/^*(Kabanata VIII - Alliance or Enemy ? )*^\
Narrators POV
--
Kasalukuyan ng nasa opisina ni Direktor L sina Zee, Chance at Chaise kasama si Direktor L. Nakaposas na si Chaise sa upuan habang ang tatlo ay nasa harapan niya.
Nagtataka si Direktor L kung bakit hindi nanlaban man lang si Chaise. Basta na lang nagpadala ito sa mga pangyayari. Maya-maya ay nagbulungan na ang tatlo. Pare-parehas na silang nagtataka ngayon. Dapat sa nga oras na iyon ay napakawalan na niya ang sarili gamit ang gadgets ng tektois and to think of it dapat mas advance pa kesa sa Gadgets nila Zee. Napatingin naman ang tatlo kay chaise ng sumigaw ito. "Hoy kung pagbubulungan niyo lang ako diyan walang mangyayari! Ano ba??!! Ano nga ba ang nangyayari??!!! Ibalik niyo na ako sa Club kailangan ko kumita ng pera! "
"Hindi siya mukang galit Direktor L" aniya ni Chance. Patuloy na nagbulungan ang tatlo. Si chaise naman ay gusto ng manipa ng kung sino sa sobrang inis. Maya-maya pa'y nagsalita na si Direktor L. Pumunta ito sa likod ni Chaise. Pinindot ang keyboard. Sa likod kasi nito ay ang controls at surveillance. Nag prompt sa screen ang mga mukha ni Chaise na kanyang ginaya. Atsaka ulit pumunta ito sa harap ni Chaise.
"Hijo, Pwede bang bumalik ka sa dati mong anyo?" Napapitlag si Chaise. Sa mga oras na iyon ay gusto na niyang makaalis sa kanyang kinauupuan. "Pano'ng?" Aniya sa isip nito. "Hindi kaya extra terrestrials din sila? " dagdag pa ni Chaise sa kaniyang isip. "Pero pa'no??" Tanong ni chaise sa kanyang sarili. Tila natulala si chaise. Nagising na lang ito sa ulirat ng iwagayway ni Direktor ang kanyang mga kamay sa harap ni Chaise.
Napapitlag si chaise at tumingin ng diretso kay Director L. At sa kalahating segundo ay ibinalik niya ang kanyang hitsura sa dati. Nagulantang ang tatlo sa harap niya. Lalong lalo na si Chance na ngayon lang makakakita ng Droll. Hindi pangkaraniwan ang hitsura ni Chaise. Unique kumbaga. Totoo nga ang sinabi ni Zee na halos perpekto na ang kanilang mukha, 'iyun nga lang may sira sa utak.
Tinignan ni Chaise ang tatlo, isa-isa. "I can't believe this" bulong nito.
"Sino ba kayo? Ano ba ang kailangan niyo saken?" Tanong nito sa tatlo. Marahang isinara ni Direktor L ang kaniyang bibig at nagsalita:
"Ako si Direktor L at siya si Zee" itinuro nito si Zee sa kanyang kanan "at eto naman si Chance" at itinuro nito si chance sa kanyang kaliwa.
"Oo nga . Ano kayo? Tao ? Alien? Ano??"
"Kami ni Zee ay Genisys at si Chance ay tao" Bigla namang napayuko at nalungkot si Chaise sa nalaman. Maya-maya ay tumingala ulit ito sa tatlo at nagsalita:
"Totoo pala na may mga nakaligtas. Matapos naming pasabugin ang inyong mga planeta" atsaka ito ngumiti. "Oo at marami kami dito" sabat naman ni Zee. Bigla namang napaluhod si Chaise sa nalaman. Kahit na nakatali ang kanyang mga kamay sa upuan ay malaya itong nakaluhod dahil hindi naman nakagapos ang kanyang mga paa. Agad na pinakawalan ni chaise ang mga luha na matagal niyang inipon para lang sa oras na iyon, sa mga taong iyon. Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha habang nakatingala sa tatlo. Hindi naman maintindihan ni Director L ang mga nangyayari nang mga oras na iyon si Zee at Chaise naman ay nakaramdam ng awa para kay chaise. "Isa ba itong trick? "Ani ni Direktor L sa kanyang isip. "Paumanhin sa mga nagawa ng aking angkan sa inyong planeta at mga mahal. Hindi ko gusto ang lahat ng iyon. Kaya ako tumiwalag sa kanila. Pasensya na " at humagulgol na ito sa iyak. Agad
naman na inakay ni chance si chaise. Hindi naman makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Zee. Totoo nga ba ang kanyang mga naririnig? Kung wala ng koneksyon si Chaise sa mga Drolls, pano na nila malolocate ang mga ito? They are all clueless. Parang back to zero lahat ng kanilang effort. Ngunit? May maibahagi kayang impormasyon si Chaise?"Zee. Kuhanin mo ang 'Truth Device' sa Tektois Lab. Baka nililinlang lang tayo ng taong ito" utos ni Direktor L kay Zee. Agad namang nitong kinuha ang device.
Patuloy sa paghagulgol si chaise sa iyak. Tinulungan namang makaayos ni chance si chaise. Upang ibalik ito sa pag kakaupo. Para sa Truth Test. Maya-maya pa'y dumating na si Zee hawak ang device. Isinukbit nito sa pinky finger ni chaise sa may kaliwang kamay at in'on ang device.
"Totoo ba na tumiwalag ka na sa Drolls? " tanong ni Direktor L
Tumingin ito direkta sa mata ni Direktor L at sinabing. . "Opo" . Aniya ni chaise. Nag green naman ang device. Meaning ay nagsasabi ito ng totoo. Walang mintis ang Truth Device na ito sapagkat ito ay tried and tested na ni Direktor L kay Zee ng minsang may itinago itong sikreto sa kanya. Napalunok naman ng laway si Direktor L. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan. "Tangalin mo na ang Truth Device kay Chaise" utos ni Direktor L kay Zee. "Ganun na lang iyon Direktor L? Hindi pa rin tayo nakasisigurado" angal ni Zee dahil nag aalinlangan pa rin ito. "Just do it Zee. Remember una kong tinesting yan sayo and it worked" aniya ni Direktor L atsaka ito umupo sa kanyang upuan sa may controls sa likod ni Chaise. Agad namang tinangal ni Zee ang device at nabalot ng katahimikan sa loob ng Opisina.
-I t u t u l o y-
BINABASA MO ANG
Foreign Atom [BoyxBoy]
Science FictionWhenever you have the chance. Take it and make a change.