Chapter Twenty-Three

1K 6 12
                                    

KERRSIA

Nagising ako sa tawag ni Krystoff.

"Mommy!"

Naupo ako at ngumiti sa kanya.

Iginala ko ang paningin para hanapin si Krystal. "Nasaan si Krystal?" Tanong ko

"In the kitchen." Sagot niya

Napatingin ako sa wall clock at literal na namilog ang mga mata ko dahil Alas Otso na ng umaga kaya naman ay pumasok agad ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo narin.

"Did you wash up and brush?" Tanong ko kay krystoff

"Mission completed." Sagot niya kaya naman ay ginulo-gulo ko ang buhok niya dahil sa sobrang cute ng anak ko.

"Let's have something to eat." Yaya ko sa kanya kaya naman ay humawak siya sa aking kamay

"Okay Mommy."

Naglakad kami papunta sa veranda at nandoon narin si Krystal at Aaliyah. Mukhang masaya silang kumakain.

"Sorry. Late na ako nagising." Sabi ko kay Aaliyah saka iniupo si Krystoff sa tabi niya

"Ayos lang. Maganda naman ang tanawin dito." Aniya ng nakangiti.

Para yatang maganda ang tulog niya dahil maaliwalas ang mukha niya ngayon.

Habang kumakain ay lumapit sa akin ang Driver kong si Manuel. "Maam, ang cellphone niyo po. Naiwanan niyo sa sasakyan." Sabi niya saka abot nito

"Salamat manong." Sabi ko saka kinuha ko ito at tinignan.

Nagulat nalang ako sa dami ng missed calls at messages na nanggaling kay Errick.

Lagot na!

Nakatulog ako pagdating ko kagabi dahil sa antok at hindi ko na naalala pa na tignan ang aking cellphone.

"Sino yan?" Nakangiting tanong ni Aaliyah.

Ngumiti lang ako bilang sagot pero laking gulat ko ng bigla siyang tumawag ulit. Lumayo muna ako bago ko sinagot ang tawag ni Errick.

"Hello?"

(Kerrsia?)

"Ako nga."

(Nasaan ka ba?)

"Nandito sa hacienda."

(Bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko?)

"Pasensya na. Naiwanan ko sa kotse ang cellphone ko at nakatulog ako agad sa pagod ko sa byahe." Paliwanag ko

(You know that I want you so bad last night.)

"I'm sorry Errick."

(Come tonight.)

"Okay." Sabi ko nalang nang bigla akong tinawag ni Krystoff. "Krystoff is calling me. Bye." Saka ko pinutol ang tawag at nag-atubiling lumapit kay Krystoff

Umupo ako sa tabi Krystoff pinunasan ng tissue ang kanyang bibig.

"Mommy. I want to see Grandmom and Granddad." Aniya

Medyo nagulat ako na nasabi niya ito sa akin gayung hindi naman niya ginagawa ito. Madalas ay masaya na siyang maiwan dito kasama si Krystal para maglaro.

"Okay." Sagot ko nalang.

"I want to sleep there tonight." Dagdag niya pa na ikinaawang ng aking bibig.

Moonlight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon