/^*(Kabanata II - The Secret League )*^\
Narrator's POV
Iminulat ni chance ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang salamin sa kisame. Nakita niya ang kanyang sarili. "Asan ako? " Tanong nito sa sarili.
Bumangon siya sa higaan niya at tumayo ngunit bigla na lang itong nakaramdam ng hilo kung kaya't napahawak siya sa kanyang ulo. Sakto namang bumukas ang auto door. Si Zee ang bumungad dito. Agad namang natawag ang pansin ni chance at tinignan kung sino ang pumasok.
"Humiga ka muna. Hindi ka pa okay" At itinulak pabalik si chance sa higaan. Napaupo naman si chance. "Hindi pwede. Kailangan ko ng umuwi. Sino ka ba? Asan ako? Ano to? " nangagalaiti na sabi ni chance. Hinarap ito ni Zee habang hawak ang isang baso ng tubig. "Huminahon ka. Hindi kita sasaktan. Oh uminom ka muna " at iniabot ni zee ang isang baso ng tubig kay chance. Tinanggap naman ito ni chance at lumagok ng kaunti. Pagkatapos ay inilapag ito sa side table.
Kumuha si Zee ng upuan at ipinwesto ito sa harap ni Chance atsaka siya umupo. "Chance. Napanaginipan mo ito diba? "
"Ang alin? " nagtatakang tanong ni chance.
"Eto. Nasa gubat ka. "
"Oo bakit? Pano mo nalaman"
Napabuntong-hininga si Zee. Marami siyang dapat ipaliwanag kay chance.
"Kagabi. Nakita ko ang espiritu mo. Sa gubat. Kitang kita ko sa mga mata mo ang mga katanungan mo. Pinagmasdan kita. Hanggang sa nagdesisyon akong magpakita sayo pero bigla ka ng nawala. Tatanungin sana kita kung bakit ka naroon"
" Ibig mong sabihin? Kusang pumunta dito ang espiritu ko ?"
"Oo ganun na nga. Hindi ka ba nagtataka kung bakit napadpad ang espiritu mo sa gubat? . The fact na ang gubat ay puno ng negative energy at ikaw naman ay punung puno ng positive energy. Chance may misteryo sayo"
" o ngayon? Ano na ang ibig mong sabihin? "
"Ang ibig kong sabihin ay walang espiritu ng nabubuhay ang napapadpad sa kagubatan na iyon. Isa iyong pambihirang pagkakataon. Kaya ng sinabi ko ito kay Director Lorde ay naniniwala kami na ikaw na nga ang perpektong Instrumento namin "
" Teka teka wait ah? Matatawa ba ako sa sinsabi mo? Ano ka'mo? Instrumento? Ano gagamitin niyo akong parang robot ganun ba yun? "
" Hindi sa ganon chance. Hindi ka namin pinipilit. Pero isipin mo din chance. Alam ko na gusto mong gumawa ng malaking pagbabago sa mundo nyo"
"Oo ganuon na nga. TEKA?!! Mundo niyo? Bakit ano ka ba? "
"Kung gusto mo malaman. Kailangan sumang-ayon ka muna na magtutulun
gan tayo. Kapag ready ka na. Lumabas ka dito. Sundan mo ang dilaw na arrows. Andun lang ako. Ipapakilala kita kay Director L. " at lumabas na si Zee ng kwarto. Naiwan namang balisa at mangha si chance. Sa oras na iyon ay nagkakaroon na ng liwanag ang mga pangyayari."Lord, ito na ba yung way na hinihiling ko?" Tanong nito sa poong Maykapal at Manlilikha. Pinikit nito ang kanyang mga mata. "Please give me a sign" . Napadilat na lamang ng kanyang mga mata si chance ng biglang bumukas ang auto door. Napangiti na lamang ito. Alam niyang iyon na ang sign na hiningi niya.
-I t u t u l o y -
BINABASA MO ANG
Foreign Atom [BoyxBoy]
Science FictionWhenever you have the chance. Take it and make a change.