Nakalipas ang dalawang taon.
"Miss Kerrsia, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo." Sabi sakin ng isa naming katulong.
Ano na naman bang problema ni Dad. Ang aga aga pa eh. Itong kagigising ko lang tapos gagganyan siya? Hays.
Dahil doon ay napilitan akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Naligo at nagbihis ng mabilisan dahil ayaw na ayaw ni Dad ng naghihintay siya. Abala siyang tao, bawat segundo ay mahalaga para sa kanya.
"Nasaan siya?" Tanong ko sa maid.
"Nasa Garden po, nagkakape." Sagot naman nito.
"Sige, salamat." Sabi ko at nagdiretso na sa kinaroroonan niya.
Sa malayuan ay nakita ko na rin siyang humihigop ng kape niya tapos ay magta-type ng kung anu ano sa laptop niya.
Agad nalang akong humalik sa pisngi niya na hindi na niya ikinagulat pa dahil lagi ko ng ginagawa yun sa kanya. Nasanay narin siya, sa lagi ba naman.
Pagkaupo ko ay inagaw ko ang kapeng iinumin na sana niya na isa niya pang nakasanayan na. Mapapailing nalang siya.
"Magpatimpla ka ng kape." Aniya na nakabusangot na.
"Madami dami pa naman 'tong kape mo Dad eh." Sagot ko.
"Hay naku ka talaga."
"Ba't mo pala ako pinatawag?"
"Uuwi na tayong Pilipinas."
"Ha? Ba't ang bilis naman?"
"Anong mabilis? Dalawang taon na tayo sito sa London. Mabilis lang para sayo yun? Namimiss ka narin ng Mommy mo at mga Kuya mo."
"Oo, namimiss nila akong i-bully."
"Naglalambing lang ang mga iyon sayo."
"Alam ko namam Dad eh. Pero pwede bang magpaiwan dito? Kakatapos ko lang din ng pag-aaral dito kaya siguro naman ay dito rin ako magtatrabaho at magtayo ng negosyo."
"Hindi. Uuwi tayo. Sa kompanya natin at ikaw muna magtatrabaho. Doon ka rin magtatayo ng negosyo and that's final, Kerrsia."
"Daddy naman eh!"
"I will not change my mind."
"Fine! Kailan tayo aalis?"
"Tomorrow morning."
"What? Bakit ang aga naman Dad? Kulang na yung oras kong mag-empake. Bibili pa ako ng pasalubong kina Mommy at mga Kuya." Sabi ko saka takbo agad papasok ng bahay, paakyat ng kwarto.
Bihis uli ng jeans, tshirt, rubber shoes at cap dahil siguradong mapapalaban ako sa lakaran nito.
Pababa ay nakita ko ang isa naming maid na kalatapos lang maglinis.
"Maria, tara! Sumama ka sa akin."
"Saan po?"
"Sa mall."
"Sige po."
"Magbihis ka muna. Gaya ng sa akin." Sabi ko sa kanya.
Dahil sa nag-iisang babae lang ako ay maids lang ang nakakausap ko palagi. Itinuturing ko narin silang mga kaibigan. Si Maria lang talaga ang pinakagusto ko sa kanila. Sinasama ko rin siya sa galaan at ayos na ayos naman kay Daddy dahil may nagbabantay sa akin.
Dahil sa biglaang pag-uwi naman ay kailangan kong bumili ng napakaraming pasalubong lalo na kay Mommy.
Panay ang lakad namin ni Maria. Lahat na yata ng store ay napasukan na namin.
BINABASA MO ANG
Moonlight Pleasure
RomanceWARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.