6

518 16 9
                                    

Rosaline Cruz

1 buwan na ang nakalipas at marami na ang nangyari.Alam ko na rin kung bakit lagi na lang pumupunta sa 'CR' si Tin-tin.

Sabi sa akin ni Tin-tin kaya laging syang wala ay dahil daw 'gwapo' siya ibig sabihin maraming nagcoconfess sa kanya. Araw-araw ay may nagcoconfess sa kanya. Pero hindi naman DAW sya player o bad boy. May pagka-Childish sya at matakaw nga eh! Kasama sya sa Student Council which is ang posisyon nya dun ay ang Treasurer.

At dahil nga isang officer sya sa Student Council, tumutulong sya sa mga gawain. Pero hindi ko talaga matanggal sa isipan ko yung pintong nakita ko. May pakiramdam kasi ako na parang kailangan kong makapasok doon.

Atsaka curious din ako kung anong loob nun. Pero alam nyo naman na may kasabihan na

'Curiousity kills the cat'

Nang dahil sa curious na ang mga tao ngayon, maraming kababalaghan ang nangyayari. Nang dahil sa pagiging curious ng isang tao ay maraming napapahamak. Tulad ng mga kabataan ngayon puro pasarap sa buhay kaya ayan instant pamilya agad. Unahin muna kasi ang pag-aaral bago ang lahat!

Pero hindi ko rin na sinasabi na masama ang maging curious sa isang bagay.

Ang kailangan lang ay limitasyon natin ang ating pagiging curious. Hindi natin maiiwasan na macurious sa isang bagay pero alamin muna dapat natin ang limitasyon natin

Hay nako, tama na nga ang pagdadaldal at makinig na lang sa teacher!

So eto nga nagkaklase pa kami ng bumukas ang pinto sa classroom

"Oh my gawd ang hot nilaaaaaa!!"

"ANG GWAPO NILAAA!!!"

"Na saan na yung powder ko?!"

"Na-Love at first sight na ako!!"

"Marry me!!"

"HULOG NG LANGIT!"

"PWEDE NA AKO MAMATAY!!!"

"God bakit ang gwapo nila?!?! Paki-explain! Labyu!"

Nabasag yata yung eardrums ko.

Walastik. Ang lalandi ng mga babae at bakla kong classmates. Hindi ko maiwasan na matawa dun sa huling nagsalita. Dahil na curious ako, tinignan ko yung mga nasa pintuan.

O______________O

Nalalag ang panga ko nung nakita ko sila

HALA! Gwapo nga!

Kaya pala kung umasta yung mga kakalase ko parang ngayon lang sila nakakita ng lalaki

Tinignan ko si Jinyu at nakita ko syang nanlaki ng mata tapos nagbite sya ng lip nya. Holo pati rin sya nabighani sa mga gwapong to

Pati yung teacher naming babae nalalag yung pustiso este panga nya dahil sa kagwapohan ng mga lalaking to!

"Hello sa inyong lahat~"

"Hay nako ang gwapo ko talaga"

"Yay new classmates!!"

"Tss ang ingay"

Yup 4 silang lalaki. At ang gagwapo nila. Hindi lang basta gwapo. SOBRANG GWAPO.

"Ahem so, kayo ang mga bagong students." sabi nung malanding teacher namin sabay tuck ng hair nya sa tenga

Luh lumalande yung 40-year old kong teacher

Tumango lang yung 4 na lalaki at pumunta sa platform ng classroom. Meron kasi kaming mahabang platform sa loob ng classroom. Ginawa siguro to para sa mga maliliit na teachers. Kahit kasi nakahigh-heels yung teacher (yung ibang lalaking teachers nakahigh-heels din) maliit pa rin sila.

"Please introduce yourself,"

"Ahem, Hi sa inyong lahat!!! ^_____^" sabi nung cute na guy na nagpeace sign

"WAHH ANG CUTE~~~~"

"ANG KYUT KYUT NAMAN NYA~~"

"Ako nga pala si Jerome Rael Gomez! You can call me Jay-r!" sabi nya sabay kaway

Grabe ang kyut kyut nya! Brown yung buhok nya na may konting black highlights tsaka medyo maiksi. May maliit na blue earrings din syang suot.

Tapos kapag ngumiti sya kitang-kita yung dimples nya! Perfect tsaka maputi din yung ngipin nya. Yung skin nya pale tsaka pinkish. Very childish yung mga kilos nya pero cute naman.

"Hi everyone" nagsmile yung mukhang anghel

"OMO NASA LANGIT NA BA AKO?!"

"KYAHH NAKAKAKITA AKO NG ANGHEL!!!"

"My name is Angelo Luis Quinn, nice to meet you" nagmala-angel smile ulit sya

Konting make-up, wig at damit na pang babae pwede na maging isang pretty girl! Totoo yung sinasabi ko!

Tsaka mukha syang anghel pramis! Yung kilos nya ang hinhin! Grabe mas babae pa to kesa sa amin eh

Blonde buhok nya tapos yung skin nya pale at pinkish din. Perfect at white yung teeth nya. Graceful yung mga galaw nya kahit lalaki. Pero hindi sya nagmumukhang bading.

"Hi Ladies!" nagsmirk at nagwink naman yung isa

"OHMERGAWD ANG HOT!!"

"KYAHHH ANG GWAPO!!!"

"Easy lang ladies hahaha. Ako nga pala si Demetri John Pascual. You can call me DJ or D-Joe." nagwink ulit sya

Aba gaya-gaya lang kay Daniel Padilla ng nickname? Ano to copy-paste?

Brown na may konting pagka-orange yung buhok nya. Pale yung skin nya. Perfect at White din yung teeth. Kung umasta ay mayabang na may pagka-playboy

Sumunod naman yung huling lalaki. Nakalagay yung mga kamay nya sa pockets nya. Poker face lang yung mukha nya.

"Go Zad-sshi!!" - Jay-R

"Mas gwapo pa rin ako sayo Kiel!" - D-Joe

"Good luck," -Angelo

Grabe mga kaibigan nya pala yun xD UNBELIEVABLE!

Ayan na magsasalita na sya!

"Zadkiel Faustin Vesallius," walang emosyon nyang sinabi

Kruuu~~~ Kruuuu~~~ Kruuu~~~

"ANG HOT NYAAAA!!!!"

"I LOVE HIM ALREADY!!"

"SOULMATE KO SYA!!!"

"I LIKE MYSTERIOUS TYPES!!!"

Grabe naman sila kung makapagreact eh wala namang ginawang entertaining yung lalaking yun!

Pero sya talaga yung naga-outstand dun sa mga kaibigan nya. Nagbibigay sya ng mysterious tsaka leader aura

Out of the 4 of them si Zadkiel lang yung may black na buhok. Natatakpan din ng bangs nya yung left eye nya. May black earrings syang suot. Mas pale yung skin nya kesa kay D-Joe.

Pansin ko lang sa mga pangalan nila, lahat sila may unique names. Ang cool pakinggan samantala sa akin Rosaline Cruz. Medyo matanda

"Okay, you may take your seats at the back." sabi ni malanding teacher

Ay oo nga pala, sa likod ko yung mga vacant seats. PINAGPAPALA TALAGA AKO NG PANGINOON! AMEN!

Dumaan sila sa upuan ko kaya mas kita ko sila ng malapitan. Oh my poopies, mas gwapo sila ng malapitan!

Narinig kong umupo na sila kaya nakinig na ako sa lecture ni malanding teacher

Feeling ko, may magandang mangyayari sa akin mamaya

La Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon