WFA 16: Target

11 0 0
                                    

Jhainne's POV

Umugong ang mga bulungan ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin matapos sabihin yun ni Headmaster Yule.

Mabuti nga at hindi pa muna bumalik ang matalas na pandinig ko kaya hindi pa ako masyadong naiingayan sa mga taong 'to.

Pero ano ba ang problema? Ayaw ba nila na yung mga Top 1 sa iba't ibang elements ang magiging teacher nila?

Sa mukha kasi nila ay halata ang pagtutol.

"Ate, excuse me, sino po sila?" Tanong ni Jhohanne sa babaeng nasa harap niya.

"Mga Top 1 sila sa iba't ibang elements. At sila ang pinakakinaiinisan ng lahat dito. Masyado kasing mayayabang dahil sila ang pinakamataas. Suplado rin ang mga yan at hinding-hindi mo makakausap ng maayos dahil hindi mo pa nga naibubuka ang bibig mo, sisigawan ka na." Mahabang paliwanag ni ate.

"Kaya pala tutol kayo, ate." Sabi sa kanya ni Jhezelle.

"Syempre. Walang may gusto sa mga yan. Tapos ngayon magiging substitute teachers at trainers natin sila? Nahihibang na ba si Headmaster?" Maktol pa niya.

"Pero kilala ko si Aiol. Mabait naman yun." Tanggol ni Jhezelle kay Aiol.

"Mabait naman kasi talaga yung mga Earth user. Kaya lang, siya lang ang natatanging mabait sa kanila." Sagot naman ni ate.

"Sino ba ang pinakakinaiinisan niyo sa kanila?" Singit ko sa usapan nila.

"Kita niyo yung lalaking kulay abo ang buhok?" Turo niya sa lalaking nasa gitna ng lahat na parang lider nila kung umasta.

Tumango naman kami sa kanya.

"Siya si Lihyung Gu. Ang Top 1 fire user. Apat na taon niya ng namemaintain ang rank niya." Putol niyang sabi.

"Ba't siya yung pinakakinaiinisan mo?" Tanong ni Jhohanne sa kanya. Hindi niya kasi tinapos yung sinasabi niya kaya nakasingit si Jhohanne.

"Hindi naman siya ang tipo ng lalaki na mahilig sumigaw. Actually, tahimik lang siya. But he's silent but deadly." Putol niya ulit. Bakit 'di niya na lang kasing tapusin di'ba?

Akmang sisingit na naman ulit si Jhohanne pero nakauna na siyang magsalita.

"Maghahanap siya ng gusto niyang pagtripan. Yung wala ka namang ginawang masama sa kanya pero gagawan ka niya ng masama. Hindi siya gaanong nagsasalita kaya hindi mo talaga malalaman kung sino ang target niya."

"Paano siya maghanap ng target? At anong ginagawa niya sa mga napipili niya?" Singit naman ni Jhezelle.

"That's the question. Hindi rin namin alam kung paano siya namimili ng target. Pero sa tingin ko, kung sino ang unang makakuha ng atensyon niya, siya yung magiging target niya. At tahimik niya ring pinagtitripan ang target niya. Nung nakaraan nga, sinunog niya ang kwarto ng target niya without leaving any evidence of it. Alam ng lahat na siya ang may kagagawan pero walang nagsumbong dahil takot sa kanya. Hindi rin siya naparusahan dahil walang nakitang ebidensya ang council na makapagtuturo sa kanya. Walang bakas ng kahit anong mahika na makakapagturo sa kanya. Meron rin ngang panahon na nakatambay lang siya sa ilalim ng puno diyan banda at siguro'y naghahanap ng target ng biglang lumiyab ang puno sa harapan niya kung saan may nakatambay na babae. Kawawa ang babae dun dahil natupok siya ng apoy buti na lang at tubig ang kapangyarihan niya kaya naagapan niya. Pero ganun talaga ka makapangyarihan si Lihyung." Mahabang kwento ni ate.

"Nakakatakot naman pala siya. Kaya pala andaming tutol. Sana hindi siya sa atin mapunta." Halatang takot na sabi ni Jhohanne.

"Sana nga wag lang rin sa aming mga seniors. Gusto pa naming maka-graduate dito ng buo." Sabi ni ate. Doon ko lang napansin na senior na pala siya dahil puti ang coat niya.

White Forestian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon