24

175 3 0
                                    

Chapter 24

We've been on the road for almost 3 hours at hindi niya pa rin sinasabi ang exact place na pupuntahan namin.

"Corpus, may plano ka ba tumigil or wala?" tanong ko.

"Naiinip ka na ba? Relax. Worth it naman pagdating natin dun." aniya. Ngumiti siya ng malambing saka muling nagtuon ng pansin sa daan.

"Sure ka?" tanong ko naman saka pa siya tinaasan ng kilay.

"Kailan ba hindi naging worth it yung paghihintay diba?" sabi naman niya. Agad ko siyang piningot sa tenga kaya napahagalpak siya sa tawa. "Oh bakit?! It is true!"

"Hay nako ewan ko sayo. Lahat na lang nagagawan mo ng kalokohan." irap ko. Narinig ko nanaman ang tawa niya at maya-maya ay pinaharap niya ako sa kanya.

"Totoo naman yung sinabi ko diba? Lahat ng paghihintay natin naging worth it naman. Yung 8 years na nawala sa atin at nilaan natin sa paghihintay kahit alam nating wala namang kasiguraduhang may mapapala tayo sa huli, ito na. Unti-unti na nating nararamdaman. This 5-hour drive is nothing compared to that, Violet. At sigurado akong worth it lahat ng to."

Kinilig man ay pinigilan ko ang sarili ko na ipakita sa kanya yun. Tinaasan ko uli siya ng isang kilay saka pa humalukipkip.

"Siguraduhin mo lang ha? Kapag ito di ako natuwa, itatakwil talaga kita." sabi ko. "At talagang naisipan mo pang gawin to ng Monday ha?" asar na sabi ko saka siya tinignan ng masama. Ngumisi lang naman siya saka na lang hinawakan ang kamay ko at tumango.

"Trust me on this. Tandaan mo, may malaking file cabinet ka sa utak ko." kindat niya. "And besides, mababago ang perspective mo sa Monday."

"Whatever." sabi ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho naman siya. Hawak niya pa rin ang kamay ko at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa steering wheel.

"If you feel tired, matulog ka muna. Or kung bored ka, you can look for songs dito sa phone ko. Ikaw bahala." aniya maya-maya. Suminghap na lang ako saka kinuha ang phone niya mula sa cup holder. Kinonnect ko na yun sa bluetooth ng stereo niya at nagscroll na sa list of songs niya. Napangiti naman ako nang makita ang isang kantang gusto ko. "Found anything?" tanong niya.

"Yup. But I have a favor." sabi ko.

"What?" aniya sabay lingon sa akin. Ngumiti naman ako ng malambing at alam na alam na agad niya ang gusto kong sabihin. "Nope. Not gonna happen." iling niya.

"Wala pa nga eh. Dali na!" pakiusap ko. "Just this song. Please?"

"Violet Grace Natividad Torres, kahit mahal kita ayoko pa din gawin yan. You know that I don't sing."

"Anong you don't sing? You're a total performer sa bathroom. I heard you dati nung nagsleepover ka sa dorm. Akala mo ha! Tsaka wag mo nga akong pinagloloko. May banda ka nung highschool. Sapakin kita eh!"

"Imbento ka. Di ako yun." sabi naman niya.

"Dali na kasi, Basti." pangungulit ko. Hinawakan ko pa siya sa braso saka pa kiniling ang ulo ko sa balikat niya. "Just this song. Please? Sing it with me."

"No." matigas na sabi niya. Ngumuso ako at nakita ko siyang lumingon sa akin. "Di mo ko madadaan sa pacute mo. Ayoko kumanta."

"Kahit sabay tayo ayaw mo pa din?" tanong ko. Umiling naman siya kaya lalo akong ngumuso. "Please? Isa lang."

"No."

"Kahit ikiss kita di ka pa din papayag?"

"Hindi." aniya.

"Ganun?" tumango naman siya kaya inalis ko na ang kamay ko sa kanya saka na lang sumandal uli sa upuan ko. "Okay. Matutulog na lang ako." sabi ko saka binalik sa cup holder ang phone niya at pumikit.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon