5

546 14 0
                                    

Rosaline Cruz

5 weeks na ang nakalipas at kami nina Jinyu at Tin-Tin ay magbest friends na, halos hindi na kami kayang paghiwalayin. Ganun talaga kapag wala ka ng makasamang iba!

Pero may laging gumagambala sa akin, Bakit ba lagi na lang sila nagc-CR pagkatapos ng Break Time?

Kaya ngayon, susundan ko sila! Wahaha!! Feeling stalker lang po! Ang una kong susundan ay si Jinyu!

Nandito kami sa main hall kung saan dito naglalakad ang mga estudyante. Alam nyo na yung ibig sabihin nun! Basta dito lagi naglalakad ang mga eatudyants papunta sa kanilang mga classroom.

Nagtago ako sa likod ng statue nung biglang lumingon si Jinyu. Hala! Nakita ba nya ako?

Tumingin ako at nakitang tuloy pa rin sa paglakad si Jinyu

Nagulat na lang ako nung kumanan sya sa intersection. Ganito kasi yan,

Sa kaliwa ng intersection ay ang comfort rooms, library, computer room, biology lab, science lab, physics lab at yung chem. lab

Kapag dumiretso ka naman sa ingersection, makikita mo yung home economics room, art room, sewing room, music room, audio visual room, prayer room at yung mga iba ay mga club rooms

Sa kanan naman kung saan lumiko si Jinu ay yung highschool office, directress' office, president's office, chapel, teachers' room, at teachers' lunch room

Sabi nung iba may isang unknown room daw ang nandoon. Bawal pumasok sa loob ng room na yun pwera na lang daw kung ikaw yung directress o yung may-ari ng school

Bale yung mga rooms na sinabi ko kanina ay kasama na rin sa mga ibang floors. Ibig sabihin nun ay yung mga classrooms ay base dun sa year level mo. Example kung 3rd year ka na, sa 3rd floor yung classroom mo

7 classrooms sa bawat isang floor. Ay nga pala hanggang 8 floor tong building na to. Pero yung 8th floor ay ang roof top so excluded yun. So bale 42 classrooms overall ang nandito sa building na to. Dami noh?

Okay back to the main topic

So eto ako ngayon, sinusundan si Jinyu kung saan pa man sya papunta. Nagulat ako nung nagstop sya isang room....

Yung room na yun kasi.....

Kasi....er....anooo...

Ano kasi eh......

Aish eto na nga!

Sasabihin ko na kung saan sya pumunta....

*inhale*

*exhale*

Laging pumupunta si Jinyu sa............

....sa TEACHERS' ROOM!!

Opo, tama kayo ng basa! Sa teacher's room pumupunta si Jinyu.

Ay. Oo nga pala may sinabi sa akin si Jinyu na sya ang section representative namin. Hay nako bakit ngayon ko lang naalala

So bukas ko na lang aalamin kung bakit laging pumupunta sa CR si Tin-tin

Tinignan ko yung relos ko at nakitang malapit na magtime. Kaya nagsimula na ako maglakad pabalik sa classroom.

Habang naglalakad ako ay may nahagip yung mga mata ko. Nagfrown ako at tinignan yung nahagip ng mata ko. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko

Katulad din ng ibang pintuan, yung design nya pang vintage na may halong baroque.

pero hindi ito yung dahilan kung bakit nanlaki yung mata ko

Ang totoo nyan.....

Yung pinto kasi punong puno ng dugo. Parang natatakpan na ng dugo yung pintuan.

Nagblink ako ng ilang beses at kinusot yung mga mata ko.

Pero hindi pa rin nawawala yung dugo

Anong nangyayari?!

"Oh Jangmi, anong ginagawa mo dito?"

Napatalon bigla ako sa gulat nung biglang may nagsalita. Lumingon ako at nakita ko si Jinyu na may dala-dalang mga files at envelope

Hala! Sasabihin ko ba sa kanya na may nakita akong pintong dugo o wag na lang? Baka akalain nya na baliw ako >.<

"Er...nawawala ako?" sabi ko habang kinakamot ko yung batok ko

"Hay nako, tara na nga baka ma-late pa tayo sa klase!" sabi nya sabay hatak sa braso ko

Habang hinahatak nya ako ay tumingin ulit ako dun sa pintuan pero wala itong dugo kahit isang patak wala

Baka imahinasyon ko lang yun hahahahaha

La Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon