Chapter Twelve

4K 45 16
                                    

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko

"For you." Abot sa akin ng kulay asul na rosas. "Do you know what's the meaning of Blue Rose?"

"Mayroon ba?"

"Yes. I gave you Blue Rose because it is impossible to be with you and you're unattainable. But you're here with me now. I am so happy. It's like a dream come true to be with you."

No. I am still impossible and unattainable for you. I know. I know that I will hurt you.

"Mahal kita Kerrsia."

Hindi ko na mapigilan ang mga likidong tumatakbo sa aking mukha mula sa aking mga mata. Bakit ganito? Imbis na maging masaya ako ay nalulungkot ako.

"Mahal kita Errick."

Napangiti siya at maiyak iyak narin sa narinig. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"But I will still be a Blue Rose to you."

"What do you mean?" Tanong niya matapos siyang kumalas sa yakap niya

"I'm sorry. I'm really sorry, Errick. I love you but I can't be with you."

"No way. Don't do this to me Kerrsia."

"On our way here, my dad sent me a text message. I'm having a marriage proposal tomorrow." Tuloy tuloy parin ang pag-iyak ko.

"What? A marriage proposal? Then you are.. far from I thought."

"I'm sorry."

Niyakap niya parin ako kahit na nasasaktan ko na siya. "I understand Kerrsia."

"No! You don't understand me Errick. I love you but still I love my family. So please, forget everything about me. Everything about me and you. About us."

"No. I don't want. I don't want to lose you. Please, keep holding on." Sagot niya na maiyak iyak pa.

Napailing iling nalang ako at kumalas ng tuluyan sa kanyang bisig at nagsimulang tumakbo ng mabilis. Yung hindi niya na ako maaabutan pa dahil kapag nangyari yun ay baka suwayin ko pa si Daddy at itakwil pa ako.

Ibang daan ang dinaan ko. Hindi ko man alam ay nagpatuloy parin ako dahil alam kong hahabulin niya parin ako. Alam niya kung saan na ako nakatira at paniguradong pupuntahan niya ako sa bahay nila Shana.

Nang makalayo na ako naglakad na ako. Yung tsinelas na suot suot ko ay putik putik na rin sa kakatakbo ko. Natutusok tusok na rin ako ng kahit na anong dahon o sanga ng puno.

Hindi ko alam kung nasaan na ako katulad ng hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang lungkot at hinanakit nadarama ko ngayon. Hindi ko rin kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta nalang ako naglakad lakad sa malawak na kalupaan.

Nadatnan ko ang isang babae na nag sasabit ng isang karatula sa kanilang gate. For sale ang nakasulat doon.

Nilapitan ko siya. Doon ko lamang nalaman na umiiyak siya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"Bakit ka rin umiiyak?" Tanong niya

"Ah, eh." Agad kong pinunasan ang aking luha. "Bakit mo ibebenta ang Rancho niyo?" Pag-iiba ko ng usapan

"Gusto mong magkape?" Aya niya

"Hindi ako nagkakape. May gatas?"

"Oo, ng baka."

"Sige." Pumasok ako sa loob ng bahay niya.

Hindi man kilala ay magaan ang loob ko sa kanya. Sa may hindi kalayuan ay may malaking puno, nilagyan ito ng alalay sa may lilim upang hindi maglaglagan ang mga dahon sa anumang kainin at inumin.

Moonlight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon