10

221 11 2
                                    

Rosaline Cruz

Nandito kami ni Jinyu sa isang meeting pagkatapos ng klase namin. Maaga magdismiss dito sa school kaya marami kaming oras. Nasa loob ng Conference Room kung saan present ang buong Student Council pati na rin yung mga volunteers para sa gaganapin na event. Kasalukuyang nagdidiscuss si Helios kung ano ang gagawin namin para sa event.

"May dadating kasi na mga bisita dito sa La Rosario Academy. Marami silang kinontribute dito kaya may pinapagawang event sa atin," sabi ni Helios habang tinitignan kami isa-isa

"Kunin nyo yung mga folder dyan sa harap nyo at basahin yung mga pangalan na pupunta." tuloy nya habang tinuturo yung mga folder na nasa harapan namin. Tagiisa kami ng kopya kaya dali-dali namin kinuha ito.

Kinuha ko yung folder at binasa yung mga nilalaman. Ang dami palang nagcontribute dito sa school na ito. Sa sobrang dami halos nahilo na ako. Halata sa mga pangalan nila nga mayayaman sila. Eh kasi ba naman yung mga pangalan nila ang sosyal, pang out of this Philippine country.

Natigil ako bigla ng may nakita akong pamilyar na apilyedo. Biglang nanlaki ang mata ko dun sa pangalan na nakita ko.

Kinalabit ko si Jinyu at tinuro yung pangalan na nakalagay sa papel.

"Jinyu! Tignan mo oh!" bulong ko sa kanya

Tinignan nya yung pangalan at nginitian nya ako.

"Ehehe," mahina nyang tawa at nagpeace sign

Mr. And Mrs. Kim

Parehas sila ng surname ni Jinyu! Sabay, iba't ibang mga nationality ang mga nagcontribute dito. May mga americans, mexicans, spanish, italians, japanese, indonesians at kung sino-sino pa.

"Kasama yung mga magulang mo sa nagcontribute dito sa school?!" pasigaw kong bulong sa kanya pero narinig yata ako ng ibang mga tao kaya tinignan nila ako

"Ms. Cruz?" tanong sa akin ni Helios

Hala shit! Kailangan kong magisip ng palusot!

"Ah, ano bang gagawin natin para sa kanila?" honest kong tanong

Totoo naman eh! Mayayaman sila, kaya na nila bilhan lahat-lahat. Bakit pa ba nating bigyan sila ng event? Malay mo may mga gagawin pala sila nung araw na yun.

Nginitian nya ako at tumingin sa iba, "Ang gagawin natin para sa kanila ay gumawa ng isang formal party,"

"Eto ang mga gagawin....."

•••••

"Hay," sabi ko sabay taktak ng mga papel sa lamesa para magpantay sila.

Ako, si Jinyu at si Helios na lang ang natira dito sa room. Umalis na yung iba kasi marami pa silang gagawin. Tinignan ko yung buong room kasi hindi ko masyadong nakita kung ano itsura nito kanina. Busy kasi ako magdaydream.

Kagaya ng ibang mga conference room, kulay puti ang mga walls. May isang projector sa harap ng isang mahabang table. Sa likod ng projector may isang mahabang white board kung saan may mga nakasulat na kung ano-ano para dun sa formal party.

"Pagod ka na ba?"

Nagulat ako at napahawak sa dibdib ko nung biglang nagtanong sa akin si Helios. Grabe naman tong lalaking to, nakakagulat.

"Medyo," sabi ko habang nilalagyan ko ng paper clip yung mga papel at nilapag ito sa mesa.

Tumawa sya ng mahina at tinanggal ang salamin nya, "Alam nyo, pwede na kayong umalis kung marami pa kayong gagawin."

La Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon