25

148 4 0
                                    

Chapter 25

"You're cheating!" sigaw ko. Tumawa lang naman siya saka umiling for the nth time.

"No I'm not! It's not my fault na mas magaling ako sayo." aniya.

"Yabang mo gago." sabi ko saka hinablot ang phone niya. "Matatalo din kita dito. Kala mo ha." iritang sabi ko pa saka pinindot ang 'PLAY' button.

"Hahahaha. Oo na nga lang. Confident naman akong di mo mabbeat yung high score ko diyan."

"Yabang talaga! 101% mayabang." sagot ko as I focused on the game. It was called Ninja Up! isang arcade game sa iPhone where you try your best na mamaintain na nasa air yung ninja. There are obstacles along the way kaya di ganun kadali. Kahit may pwede kang talunan na sticks or something, may bad ninjas naman na papatay sayo kung di mo sila maiiwasan o mauunahang kalabanin. Magaling si Sebastian dito. What with his amazing concentration skills and inner ninja moves, imposibleng di talaga siya highest score dito.

"You can't beat me." nakangising sabi niya. "I created that game kaya."

"Mukha mo." sabi ko.

"Gwapo." he confidently said. Umirap na lang ako at hindi na siya pinansin. I'm so gonna beat his score.

"Pag nabeat ko score mo basted ka saken." nakangising sambit ko.

"What?!" halata sa boses niya ang pagkagulat. Tumawa naman ako at nagpatuloy sa paglalaro. "Hoy walang ganun sa usapan ah! Fair competition diba?"

"Fair to. Yabang mo eh." asar ko. Agad naman niyang hinablot ang phone niya saka inexit ang game at binulsa yun. "Hoy!!! I was about to beat you!"

"No. Basted pala ha? Then no." iling niya. Natawa ako sa kanya at napailing na lang. He could really be childish at times but that's one of the reasons why I love him.

"Sineryoso mo talaga yun? I was kidding." sabi ko. Hindi siya kumibo at nakakunot lang ang noo sa kawalan. "Hahahaha. Basti, I was joking."

"Di ka dapat nagsasabi ng ganun. Alam mo na ngang ang hirap ng pinagdaanan natin marating lang tong stage na to tapos magbabanta ka pa nun over a game?"

"Kaya nga you shouldn't take it seriously. It was just over an arcade game diyan sa phone mo. And do you really think na gagawin ko yun? I waited 8 years for this. Tapos wala lang pala? Adik ka talaga eno?" pigil-tawang sabi ko.

"Seryoso?" aniya na parang bata.

"Oo nga." sagot ko. "Hahabulin ba kita kung hindi?"

"Eh baka magbago isip mo."

"Gusto mo ba?" banta ko. Nanlaki nanaman ang mata niya kaya natawa na ako saka siya kinurot sa pisngi. "Ang bilis mo talaga maniwala ngayon. Hahahaha."

"Violet ha! Wag mo kong pinagbabantaan ng ganyan! Naniniwala talaga agad ako." sabi niya. Tumango na lang ako saka pa niyakap ang braso niya.

"Hindi na nga. Baka kakaasar ko sayo ikaw pa tong magbago isip."

"Ay hindi naman mangyayari yun. Ako pa talaga hinamon mo sa ganyan ha? Utot mo. Patigasan tayo ng paninindigan dito." sabi niya. Natawa na lang ako saka pinisil uli ang braso niya.

"Sebastian..."

"Hm?"

"Ang lambot na ng biceps mo. Di na ko natutuwa." sabi ko dahilan para matawa siya.

"Hahaha. Sorry. Comatose for 4 months, baby. No nutrients for months eh. Tapos wala ka pa?"

"Balik ka na sa gym?"

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon