryle.. Salamat sa paghatid kay Jhainne dito" nakangiting saad ni mommy kay Fryle.

Tumango lang siya bilang pagsagot sa sinabi ni mommy at agad na tumalikod para bumalik sa loob.

"Manong Ramon, kayo na ang bahala sa palasyo.. Always secure the gates especially during nighttime... Kilatising mabuti ang mga taong pumapasok dito.. Hindi rin naman tayo mapapasok ng taga Dark World dahil may barrier naman ang paligid ng palasyo laban sa kanila... So yun lang manong" sabi ni mommy sa gwardiyang kausap niya kanina.

Tumango lang si manong at agad na umalis..

"So, let's go.. I don't want to be late." Baling ni mommy sa akin..

So, this is it huh?? I'm really free..

+++++++++++

~Jhohanne~

"Hey, Jhohanne bilisan mong magbihis.. Mag-aayos kapa.." Sigaw ni mommy galing sa labas ng aking kwarto...

Eh, mabagal naman talaga akong kumilos eh.. Natural na sa akin yun..

"Wait lang ma, malapit na akong matapos" pasigaw ko ring sinabi sa kanya..

"Basta bilis-bilisan mo na diyan.. Malelate tayo eh.."

"Malapit na talaga akong matapos"

"Okay, tatawagin ko lang ang mag-aayos sayo" sabi niya at narinig ko ang mga yapak niya na papaalis...

Maya-maya lang ay may narinig akong bumukas ng pintuan.. Pumasok si mommy kasama ang isang babaeng siguro ay mag-aayos sa akin...

"Jhohanne, siya si Olivia, siya ang mag-aayos sayo ngayon" pagpapakilala ni mommy sa babaeng kasama niya...

Bumaling ako sa babae tsaka ngumiti.. Ngumiti rin naman siya pabalik..

"So, maiwan ko muna kayo.. Mag-aayos rin ako eh.. Olivia, ikaw na ang bahala kay Jhohanne" pagpapaalam ni mommy..

"Okay, ma'am.. Ako na po ang bahala sa anak niyo" sabi ng kanyang napakaliit na boses..

Tumango si mommy at agad lumabas sa kwarto.. So, kaming dalawa na lang ang maiiwan dito.

"Ma'am Jhohanne, umupo po kayo dito." Sabay turo niya sa upuan sa tabi niya..

Agad akong lumapit sa kanya  at umupo sa upuang sinasabi niya.

Sinimulan niya na akong ayusan... Mula sa buhok ko papunta sa mukha ko ang kanyang ginagawang pag-aayos..

After 30 minutes ay natapos na rin kami....

Agad naman akong bumaling sa salamin sa harap ko.

Wow.. Ang ganda ko pala talaga... Mas gumanda lang ako lalo nang inayusan niya ako..

"Thanks tita Olivia sa pag-aayos mo sa akin" sabi ko habang nakatingin pa rin sa salamin..

"Walang anuman, Jhohanne."

Maya-maya ay dumating na si mommy.. Naka ayos na din siya gaya ko..

"You're so pretty Jhohanne.." Sabi ni mommy pagkakita niya sa akin.

"Thanks Olivia" baling ni mommy kay tita Olivia.. Ngumiti lang siya kay mommy at agad lumabas ng kwarto ko.

"Here.." Sabi niya sabay lagay ng necklace na may half moon na pendant.

"Thanks mom"

"So, let's go" anyaya ni mommy.

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Lubos akong namangha sa lahat ng aking nakikita..

Napakaganda ng palasyong tinitirhan ko.

Bago pa ako matulala ng husto ay hinigit na ako ni mommy at tumungo sa sasakyan.

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon