20

165 3 0
                                    

Chapter 20

Friday na at abala na ang lahat sa office dahil sa hinahabol na deadline. May kailangan kasi kaming ipresent sa panel ngayon about a new webshow na sina Keith ang nagproduce. Abala kami nina Ashley sa paggawa ng final touches sa presentation nang lumapit sina Eugene at Colin sa pwesto namin.

"I heard there's a newly opened bar at National Boulevard. Wanna come there after work?" tanong ni Eugene.

"Does it involve singing?" tanong ni Tom.

"Yes. And they have pool tables plus the drinks are cheaper than the other bars." sagot naman ni Colin.

"Best part? Free popcorn." sabi ni Eugene.

"Count me in then!" sabi ni Tom saka nakipag-apir sa dalawa. "Yo, Freddie! Drinks after work!"

"Sure!" sagot ni Freddie at nag thumbs up pa.

"What about you, Violet?" tanong ni Colin sa akin.

"Uhm... I'm not sure. My nephew will be home tonight and uh..."

"Oh come on! Just for tonight!" sabi ni Colin. Tinignan ko sina Ashley at Sara na tumatango din sa gawi ko.

"Just a few drinks, Violet!" sabi pa ni Keith na abala sa may photocopying machine.

"Fine. I'll go with you then." sabi ko. "But if my cousin texts me then I have to go home."

"Alright." payag nilang lahat.

"We have to be at the conference room in 15 minutes, guys." paalala ni Freddie sa amin. Tumango na kami at nagbalik na sa kanya-kanyang trabaho.

Nang tawagin na kami nina Jack sa conference room ay agad na kaming umakyat dun para sa presentation. Hindi naman ako kinakabahan masyado dahil hindi naman ako ang assigned na magsasalita. Madalas ay sina Keith at Colin ang speakers namin dahil sila ang laging nagpproduce ng ganitong proposals.

Sumalang na kami agad nang makumpleto lahat ng panels namin. Maayos naman itong napresent ng dalawa at wala naman masyadong naging tanong sina Jack maliban sa madalas na tanong na kailan ang launch nito at ano ang target market ng team namin. Pagkatapos nun ay pinalabas na kami sa conference room dahil may kasunod pang team na magppresent.

"We should go." anyaya ni Keith.

"Aren't we gonna wait if we got the project?" tanong ko.

"Violet, we always get the project. And even if we wait, we'll only be waiting for nothing." sabi ni Colin.

"Why?"

"Because it takes them days before they decide on who gets what." sagot ni Keith.

"Oh." tango ko.

"Alright! Let's go get drunk!" bulalas nina Eugene at Tom saka na naunang lumabas ng office.

Sumakay na kami sa cab at nagpahatid na sa sinasabi nilang bar sa National Boulevard.

"Lost & Found Cocktails" basa namin nina Ashley, Freddie at Sara.

"Catchy." komento naman ni Tom saka na naunang pumasok. Nagkibit-balikat naman ako saka na kami sumunod sa kanila.

Marami ang tao sa bar na to. Siguro dahil bago nga at mura pa ang drinks kaya dagsa talaga ang tao. Nilibot ko ang paningin ko saka pinagmasdan ang design ng bar. Black and white ang major theme nito at ang nagdadagdag kulay lang ay ang mga ilaw mula sa drop down ceiling. May tatlong pool table sa isang banda at lahat ng yun ay occupied na ng ilang guests. Sa kabila naman ay ang vintage jukebox kung saan pwede mamili ng kanta. Pero kasalukuyang may DJ sa booth kaya hindi nag-ooperate ang jukebox. Sa gitna ay ang bar counter kung saan makakanood ka ng mga nagfflaring na bartenders. Magagaling sila at nakakamangha. Sa kabilang part naman ng bar counter ay ang mga booth kung saan pwede kayo magchill at uminom. At sa kabilang part ay ang popcorn machine. Dun ko lang narealize na orasan ang naging concept ng bar na ito at kaya Lost and Found ang pangalan ay dahil para kang nasa Alice in Wonderland.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon