WFA 6: POWERS

12 0 0
                                    

~Jhainne's POV~

"Ugh" napahawak ako sa ulo ko. Kakagising ko pa lamang at ito na agad ang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa paligid. Nasa isa akong kwarto na puti ang pader. Wala na itong ibang kalaman-laman maliban sa isang lamesa sa gilid.

Bigla kong naalala ang nangyari. Wala akong kaalam-alam kung bakit ako nawalan ng malay.

"Aw" napalingon ako sa kinaroroonan ni Jhezelle ng bigla siyang magsalita. Tulad ko ay tila iniinda rin niya ang ulo niya.

Napalingon naman ako kay Jhohanne na wala pa ring malay hanggang sa ngayon.

Ano bang nangyari? Nasaan kami? Nasaan si mom, si Aunt Linda at Lucy?

Gulong-gulo pa ako sa ngayon.

Hindi ko alam na napatulala na pala ako. Bumalik lang ako sa huwisyo ko nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Para itong binabasag. Sobrang sakit.

"Arrrrrggggg" sigaw ko. Napansin ko na ganoon rin ang nangyayari sa kanilang dalawa.

Nakuha ng atensiyon ko ang kulay pulang usok na nakalutang sa paligid. Pareho lamg din ito nang usok na nakita ko bago pa man ako mawalan ng malay.

Nasapo ko bigla ang ulo ko nang umatake na naman ang pagsakit nito. Mas lalo lamg lumala sa ngayon. Pakiramdam ko talagang binibiyak na amg ulo ko.

"Ahhhhhhh" Napatingin ako kay Jhohanne ng sumigaw siya. Pati si Jhezelle ay napatingin rin sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero parang unti-unting nagkakaroon ng tubig ang sphere na kinaroroonan niya.

Paano nagkaroon ng tubig dun? Wala naman akong nakitang tubig dito.

Mas lalo pang dumadami ang tubig hanggang sa halos mangalahati na ito sa sphere.

"Aaaaaahhhhhh" matapos ang nakakarinding sigaw ni Jhohanne ay agad rin siyang nawalan ng malay.

Nagkatinginan kami ni Jhezelle. Bakas ang takot at pag-aalala sa mukha niya.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng katawan ko. Wala naman akong sugat pero bigla-bigla na lang kumirot ang katawan ko.

May naramdaman akong daloy ng isang malakas na enerhiya na nagmumula sa katawan ko papunta sa mga kamay ko.

"Uuugghh" sigaw ko nang makaramdam ng pagkasunog ng balat.

Doon ako nagulat. May lumabas bigla na apoy sa mga kamay ko at pilit nitong sinusunog ang kabuuan ng sphere.

Napapalibutan na ako ng apoy. Sunog na rin ang ibabang parte ng dress ko. Nagdurugo na ang mga kamay ko ngunit patuloy pa rin ang paglabas ng apoy dito.

Halos maiyak na ako sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Nabaling ang atensyon ko kay Jhezelle na wala na ring malay. Mukha siyang binuhawi sa mukha niya. Mukhang nadaanan siya ng napalakas na hangin.

Naramdaman ko na naman ang pagkahilo. Malapit nang pumikit ang mga mata ko. Kahit anong pigil ko ay hindi ko na ito malalabanan pa.

Tuluyan nakong pumikit at nilamon ng kadiliman.

~ ~ ~ ~ ~

Third Person's Point Of View

"Tama nga ang hinala ko. Sa pangalawa talaga mapupunta ang kapangyarihang iyon" ani ni Lucy.

"I think it will be on Jhezelle" saad naman ni Lanni.

"Yan talaga siguro ang tinakda ng tadhana. No one can change anyone's fate. Just accept it." Komento ni Master Yule.

"We all know that among them Jhainne has the weakest heart. She's the one who breaks down easily." Mistress Oph said.

"We already knew that Mistress Oph. Kaya nga namin pinaghahandaan kung ano man ang maaaring mangyari." Saad ni Linda.

"Alam kong sa mga oras na ito ay wala pa rin silang malay" -Master Yule.

"Malubha na ang kanilang sugat lalo na si Jhainne Master. Hindi pa ba natin sila dadalhin sa infirmary?" Tanong ni Lanni.

"They can heal themselves" ani Master Yule saka tumalikod at humakbang paalis.

Sumunod naman dito si Mistress Oph.

Nagkatinginan silang tatlo. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ni Master Yule. Imposible naman na may healing power ang tatlo.

Nagtataka pa rin sila nang pumasok sa loob ng laboratory kung nasaan ang mga anak nila.

Laking gulat nila nang makitang halos humihilom na ang sugat ng tatlo lalo na kay Jhainne.

Kung kanina'y dumudugo pa ito, ngayon ay halos wala nang bakas ng sugat sa mga kamay nito. Tanging mga natuyong dugo na lamang ang nandoon.

Sa isip nila'y baka ginamot sila ni Mistress Oph kanina.

Ngunit paano naman nasabi ni Master Yule ang mga katagang yun?

Nilapitan nila ang tatlo. Ang kanina'y puno ng tubig na sphere ni Jhohanne, ngayo'y tuyo na.

Ginamitan nila ng mahika upang matanggal ang sphere. Bumagsak naman ang wala pa ring malay na katawan ng tatlo.

Hinaplos ni Lanni ang mukha ng anak. Naawa siya rito dahil baka bigla na lang itong mag break-down dahil sa lakas ng kapangyarihan nito.

Mahina pa man din ang dalaga. Kahit na masungit at matapang ang panlabas na anyo nito, napakahina at fragile naman ang totoong anyo nito.

Si Linda naman ay agad na niyakap ang anak. Naawa siya sa anyo nito ngayon. Hanggang ngayon kasi ay medyo maputla pa rin ito.

Takot rin siya. Na baka hindi makontrol ni Jhezelle ng maayos ang kapangyarihan niya at baka may mabiktima pa itong iba.

Kahit na hindi masyadong malakas ang kapangyarihan na hangin ay delikado pa rin ito.

Kapag hindi ito makontrol ng maayos, maaring may matamaan itong iba.

Kaya ganun na lang ang pag aalala ni Linda para kapakanan ng anak niya.

Tinitigan naman ni Lucy ang basang katawan ni Jhohanne. Hindi parin ito natutuyo kahit na matagal nang nawala ang bahang nasa sphere kanina.

Hinawakan niya ang kamay ng anak niya. Noong una pa lang, may kutob na siya na ganito ang maaaring maging kapangyarihan ni Jhohanne.

Ngunit kahit na ganoon ay nagulat pa rin siya nang malamang ganoon nga ang kapangyarihan ng anak.

Labis siyang nag aalala dito. Kahit na matigas ang ulo ng dalaga ay alam niyang fragile din ito.

Kaya nga labis ang pag iingat niya dito dahil baka sa isang iglap lang ay maaari nang mawasak ang puso nito.

Nagkatinginan silang tatlo. 'Siguro nga ito talaga ang plano niya.' Nasaisip nila.

Tumingin si Lanni sa tatlong dalagang wala pa ring malay.

"Tatawagin ko muna si Youi." Paalam ni Lucy at saka lumabas.

"Ate, natatakot ako para kay Jhainne" nasambit ni Lanni kay Linda.

"Ako rin naman nag aalala para kay Jhezelle. Pero Lanni, tanggapin mo na lang ang kapalaran niya" Linda.

"Tanggap ko naman ate. Pero hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag alala" Malungkot niyang saad.

"May tiwala ako kay Headmaster Yule." Pagpapatatag ni Linda sa loob ni Lanni.

***

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon