11

192 10 1
                                    

》Third Person

Nawalan ng malay si Rosaline habang hawak hawak pa rin ng lalaking guro. Unti-unting lumapit si Ms. Pontes sa babaeng nawalan ng malay. Sa bawat hakbang nya, nadadagdagan ang pagkauhaw nya nang dahil sa amoy ng isang mortal.

"AHHHHHHHHH!!!!!" sumigaw sa sakit si Ms. Pontes

Mayroon tumusok sa kanyang likuran! Napapikit sya saglit at hinugot ng mabilis ang bagay na tumusok sa kanyang likuran. Kitang-kita dito ang kulay itim na may halong konting berdeng dugo - ang kanyang dugo.

'Isang pana?' isip nya habang pinagmamasdan ito. Gawa sa purong silver ang dulo ng arrow habang ang katawan naman ay gawa sa maliit na teak. May mga naukit na magagarbong disenyo dito sa teak.

"Hah! Natamaan ko sya D-Joe!"

Nang marinig nina Ms. Pontes at Sir Leonard and boses, tumingin kaagad sila sa lugar kung saan nanggaling ito. Doon, nakaupo sa ceiling ang dalawang lalaki - sina Jay-R at D-Joe. Kitang-kita ang mala-asar na ngiti ni Jay-R kay D-Joe kahit na medyo madilim kung saan sila nakaupo.

Ano bang ginagawa nila dito? Masyadong mapahamak! Kanina pa ba sila nandoon at hinihintay na umatake ang gurong ito? O sadyang napadaan lamang sila?

Bakit ba sila nandito? Anong pakay nila?

"Tsk, eh ano naman! Mas magaling ako sayo noh!" sambit ni D-Joe sabay binatukan si Jay-R

Nagsimulang mag-away ang dalawang lalaking na parang mga bata. Nakalimutan na yata nila si Ms. Pontes at Sir Leonard dahil sa pagaaway nila.

Binaliwala nina Ms. Pontes at Sir Leonard ang dalawang bugok na nagaaway at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Napangisi si Ms. Pontes at binuka ng malaki ang kanyang bibig. Dito lumabas ang isang napakahabang dila. Dali-dali itong humaba at lumapit sa mukha ng babaeng estudyante na si Rosaline.

*swwwshhhhhhhhhh*

Naputol ang dila ni Ms. Pontes! Sumigaw ng napakalakas ang babaeng guro. Ang dilang naputol ay nasa sahig ngunit ito'y patuloy pa rin sa paggalaw kahit na may bahid ito ng maraming dugo.

"Sobrang haba na ng dila mo Ms. Pontes,"

Tumingin sa kaliwa si Ms. Pontes at nakita si Angelo na may hawak na espada sa kanang kamay nya. Naramdaman ni Ms. Pontes na may tumubong panibagong dila nana,an sa kanyang bibig.

Tumawa ng mahina si Angelo at itinaas ang kanyang kaliwang braso. Bumalik ang isa pang espada, ang pumutol sa dila ni Ms. Pontes, sa kaliwang kamay ni Angelo.

Magsasalita sana si Ms. Pontes pero biglang may naramdaman syang malamig sa kanyang leeg. May nakatutok na isang espada sa kanyang leeg.

"Masyado kang halata, Ms. Tiktik."

Nagsalita ang may-ari ng espadang nakatutok sa leeg ni Ms. Pontes - si Zadkiel.

Nanlaki ang mga mata ni Ms. Pontes, "L-Leo!!!" humingi sya ng tulong sa kasamahan nya si Sir Leonard. Ngunit napaslang na pala sya ni Zadkiel kanina pa. Nakahandusay lamang si Rosaline sa sahig, walang malay.

Tumawa ulit ng mahina si Angelo, "Sabihin mo, bakit ka nandito sa La Rosario Academy?" tanong nya sa babaeng guro.

Napasmirk si Ms. Pontes, "At bakit ko naman sasabihin yun?"

"Kasi muntik mo nang kainin ang isang mortal," sabi ni Zadkiel habang diniinan ang pagtapat nya ng kanyang espada sa leeg ni Ms. Pontes. Napalunok si Ms. Pontes sa kaba ngunit minaskaran nya ito ng isang mapalokong ngiti.

Humikab si Angelo at tinawag si Jay-R at D-Joe. Ngunit hindi pa rin pala tapos ang pag-aaway nitong dalawang to.

"MAS POGI AKO SAYO!!"

"HINDI! MAS POGI AKO!!"

Biglang napaligiran ang dalawang bugok ng isang daang espada. Tumahimik lamang sila habang tinitignan pa rin sa isa't isa na para bang walang nangyari. Kita sa mga mata nila na gusto nilang patayin ang isa't isa ngunit hindi nila pwedeng gawin yon.

Sawakas ay bumaba na silang dalawa sa ceiling at pumunta sa harapan ni Ms. Pontes. Sa isang kurap mo pa lamang ay napunta na sila roon. Tiningnan nila ng nakakadiri ang babaeng may mahabang dila na ngayo'y may nakatutok na espada sa kanyang leeg.

"Tsk, anong gagawin namin dyan?" sabay nilang tanong kay Angelo

Nginitian ni Angelo silang dalawa at tinulak si D-Joe papunta kay Ms. Pontes. Nagroll ng eyes si D-Joe at tinignan sa mata si Ms. Pontes.

Tumawa ng malakas si Ms. Pontes, "Alam ko kung ano ang kayang nyong gawin mga bugok!"

Tumingin lamang ang apat sa kanya, walang pakiealam sa mga sinasabi nya.

Ngumisi si Ms. Pontes, "May nalalaman ako tungkol sa inyo,"

Nagsnort silang lahat. Natural maraming nakakaalam tungkol sa kanila ang mga kalaban. Sila kaya ang pinakamalakas na grupo sa kanilang mundo. Bawat miyembro ay may espesyal na kakahayan. Para silang lindol, hindi mo alam kung gaano kalas at katindi ang atake.

Tinadyakan ni Zadkiel ng malakas si Ms. Pontes at inapakan ang kanyang likuran. Sa sobrang lakas ng apak ay maririnig mong nabali ang buto ni Ms. Pontes. Napahiss si Ms. Pontes sa sakit, ang kaninang ngisi ay nawala na sa kanyang mga labi.

"Sabihin mo na sa amin~~~" pakantang sabi ni Jay-R habang nakaupo malapit sa babaeng may mahabang dila

Nagdaan na ang maraming segundo ngunit hindi pa rin sumasagot si Ms. Pontes. Tulad ng isang bula, biglang naglaho ang babaeng may dila. Ah, pinatay na pala ni Jay-R.

Paano? Sikreto.

•••••

》》Rosaline Cruz

"Tulong!"

Napabigkwas ako ng tayo at huminga ng mabilis. Napatingin ako sa mga kamay ko at inalala ang mga nangyari. Alam ko sa kalooblooban ko na hindi panaginip ang nangyari.

"Alie?"

Napatingin ako sa kanan ko at nakita si Angelo na nakatingin sa akin na may bahid ng pagaalala sa kanyang mukha. Inilibot ko ang aking panignin sa kwarto at nakita ko na kumpleto ang Gorg4.

"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanila

Nagtinginan sila saglit at biglang ngumiti sa akin si Angelo, "Nahimatay ka sa hallway Rosaline," sabi nya sa akin

Napakunot ang noo ko sa narinig ko, "Alam kong nahimatay ako pero ang tinatanong ko ay kung anong nangyari pagkatapos kong mahimatay."

"Nakita ka naming nakahandusay sa hallway kaya kinarga ka namin dito papuntang clinic." sagot naman ni Jay-R

"Teka! Anong nangyari kina Ms. Pontes!" tanong ko, "Biglang humaba ang dila nya at sinakal ako sa leeg ni Sir Leonard!"

Napasinghap sila at lumaki ang kanilang mga mata.

"Shit." sabay-sabay nilang sinabi

La Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon