4

629 20 3
                                    

Rosaline Cruz

Ngayon, nakabihis ako sa aking pajama at nags-sketch sa sketch pad ko. Nagulat ako nung tapos na ako magsketch. Ang skinetch ko kasi ay isang babaeng nakadress at nagp-piano. Hay nako ang weird....

Nilagay ko na yung sketch pad ko dun sa study table at inoff yung lampshade ko. Humiga na ako sa aking kama yakap-yakap si pikachu. Nakatulog na ako at dahil dun nanaginip ako.

•••••

May isang babaeng nagpapiano sa isang dark room. Nakasuot sya ng black na gown tapos ang haba ng buhok nya, color dark brown tsaka wavy to.

Yung skin nya sobrang puti parang snow na nga eh. Hindi ko sya masyadong makita kasi ang dilim dilim, ang nagbibigay liwanag lang ay yung liwanag ng buwan.

Nasa isa kaming room na puro malalaking paintings at bintana ang laman. Tinignan ko isa-isa yung mga paintings...parang pamilyar sila.....

"T-teka e-eto yung m-mga drawing ko sa n-notebook," binulong ko sa sarili ko

Tinignan ko ulit yung babae, mga ilang minuto natapos na nya yung tinutugtog nya. Pero nagulat na lang ako nung tumingin sya sakin, mas lalo akong nagulat nung kinausap nya ako.

Hindi ko nakita yung mga mata nya kasi natakpan ito nung bangs nya pero nakita ko yung red lips nya tsaka yung matangos nyang ilong.

"......Sino ka?"

Grabe ang ganda ng boses nya, ang sarap pakinggan kahit ulit-ulitin pero medyo nakakatakot din.

"A-ako si-"

Nagising kaagad ako at napabangon sa kama ko na pinagpapawisan kahit na naka-aircon ang buong kwarto.

"...Rosaline Cruz" tinuloy kong sinabi ng pabulong

Shit, Ang creepy naman!

Tinignan ko yung alarm clock ko, 2:00 a.m. Nakakatakot, naalala ko yung nakita ko sa internet. Kapag gumising ka daw ng 2-3:00 a.m. this means that someone is staring at you.

Humiga ulit ako at natulog ulit. Pero this time, wala na akong panaginip

•••••

Nasa classroom kami at kinukwento ko kay Jinyu yung panaginip ko. Nanginginig nga sya eh habang nasa kalagitnaan ng pagkwekwento ko, kinakabahan siguro. Sino bang hindi makakabahan eh parang totoo yung panaginip mo?

"Wahhh grabe naman yan Selene! Nakakatakot baka hindi na ako makatulog mamaya!!"

Tumingin ako sa kaliwa ko since nakaharap ako kay Jinyu habang nagkwekwento. Si Quentin yung nagsalita, nakaharap sya samin habang nagtwitwinkle yung mga mata nya. Anong problema nitong asungot na to? Kanina pa sya nakiki-extra ah! De joke lang.

"....Selene?" sabay taas ng isa kong kilay sa kanya. Wow ha sya lang ang unang tumawag sa akin nyan. Karamihan ang tawag sa akin ay Rose, Rosa, Lene o kaya yung buong pangalan ko.

"Ang tawag ko sayo simula ngayon ay Selene! Since ang Selene ay galing sa Rosaline diba?"

"Uhh...okay..."

Ayos lang naman sakin kung anong itawag nila sakin basta hindi sya bastos. Nagbell kaagad kaya humarap na kami nina Quentin sa board nung dumating na yung teacher namin. Hindi ako nakinig dun sa teacher kasi nagrereplay sa utak ko yung panaginip ko.

- - - -

Lunch na namin ngayon at nasa canteen kami ni Jinyu. Hulaan nyo kung sino kasama namin.........

TAMA KAYO! Si Quentin =_______= pero tawag ko sa kanya Tin-tin. Oo alam ko pang babae yung pangalan hehehe. Bakit ba atleast hindi Queen tawag ko sa kanya mehehe.

"Sooo......Bakit ka nagaaral dito Selene?" tanong ni Tin-tin sakin bago nya sinubo yung pagkain nya

"Wala lang....parang kasi may nagsasabi sa akin na dapat sa last year of highschool dito ako mag-aral." Nag shrug ako at sinubo kagad yung pagkain ko

"Eh ikaw Tin-tin bat ka nagaaral dito?" balik kong tanong sa kanya. Tumigil sya sa pagsubo ng pagkain nya at tinignan nya ako ng seryoso.

"..........may hinahanap akong isang tao dito sa school,"

"Hmmmm sino naman yun?....siguro childhood friend mo no!? Hahahaha" asar kong sinabi sa kanya sabay tawa

"Parang ganun na nga."

Napahinto kaagad ako sa pagtawa ko at tinignan si Jinyu na kanina pa tahimik. Tahimik talaga yan kasi nung kahapon tahimik din sya. Quiet type yan eh xD

"Eh ikaw Jinyu bakit ka nagaaral dito?"

Katulad nung kay Tin-tin tinignan nya rin ako ng seryoso. Grabe nakakakilabot yung mga tingin nila >___<

"The same with Quen,"

Kumain kami ng tahimik pero natigil kaagad yun nung nagkwekwento at nagjojoke kami ni Tin-tin habang si Jinyu tawa ng tawa kulang nalang ipadala sa mental.

Nag bell ulit signaling na tapos na ang lunch pero nagcr sina Tin-tin at Jinyu. Habang ako, nagisa akong pumunta sa classroom at umupo sa upuan ko. Kinuha ko yung notebook kong puro drawing at nagsimulang magsketch.

Skinetch ko naman ngayon ay yung babaeng nasa panaginip ko. Habang dinodrawing ko yun maraming mga tanong ang nasa loob ng utak ko.

Bakit sya nagpapiano? Bakit parang pamilyar yung tinutugtog nya? Bakit yung mga painting doon parehas nung mga dinodrawing ko? Bakit pula yung buwan doon?

Atsaka eto ang nakakapagtataka.....

Bakit pakiramdam ko kilala ko sya?

La Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon