11

144 3 0
                                    

Chapter 11

"May pizza sa ref. Kumain ka na." ani Ate Lara nang lumabas ako ng kwarto.

"Ninang, can we watch movies later?" tanong naman ni Sander.

"Uh... Sure." sagot ko. Naglakad na ako papunta sa kitchen saka kumuha ng pizza sa ref at ininit to sa oven. Pagkatapos ay naupo ako sa may kitchen counter at dun tulalang kumain.

"Di ka natulog kagabi no?" tanong ni Ate Lara. Umiling naman ako saka muling kumagat sa pizza. "Iniisip mo pa rin na siya yun?" tumango ako saka suminghap at tumingin sa kanya.

"Ate... Gusto ko siyang makita ulit."

"V..."

"I know what you'll say. Sasabihin mo na namalikmata lang ako. Pero ate what if it's really him? What if he's really here in LA diba?"

"Osige nga. Kung sakaling andito siya, and you see him again, anong gagawin mo?" tanong niya. Natahimik naman ako saka umiwas ng tingin. "Will you be able to tell him everything? What if galit siya at hindi ka pakinggan? What if this time, Violet, ikaw naman ang hindi niya pakinggan? What will you do?"

"H-hindi ko alam..." sagot ko. "Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa akin. I deserve all his anger dahil ilang beses ko siyang iniwan sa ere. Pero hahabulin ko siya. If I have to sacrifice everything, gagawin ko."

"Aga-aga puro kayo drama." bungad ni Archie sabay kagat sa pizza na hawak ko. "Can we just forget about what happened last night and just think about what we should do today?"

Tumingin silang dalawa sa akin saka na lang ako bumuntong-hininga at tumango.

"Wala naman kasing nararating yung ganyang kadramahan diba? Puro tayo speculations di naman natin alam kung yung isa ba dun eh totoo o hindi." dagdag pa ni Archie.

Hindi na ko kumibo at kinaladkad na lang ang sarili ko papuntang living room kung saan abala si Sander manood ng cartoons habang nag-aalmusal.

"Can we watch now, ninang?" tanong niya nang tabihan ko siya sa couch.

"Later, sweetie. I'm not feeling good right now." sabi ko at pinikit ang mata ko. Naramdaman ko ang paglubog ng couch at maya-maya ay naramdaman na may nagmamassage sa ulo ko.

"It's okay ninang. Maybe you had a lot of drinks last night. We can watch some other time. It's winter break after all." ani Sander. Napangiti naman ako saka hinawakan ang kamay niya at pinaupo siya sa kandungan ko.

"You really know how to make ninang feel better don't you?" tanong ko. Ngumisi naman siya saka yumakap sa akin.

"Whatever it is that's making you sad, always remember that I'm here for you ninang." aniya pa saka humalik sa pisngi ko. Naluha ako sa sinabi ng inaanak ko at napayakap ng mahigpit sa kanya.

"I love you, monkey." sambit ko.

"I love you too, ninang." sagot niya. "Whoever he is, I hope you guys can finally be okay."

Sa mga kataga niyang yun ay naiyak na talaga ako. Sander may just be a 10-year old kid but he is very smart. Ramdam niya kung may maling nangyayari sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Sander, why is your ninang crying? What did you do?!" gulat na tanong ni Ate Lara.

"Nothing, mom. I just said that she'll be okay." sagot naman niya.

"Go take a bath na." utos niya. Tumango na si Sander saka na muling yumakap sa akin at humalik pa sa pisngi ko bago siya tumakbo sa kwarto ni ate.

"Sorry ate..." sabi ko.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon