Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako mapakali. Nagsimula ito ng makita ko ang lalaking iyon. Para na akong sinasabihan ng katawan ko na siya nga iyon pero wala naman akong basehan. Ayoko rin namang umasa na siya nga iyon.
Narito ako ngayo't kanina pa nakababad sa bathtub. Inaamin ko, hinahanap na siya ng katawan ko. Matagal na itong nangungulila sa kanyang halik, yakap at sa kanyang alaga.
Nasasabik na ako sa kanya.
Ano bang gagawin ko?
Kailangan kong makaraos aa init na nararamdaman ko ngayon.
Dahil sa sobrang desperada ko na ay tinanggalan ko ng tubig ang bath tub at pinaubos ito. Binuksan ko ang faucet at itinapat ang aking pagkababae. Ito ang mabisanh paraan ko para mapunan ang aking pangangailangan bilang isang babae na nangungulila sa kaligayahan na hatid niya.
Nilakasan ko ang faucet dahil sa nagbibigay ito ng pansamantalang kaligayahan sa akin. Hindi rin nagtagal ay nanginginig na ang katawan ko at ramdam ko naring ang likidong lumalabas sa akin. Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang faucet saka nag-shower na ako.
Iba parin talaga ang haplos at himas ng mga kamay niya sa aking katawan. Hindi na ako mapakali pa. Siya parin ang nasa isip ko. Hindi siya mawaglit sa isip ko.
Dahil sa hindi na ako makatulog pa ay kumuha ako ng flashlight at naglakad patungo sa 'di kalayuang bahay nila Shana. Balita ko ay naroon siya ngayon. Hindi siya pumunta sa birthday party ni Dad dahil masasaktan lang daw siya kapag nakita niya si Kuya Keith.
Saktong maliwanag pa ang buwan kaya naman ay hindi ko pa ginamit ang dala kong flashlight. Sa bawat daan na aking nadaraanan ay hinuhulugan ko ito ng mga bagay na glow in the dark para naman kabisado ko ang daan pabalik.
Tahimik akong naglalakad ng makarinig ako ng kaluskos sa may likuran ko kaya naman ay nilingon ko ito kaagad. Naging mabilis ang pangyayari sa akin ng makaramdam na ako ng antok.
'I'm sorry..'
Yun ang tanging boses na narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
* * *
Errick POV
Nung iwan mo ako ay sobrang nalungkot ako. Nagalit at namuhi sayo. Ilang beses mo ba ako dapat iwan? Ilang beses ka bang aalis at babalik? Anong tingin mo sa akin? Laruan na iiwan at babalikan mo kahit anong oras mo gustuhin?Nagulat ako ng sabihin niyang ipapakasal siya sa iba. Nasaktan rin ako ng tanggihan niya ako at hindi na nagparamdam pa kahit kailan.
Mahal ko siya.
Sobrang minahal ko siya.
Siya lang ang kauna-unahang babaeng nagpakita sa akin ng kahalagahan ko at tumanggap sa aking mukha.
Ang peklat na yun ang bunga ng pagkaka-aksidente namin ng Mommy ko. Sa kagustuhan niyang magpakamatay ay isinama niya na rin ako hanggang sa tuluyan kaming mabunggo. Tanging ako lang ang nabuhay maliban kay Mommy na sinalo lahat ng bubog na mapupunta sana sa akin pero mayroon paring nakalusot. Isa man ngunit malaking bubog. May kakambal ako pero hindi kami magkamukha at alam kong siya ang paborito ni Daddy dahil kamukha siya nito.
Ayokong ipaopera ang peklat sa mukha ko para palagi kong maalala si Mommy pero kahit pala nandito ang peklat o wala ay maaalala ko parin si mommy.
Ang pangunahing dahilan ko ay si Kerrsia. Binago niya ang lahat sa akin. Nagpaopera ako ng peklat ko para mawala na ito ng tuluyan sa mukha ko at taas noo ko siyang maipagtanggol sa mga magulang niya.
Hinanap ko siya pero nabigo ako. Tanging pangalan niya lamang ang aking alam, hindi ang kanyang buong pangalan. Maging mahirap sa akin ang sitwasyon. Nagpunta ako sa kahit saan lupalop ng pilipinas at nagbabaka-sakaling matagpuan ko siya pero nabigo ako.
Dahil sa tagal ko ng naghahanap ay napanghihinaan na ako ng loob na hanapin siya. Napag-isip isip ko rin na baka nga may sarili na siyang pamilya. Kasal na siya at may mga anak na, samantalang ako ay heto nagdurusa pa dahil sa kanya.
Nalasahan ko na halos ang mga alak at natikman ko na rin ang iba't ibang klase ng mga babae. Oo. Naging babaero ako. Pabaya at palekero. Pinapaasa at pinapaiyak ko lang sila tulad ng ginawa sa akin ni Kerrsia. Wala rin akong naging tunay na kaibigan dahil lagi nalang hahantong sa pag-aaway. Kesyo, sinulot ko daw ang gerlpren nila, e anong magagawa ko kung sadyang malalandi at haliparot ang mga shota nila?
Pinagsabay sabay ko lahat ng babae ko. Iba sa madaling araw, umaga, tanghali, hapon at gabi pero sadyang ibang iba sila kay Kerrsia. Ibang iba ang istilo ni Kerrsia sa kanila. Kaya habang tumatagal ay mas namumuhi ako sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay lumuwas ng Manila si Dad at isama ako sa isang kaarawan daw ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Si Mr Koper Del Valle.
Ang gara ng venue. Pang 5 star hotel talaga at makikitang puro mayayaman ang naririto. Napakarati ring security na nagkalat. Hindi tuloy ako makahablot ng babaeng tititahin dyan sa tabi dahil sa kanila. Habang abala si Dad sa mga amigo niya ay naglakad lakad lang din ako. Kumakausap ng mga babaeng alam ko nama'y naghahanap ng landi na katulad ko.
Marunong na kasi ako tumingin ng babae ngayon. Malalaman ko kung virgin pa, may karanasan na, kung may boypren, at kung may asawa na o wala pa.
"Ladies and Gentlemen, the birthday celebrant is on his way now. Let's welcome him."
Naglapitan ang mga bisita malapit sa red carpet pero ako nanatili nalang sa likod. Ayokong makipag-siksik at masira ang buhok ko.
Sa di kalayuan ay may dalawang bata ang tumatakbo papuntang harap. Pinagmasdan ko sila na ikinatuwa ko pero narinig ko ang pamamangha ng ilang bisita sa babaeng naglalakad sa red carpet.
'Ang pagkakaalam ko ay siya ang nag-iisang anak ng Del Valle.'
'Oo, ang ganda niya diba?'
'Tama ka.'
Lumapit ako ng kaunti dahil narinig kong maganda raw kaso hindi ko inaaasahan ang makikita ko. Nagkatitigan kami. Alam ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ako makapaniwalang dito ko lang pala siya makikita.
'Anong pangalan niya?'
'Siya si Kerrsia Del Valle'.
Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit labis lamang ang pag-aalala mo sa iyong pamilya. Naiintindihan ko na dahil ikinahihiya mo ako noon pa. Ikinahihiya mo akong ihararap sa pamilya mo dahil sa mukha ko.
'5 years ago ay ikakasal sana siya sa isang mayaman ring binata kaso hindi siya sumipot, balita ko ay umalis ng bansa at nagtago sa pamilya.'
'So, hanggang ngayon ay dalaga parin siya?'
'Oo, pero ang balita ay nabuntis daw siya kaya siya nagpakalayo-layo. Kita mo yung batang kulay bughaw ang mata? Anak niya yun.'
Nanghina ako.
Nanghina ang buong pagkatao ko nung makita ko siya at higit pa ng marining kong hindi siya nagpakasal sa iba. Pero bakit hindi niya ako binalikan? Bakit kailangan niyang mangibang bansa para lang magtago at makaiwas sa mga kritisismo ng ibang tao? Bakit kailangan niya pa akong pahirapan ng ganito? Bakit? Anong dahilan niya? Hindi ko talaga maintindihan.
At ano 'tong nabuntis ng iba?
Sinong iba? Ako ba 'yun?
Imposible..
Hindi...
Pero posible ngang ako ang ama ng batang pinagbubuntis niya noon.
Pinagmasdan ko ang batang lalaki at nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung bata pa ako. Ang kanyang mata na masasabi kong sa akin nga nakuha.
May anak kami ni Kerrsia.
May anak ako sa kanya?
Naikuyom ko ang aking mga kamay at ang aking mga ngipin ay kapwa nagtatama sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Moonlight Pleasure
RomanceWARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.