Chapter Thirteen

3.7K 52 14
                                    

After 5 years...

"Krystal? Krystoferr?" Kanina pa ako paikot ikot sa bahay para hanapin sila. Pati mga maid ay tumulong rin sa paghahanap nila.

Saan naman kaya sila nagpunta?

Pasaway talaga 'tong mga 'to.

Sinilip silip ko na ang dapat silipin. Ilalim ng sofa. Ilalim ng washing machine. Ilalim ng pool. Loob ng banga. Sa gilid ng garden. Sa taas ng puno pero hindi ko parin sila mahanap. Nag-aalala na ako ng husto.

"Kerrsia, anong ginagawa mo?" Tanong ng kararating lang na si Mommy

"Hinahanap ko po sina Krystal at Krystoferr 'mmy. Hindi ko kasi sila mahanap. Kahit saang sulok ng bahay ay wala sila." Hindi na ako mapakali.

"Hindi ba nasabi ng Daddy mo?"

"Ang alin po?"

"Dinala niya ang mga bata para ipasyal. He's just shy to admit that he already forgive you."

"Po? Talaga po?" Napangiti nalang ako sa tuwa.

"Whatever happens, you're still our princess." Sabi niya sabay angat ng kamay patungo sa aking pisngi

"Thanks for everything mom."

"You know, we can't resist you." Yumakap ako sa kanya dahil sobrang namiss ko siya. "So, how's Spain for 5years?"

"Such a lovely place mom."

"Good to know. So, what's your plan now?"

"Dadalhin ko sana yung dalawa sa Rancho La Pineda pero mamaya nalang siguro pag-uwi nila."

"Doon na muna kami pansamantala Mom. Alam mo na, para narin kay Krystal."

Tumango ito at ngumiti. Marahang iniipit ang mga nalalaglag kong buhok sa likod ng aking tainga. "Ang laki na ng prinsesa ko."

"Mom, hindi na ako bata. 27 years old na ako at may dalawang anak. Kinakaya ko naman."

"Alam kong sobrang hirap mo sa ibang bansa lalo na't sa Daddy mo."

"Tama kayo 'Mmy. Kaya sobrang pasasalamat ko po."

"Everything princess." Niyakap akong muli ni Mommy. "Bweno, akyat muna ako sa kwarto."

"Sige mom."

Naupo nalang ako sa sala ng biglang dumating ang Triplets. Si Kuya Kenneth, Klint, at Keith. Isa isa silang yumakap sa akin na parang maiyak iyak pa.

"Bakit hindi ka man lang magparamdam?" Nakakunot noong tanong ni Kuya Klint. As usual, masungit parin.

"Grabe. Ang tapang mo kapatid." Akbay ni Kuya Keith, ang pinaka cool at astig sa kanilang tatlo.

"So, nasaan 'yung lalaki?" Mahinahong tanong ni Kuya Kenneth, siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo at makakasundo kaagad.

Napailing iling nalang ako. Naupo ako kaya naman ay naupo narin sila. "Ang tagal na nun mga Kuya. 5 years ng iwan ko siya. Wala narin akong balita sa kanya. Wala na akong alam, baka nga may sarili narin siyang pamilya."

Napaisip nalang silang tatlo at hindi na nagtanong pa tungkol kay Errick.

"Nag-usap na ba kayo ni Dad?" Kuya Kenneth

"Hindi pa. Kasama niya ang nga bata. Ipinasyal niya."

"Aba. Si Dad talaga oh. Dapat ganyan din gawin niya sa anak ko kapag nagkaanak na kami ni aaliyah." Sabi ni Kuya Keith

Moonlight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon