17

117 4 0
                                    

Chapter 17

"V, join Basti." sabi ng sa palagay ko ay si Xavier.

"Uhm..." tumingin ako sa mga katrabaho ko at kita ko ang pagtataka sa mata nila.

"Come on." ani Basti saka na naunang maglakad patungo sa katabing coffee shop.

"Excuse me." paalam ko sa mga kasama ko. Sumunod ako sa kanya sa loob ng coffee shop at nakita siyang naupo sa isang sulok. Hindi ako agad nakalapit sa kanya dahil una ay natatakot akong lumapit at pangalawa, ayokong mapahiya.

"What are you doing there? The guys want to talk to you." seryosong sambit niya.

"Ah..." sambit ko at maingat na naupo sa tapat niya. Nahuli ko siyang nakamasid sa akin kaya napayuko na lang ako para hindi na magtama ang mga mata namin.

"What the fuck, man. Be a gentleman naman! Papahirapan pa ba natin mga sarili natin dito? Magtabi kaya kayo!" rinig kong sabi ni Xavier. "V, tabi kayo ni Basti. We'll connect this to the projector na. Everyone's waiting for you guys."

"Uhm... Xav--"

"Dito ka na sa tabi ko." narinig kong sabi ni Sebastian saka na umusog. Nag-aalinlangan akong lumipat dahil alam ko namang labag sa loob niya ang gusto ng barkada.

"No, okay na ko dito." sabi ko.

"I said, sit beside me." mariing sabi niya. Wala naman na akong nagawa kundi ang lumipat sa tabi niya. Napapalingon na rin kasi ang ilang taong nakaupo malapit sa table namin. Nag-iwan ako ng konting space sa pagitan namin saka pinilit na ngumiti kay Xavier na naghihintay sa kabilang linya.

"Cool. Okay na?" ani Xavier.

"Come on, man. Bilisan niyo na." iritang sabi ni Sebastian.

Maya-maya ay nakita na sa screen ang lahat ng bisita. Kumaway sila sa amin at nagcheer pa ang mga malolokong sina Max, Xavier at Kobe.

"Alright. So magkasama pala sa US ang bestman and bridesmaid? Are they planning to get married there or something?" tanong ng host saka pa tumingin sa screen.

"Uhm..."

"No. We just saw each other here." sagot ni Sebastian.

"Oh. So you're not together?" tanong uli ng host. Napasilip ako kay Sebastian at nakita siyang umiling.

"No. Magkabarkada lang kami since highschool."

"Ah okay. Sayang naman. You look good together." ani host.

"We all agree!" sabay-sabay namang sabi ng barkada.

"Anyway, since you're miles apart from our newlyweds, can we ask you guys to give a message to them?"

"Ladies first! Una ka na Basti!" sigaw ni Max at nagtawanan lahat.

"Fuck you man." ani Sebastian.

"Let's ask the bridesmaid first." sabi ng host. Napalingon ako kay Basti at saka muling humarap sa phone niya.

"Uhm... I just want to say that I'm happy for you guys. Since the two of you met, you were already inseparable. I'm just glad that finally, you are officially one. Continue loving each other and whatever happens, always remember that I'm here for you. Thank you for being one of my good friends since I came to Hillsborough. For being there when I felt alone and for loving me when I'm not lovable. I hope you guys have lots of babies. Ninang goals ko yun, Kai. Alam mo yan. I love you both. You're one of the reasons why I don't want to give up with life. Thank you and best wishes to you!"

"Aww. That was a sweet message. Nakakataba talaga ng puso kapag alam mong may mga kaibigan kang kagaya ni Ms. Bridesmaid no?" tumango naman si Kai at nakita ko pa siyang nagflying kiss sa akin.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon