21

159 3 0
                                    

Chapter 21

"Talaga bang iiwan mo na ko?" tanong niya.

"Basti..." sambit ko saka luminga sa paligid at nagbalik ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Narinig ko siyang suminghap saka siya tumayo.

"Wag tayo dito mag-usap." aniya at hinatak na ako palabas sa bar. Hindi naman ako kumibo at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan niya gustong mag-usap kami. "Here." sabi niya nang makarating kami sa isang parking lot.

"Uhm... A-ano kasi..."

"Come on. Sabihin mo saken. Iiwan mo na ba talaga ako?" tanong niya. Yumuko naman ako saka muling pinaglaruan ang hem ng shirt ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko saka pa ko pinatingin sa kanya. "Violet, answer me naman. Heto nanaman ako. Nagmamakaawa nanaman ako sayo. Please answer my question. Are you leaving me?"

"Kailangan kong gawin kahit masakit kasi ayokong saktan ka lalo." sagot ko.

"But you'll hurt me more if you leave." aniya. "Ayaw mo na bang ayusin to?" tanong niya. Bakas sa boses ang sakit na nararamdaman niya.

"G-gusto..." sagot ko. "Gustong-gusto pero kung makikita lang kitang nasasaktan dahil sa akin, Basti mas mabuti siguro if we--" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Pain is nothing basta kasama kita. We don't have to be a couple agad kung ayaw mo. Gusto ko lang wag kang aalis sa buhay ko. I've lost you a lot of times already. Ayoko na mawala ka pa ulit."

Hindi na ko nakapagpigil at napayakap na rin pabalik sa kanya. Mahal ko siya but I don't deserve him. I've done a lot of stupid things and I don't deserve the love he's giving me. Masasaktan ko lang siya lalo kapag tinuloy ko to.

"I don't deserve you, Basti. I don't deserve the love you're giving me." sabi ko. "Buhay mo na ang nakasalalay dito. Ayoko na mangyari sayo uli yun. Kaya it's better if... If I let you go."

"Wag mong sabihin yan. You deserve to be loved in every way possible. I'm sorry if I was too harsh on you these past weeks. Hindi mo alam na sa tuwing nasusupladuhan kita ay gusto ko agad bawiin yun. I was just hurt with everything that happened between us pero nung sinabi mo sa akin na palalayain mo na ko, narealize ko na hindi ko talaga kaya na wala ka." sabi niya.

"Hindi ko rin naman kaya na wala ka. I regretted everything that I did. And when I saw your picture... Y-yung picture mo sa hospital, nagalit ako sa sarili ko. Kung hindi kita iniwan, hindi ka maaksidente at hindi ka magagalit ng ganito sa akin. It was all my fault and I'm so sorry for everything, Basti."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya at saka niya pa hinagod ang buhok ko. Bumuhos na lalo ang luha ko at napasubsob na lang sa dibdib niya.

"I'm so sorry, Basti... S-sorry..."

"Shh... Stop apologizing. The important thing here is kung lalayuan mo pa ba ako o hindi na. I just wanna hear it from you." umiling naman ako at hinigpitan ang yakap ko. "Ano yun?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka muling umiling. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang layuan. Tama siya sa sinabi niyang leaving him is as if I'm stopping myself from living my life. Malaki ang parte niya sa buhay ko. At hindi ko kaya na mawala pa siya sa akin.

"Hindi na." sabi ko saka pinilit na ngumiti. Pinunasan naman niya ang luha ko saka pa ako muling niyakap.

"Good. Kasi pipigilan kita kapag sinabi mong lalayo ka." aniya. Natawa ako dahil sa sinabi niyang yun. Para kasing nagtanong siya at nagbigay ng choice pero wala naman pala akong ibang choice dahil gagawin niya pa rin kung ano ang gusto niya. He's possessive in a cute way.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon