》Rosaline Cruz
Pagkapasok na pagkapasok ko may nabunggo nanaman ako.....
SERIOUSLY BAKIT BA ANG HILIG KONG MAMBUNGGO NG TAO NGAYON?!
Hindi naman ako clumsy! Pero bakit laging may nambubunggo ako?
"Ah sorry! sorry!" sinabi ko dun sa lalaking binangga ko. Nakakainis naman oh, kung tinatamaan ka nga ng malas.
"Ayos lang miss." sabi nya sakin sabay ngiting nakakalaglag ng panty
*drools* oh mer gawds ang sexy nung ngiti nya asdfghjkl. Sya na yata ang nakita kong sobrang puti na mga ngipin. Tapos sobrang sexy ng ngiti nya,
"A-ah s-sige mauna na a-ako." umalis na ko dun sa pinto ng classroom at pumunta dun sa chair ko. Pero bago ako umalis parang bumulong sya sa sarili nya...? whatever..
Umupo ako sa chair ko at nagheads down. Marami-rami na rin ang mga tao sito sa classroom ko. Yung iba kumakain pa, yung iba nakikipagchikahan, yung iba naman ay nakikipaglandian. Mga typical na nangyayari sa isang normal na school. Kaso nga lang etong school na pinapasukan ko ay isang exclusive school.
Ano ba naman yan, naalala ko yung lalaking nabunggo ko. Hindi naman sya isa sa mga classmate ko kaya siguro sa taga-ibang section sya. Hay nakooo...hindi ko man lang tinanong kung sino sya >.< LOL ang lande ko *flips hair*
Nilabas ko yung notebook kong puro doodle at nagsimula nang ubusin ang tinta ng ballpen ko pati nadin yung paper dun sa notebook. Lagi kasi ako nagaaksaya ng mga ballpen at papel kasi mahilig ako magdrawing okay?!
Nagd-drawing ako ng rose gamit yung red ballpen ko. Ewan ko ba kung bakit nagd-drawing ako ng rose parang may sariling utak yung kamay ko nung bigla na lang ako kumuha ng red ballpen.
"Oohhhhhh ang galing mo pala magdrawing,"
Tumingala ako at nakakita nanaman ako ng isang napakagwapong nilalang. Ah isa sya sa mga classmate ko pero hindi ko matandaan yung pangalan nya. Queen yata pangalan nya? LOL ang panget naman, lalaki sya tapos Queen pangalan.
God anong nangyayari? May ginawa po ba akong mabuti at pinagpala nyo po ako ng mga gwapong nilalang? O eto ang kapalit sa lahat ng mga nabunggo kong tao?
"Ahmmm thank you...?" Hindi kasi ako sanay sa mga compliments kaya ganun. Naawkwardan kasi ako sa mga compliments.
"Pwede patingin ng mga drawings mo?" tanong nya sakin habang nakangiti
Tinignan ko muna sya saglit at nagnod ako. Binigay ko sa kanya yung notebook kong puno ng mga drawings.
Alam nyo bang puro weird ang mga dinordrawing ko doon sa notebook ko? Simula nung lumipat ako dito sa school na to parang yung kamay ko ay may sariling utak. . As in weird kasi ba naman puro cross, roses, bows, at kung anu-ano pa lang laman. Minsan nga nagdrawing ako ng taong covered with blood at nakalagay yun sa last page ng notebook.
Ilang saglit lang nakita na nya yung drawing ko dun sa last page. Medyo nanlaki yung maya nya at nagsmirk sya. Geh, tignan mo pa. Mamaya magiging ikaw yan. De joke lang.
"Alam kong weird ang mga drawing ko, geh tumawa ka na." kinuha ko na yung notebook sa kanya at tinago ito.
"Ako nga pala si Quentin Delos Reyes," sabi nya sakin habang nakangiti
"Rosaline Cruz," sabi ko sabay shake hands
Nagbell ulit at bumalik na sya sa umpuan nya which is sa harap ko lang =_____=
Bumalik na din si Jinyu pero parang iba sya.......
I mean yung appearance nya, hindi na sya sobrang puti, parang nagkakulay sya tapos yung lips nya mas mapula pa kanina.
Pati mata nya kanina sobrang itim nya pero ngayon parang black-ish......red? Ewan ko ba siguro nagmake-up yan at naglagay ng contact lens.
Parehas sila ni Quentin ng contact lens? Diba nga tinignan ko muna sya bago ko binigay yung notebook ko. Nung tinignan ko yung mata nya, katulad din nung contact lens ni Jinyu.
Baka naman fashion trend yan ngayon sa mga mayayaman? Siguro nga
•••••
Tapos na klase namin at nagyon, naghahanap kami ng club na papasukin namin ni Jinyu. Since magaling sya kumanta at marunong ako magpiano, sumali kami sa Music Club which consist of singers and those who play instruments. Nakahiwalay din ang mga singers sa players. Ito ay mga sub clubs - Glee Club, Drum and Lyre, and Instrumentalist Club.
Narinig kong laging nagchachampion ang Glee Club sa kahit anong pasukin nilang contest. Pati na rin ang Instrumentalist Club.
Oy ha may kaya kami kaya pinapiano lesson ako sa piano kasi mahaba yung fingers ko at sakop na sakop ko yung keys. Sabi nung mommy ko nung baby daw ako, nung tinanggal nya yung baby mittens ko nag face palm daw ako tapos sakop nung kamay ko yung mukha ko.
Nagsimula na kumanta si Jinyu at sobrang galing nya! Boses anghel!
Nang matapos na sya ay maraming nagpalakpakan syempre being a supportive friend pumalakpak ako ng malakas! Proud ako sa best friend ko!
"Ang galing mo naman Jinyu!" sabi ko sa kanya habang pumapalakpak pa rin tsaka nakangiti
"Hehe thank you...good luck sayo Jangmi!" sabi nya sakin nung tinawag na ako
Pumunta na ako dun sa piano at umupo dun sa upuan, tinignan ko muna si Jinyu na naka-thumbs up sakin.
Minasahe ko muna yung kamay ako at huminga ng malalim. Sinimulan ko na yung pagtugtog ko.
Ewan ko ba kung bakit eto pinapiano ko ngayon. Bigla na lang kasi pumasok sa isip ko yung kantang to eh. Tsaka maganda din sya, yung melody nya parang mysterious na medyo nakakatakot at exciting.
Tinapos ko na yung kanta with the last notes. Marami din ang nagpalakpan at bumalik na ako sa upuan ko.
"Wahhh galing mo naman Jangmi!!" sabi nya sakin habang nagt-twinkle yung eyes nya
"Hehehe thank you,"
•••••
Pagkatapos ng audition dun sa club, sinabi na kung sino yung pasado since ang maximum lang ng members ay 40. Nakapasa kami ni Jinyu kaya sobrang saya namin ngayon.
Pagkatapos nun pinabalik na kami sa aming dorm at pinakain na ng dinner. Ang nakakatuwa pa ay magkasunod lang kami ng room number ni Jinyu.
Ngayon, nakabihis ako sa aking pajama at s-sketch sa sketch pad ko. Nagulat ako nung tapos na ako magsketch. Ang skinetch ko kasi ay isang babaeng nakadress at nagp-piano.
Hay nako ang weird.... Nilagay ko na yung sketch pad ko dun sa study table at inoff yung lampshade ko.
Humiga na ako sa aking kama yakap-yakap si pikachu. Nakatulog na ako at dahil dun nanaginip ako.
BINABASA MO ANG
La Rosario Academy
Ma cà rồngIsang academy na puno ng mga sikreto. Sikretong hindi dapat malaman. Samahan si Rosaline Cruz sa pagtuklas sa mga lihim ng La Rosario Academy.