Chapter Six

5.2K 54 8
                                    

"Maligayang pagbabalik!" Sigaw ni Shana na nakataas pa ang dalawang kamay.

Ang ingay ingay niya talaga. Wala paring pinagbago. Living Microphone talaga.

Kinuha ko na ang mga bagahe namin at binitbit kahit sobrang bigat. Naparami yata ako ng dalang gamit. Bahala na. Babae kasi kami kaya ganito talaga.

"Naku, maam. Ako na po." Salubong ng isang lalaki na house boy yata nila.

"O, Manuel. Ikaw pala. Kamusta na dito?" Kamusta sa kanya ni Shana

"Maayos naman po ang lahat Maam." sagot nito sabay agaw sa bitbit kong bagahe. Ako lang naman kasi nagmagandang loob bitbitin ang gamit ko. Tamad kasi 'tong si Shana.

"Salamat." Bilang tugon ko.

"Tara na sa loob Kerr." Aniya saka hinila ako papasok ng bahay kaya nagpatianod nalang din ako.

Umakyat kami sa taas hanggang sa marating namin ang rooftop. Ang presko ng hangin at rinig na rinig pa ang hampas ng alon ng dagat. This is the life. Gusto kong tumira sa ganitong bahay. Magpatayo kaya ako? Kaso huwag dito kasi imbis na tahimik ang buhay ko ay magiging maingay dahil sa babaeng ito.

Humiga ako sa nakalatag na folding bed. Hindi ko na mapigilan ang sobrang antok at pagod sa byahe. Hindi kasi ako nakakatulog kapag bumabyahe ako. Maging eroplano o sasakyan yan ay mulat ako kaya ngayon na ako makakabawi ng mahabang tulog.



* * *



"Kerr.. Kerrsia.. Gising na. Kumain ka muna. Kerrsia. Gising."

Rinig ko ang paggising ni Shana pero nagtutulog tulugan na ako. Istorbo talaga to. Sarap ng tulog ko tapos gigisingin pa ako para lang kumain. Hindi ba pwedeng paggising ko nalang?

"Kerrsia.. Naku, paano ba 'to? Aalis kasi kami ni Manuel."

Ano? Aalis sila? Iiwan nila ako dito? Saan naman sila pupunta?

Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang yapak ng kanyang mga paa pababa ng rooftop. Naramdaman ko rin na binigyan niya ako ng kumot.

Napamulat ako.

Nawala na yung antok ko sa ingay ng babaeng yun.

Dahil din doon nakaramdam din ako ng gutom kaya nagpasya na akong bumaba ng rooftop dala ang kumot na pinangkumot niya sa akin. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot dahil sa lamig ng dagat.

Anong oras na ba? Alas diyes na pala ng gabi. Napahaba na naman ang tulog ko. Ang takaw ko talaga sa tulog.

Kumain ako at pagkatapos ay naligo narin kahit sobrang gabi na. Bahala na.

Chineck ko ang cellphone ko pero wala kahit na isang signal. Probinsyang probinsya talaga dito. Buti nalang dahil may kuryente at hindi gasera ang gamit tulad ng sinauna.

Saan nga ba nagpunta sina Shana? Anong oras sila makakabalik?

Ibig sabihin ba nito ay ito na ba ang tamang oras para makita ka uli?

Dali dali akong pumasok ng bahay at nagtalukbong ng balabal sa katawan kontra sa lamok sa gubat.

Habang nagtatakad ay nasisilayan ko ang napakaliwanag na buwan na nagbibigay sa akin ng ilaw patungo sa bahay sa gitna ng gubat. Bakit ba kasi sa kagubatan nakatira ang lalaking yun?

Makalipas ang mahigit isang oras na paglalakad ay nasilayan ko narin ang ilaw na tulip. Napangiti na lang ako at tila sabik na sabik na makita muli ang lalaking yun.

Makikita na kitang muli.

Nasa harapan ko na ang ilaw na tulip. Nasaan ka na?

"Sino ka? Bakit ka nandito? Anong hinahanap mo?" Tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa boses na narinig ko.

Moonlight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon