/^*(Prologue)*^\Narrator's POV
Isang malamig na gabi ang bumalot sa syudad ng Dinag - ang lungga ng mga mayayaman. Kasalukuyang nasa loob ng kanyang silid si Chance. Nakahiga at nag iisip.Madilim sa silid nito at walang bakas ng liwanag. Ngunit sa labas ay maingay, maririnig ang makina ng mga kotse, sigawan ng nga tao, tugtog ng mga kabi-kabilaang bar.
Hindi na niya maatim ang kanyang nararamdaman. Kung kaya't napabangon sya mula sa pagkakahiga at sinabing...
"Paano naging ganito kagulo ang mundo?" Napabuntong-hininga na lamang siya. Nagnanais na sana'y may sumagot sa kanyang katanungan. Ngunit siya mismo'y nag aagam agam kung merong makakasagot sa kanyang tanong dahil siya nga mismo na suma cumlaude ay hindi niya masagot, ang iba pa kaya?
Napahiga na lang uli siya sa kanyang kama. Sa kanyang paghiga ay marami nanamang nga katanungan sa kanyang isipan. Hiniling na lang nito na sana ay super hero na lang sya, na ibubiwis ang sariling buhay para sa bayan. Para sa bansa. Para sa buong mundo. Para sa kaayusan ng lahat.
Lagi na lamang siyang nababagabag sa mga baluktot na gawain ng komunidad. "Wala bang presidente na matino?" Muling tanong nito. "Tss" nainis na lang ito.
Si Chance ay isang anak ng napakayamang negosyante sa Pilipinas. Kung kaya't siguro'y bukas na bukas ang mata nito sa realidad. Napapansin ng kanyang mata ang bawat detalye. Ngunit kahit kitang kita na niya ang mga kamalian ay wala pa rin siyang magawa. Dahil mahirap kumilos kung ang mata ng mga tao ay nasayo. Kaya maingat siya sa kanyang mga kilos. Dahil isang pagkakamali lamang ay tapos siya sa kanyang ama't ina.
Halos nasa kanya na ang lahat. Materyal na bagay. Sya ay nakapagtapos sa kursong Tourism Management. Si chance ay gwapo, maputi at may matipunong katawan. Ang wala na lang siguro sa kanya ay Kasintahan. Pihikan ito pagdating sa mga babae. Never din ito nagka girlfriend. Ang tanging gusto lang niya sa buhay niya ay protektahan ang kalikasan at gumawa ng pagbabago sa lipunan.
Maya-maya pa'y nakatulog na si chance sa kalagitanaan ng pag-iisip. Hindi na niya namalayan sa dami ng iniisip. Feeling niya kase ay bitbit niya ang buong Mundo.
--
Biglang napabangon si chance sa kanyang higaan. Pawisan ito at parang binangungot. Tinignan niya ang orasan. Mag aalas cinco pa lang ng umaga.
Sumagi uli sa kanyang isipan ang kanyang napanaginipan.
Nasa kagubatan daw ito. Naliligaw at humihingi ng tulong. Marami siyang nakitang mga masasamang elemento sa kagubatan hanggang sa maaninag niya ang isang lalaki. Nilapitan niya ito ngunit naputol na duon ang kanyang panaginip. Bumangon na siya sa kanyang pagkakahiga. Naligo agad ito. May balak siyang gawin sa araw na iyon.
Simula pagkagraduate niya ay hindi na muna siya pinayagang magtrabaho. Utos ito ng kanyang mga magulang at sinunod naman niya. Dahil kahit humilata siya maghapon ay buhay pa rin ito sa sobrang yaman nila. Binilhan na lamang ito ng condo at kotse tapos ay may sustento pa buwan buwan. Kuntento naman siya sa buhay niya pero sa araw na ito. Balak niya atang sumuway.
Pagkatapos maligo ay dali-dali na itong nagbihis at nag ayos ng kanyang mga gamit. Pagkatapos ay nagluto ng kanyang almusal at baon sa kanyang biglaang lakad.
-I t u t u l o y -
BINABASA MO ANG
Foreign Atom [BoyxBoy]
Science FictionWhenever you have the chance. Take it and make a change.