/^*(Kabanata I - Hunger for Justice)*^\

54 3 2
                                    

/^*(Kabanata I - Hunger for Justice)*^\

Narrator's POV

Kasalukuyan ng nagmamaneho si Chance papunta sa Mt Epoh. Hinala nito na may ipinapahiwatig ang kanyang panaginip.

Matapos ang halos kalahating oras ay narating na ni chance ang kagubatan.Ipinark ni chance ang kanyang kotse sa bungad ng kagubatan. Hinala niya na eto nga ang kagubatan sa kanyang panaginip dahil sa ito'y pamilyar. Minsan na rin siyang napadpad dito. Ito kasi ang daan para makaakyat sa Mt. Epoh - Ang bundok ng mga misteryo. Kasama ng kanyang mga kaibigan ay inakyat nila ang Mt Epoh upang malaman ang mga misteryo nito. Pero nabigo sila. Dahil wala naman silang nakitang kakaiba.

Kinuha na ni chance ang kanyang dalang gamit sa backseat. Atsaka inilock ang kotse. Dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at i'non ang flashlight. Medyo madilim kasi sa kagubatan. Bukod sa masukal ito ay makulimlim din ang kalangitan. Bumuntong hininga sya bago sya nagsimulang naglakad.

Habang naglalakad siya ay naalala niya ang chismis ng mga mangangaso doon. Marami daw masasamang elemento ang nasa kagubatan na iyon. Mas delikado daw kapag mag-isa. Nakaramdam tuloy ito ng takot. Pero nanaig ang kanyang determinasyon. Gusto niya malaman ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong.

Unti-unting nanlamig ang pakiramdam ni chance kaya bahagya itong bumagal sa kanyang paglalakad. Hindi niya maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa paglalakad. Hindi na niya maigalaw ang kanyang mga binti. Isang batang babae kasi ang biglang sumulpot sa kanyang harapan. Hindi niya mawari kung anong ginagawa ng batang ito sa gitna ng kagubatan.

"Sino ka bata ?" Pag usisa ni chance. Humarap ang batang babae kay chance. Tumambad ang maamo nitong muka ngunit may mga pasa at sugat ito sa muka at ang kanyang damit ay gutay-gutay na parang pinaglaruan ng ligaw na aso.

"Kuya, tulong" sabi ng batang babae. At biglang nawala ang batang babae sa kanyang harapan. Lalong nanlamig ang buong katawan ni chance sa kanyang nasaksihan. Bahagya siya ulit nagsimulang naglakad. Kasunod nun ay ang paglitaw ng mga elemento sa paligid. Nataranta si chance. Tumakbo na lamang siya ng tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya patungo basta ang gusto niya ay mawala sa paningin niya ang mga espiritung gutom sa hustisya. Hustisyang ipinagkait sa kanila.

"tulungan mo kami", " iligtas mo ang mundo" , "huwag mong hayaang may matulad pa sa aming iba" wika ng mga boses ng mga espiritu. Natorete ang utak ni chance lalo. Hindi niya ineexpect ang pangyayaring ito.

Hanggang sa mabunggo si chance hindi niya alam kung ano iyon. Ayaw niyang sumulyap. Hinablot nito ang nahulog na cellphobe at tumakbo ulit. Ngunit biglang may humawak sa kamay nito. Mainit ang mga palad nito. Kaya biglang napatingin si chance sa estranghetong may hawak ng kanyang kamay. Nagkatinginan silang dalawa sa mata. Nagtaka si chance, siya ay naguluhan sa nga pangyayari. Sino ang lalaking ito at ano ang ginagawa niya sa kagubatan? Isa din ba sya sa mga gutom na espiritu?

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka na"
Wika ng lalaki.

"Sino ka? " tanong ni chance sa lalaki. At binitiwan ng lalaki ang mga kamay ni chance.

"Ako si Zee. Ako ang nagdala sayo dito"

"Nagdala? Ano ang ibig mong sabihin?"

Ngumiti ang lalaki. " Ikaw ang pinakaperpekto para iligtas ang mundo. Ikaw ang kailangan namin. Matutulungan mo ba kami iligtas ang mundo?" Naguluhan ito sa mga winika ng lalaki. Hindi kaagad maproseso ni chance ang mga sinabi nito sa kanya. Kung kaya't ..

Hindi na kinaya ni chance ang mga pangyayari kaya nagcollapse ito. Agad namang sumaklolo ang lalaki.

Saan kaya niya dadalhin si chance?

- I t u t u l o y -


Foreign Atom [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon