/^*(Kabanata VI - The Side Effect )*^\
Narrators POV
--
Nang makaalis na si Zee ay inilapag ni chance ang bag na naglalaman ng iba't-ibang gadegts sa lamesa niya. At isa isa itong kinalikot. Maya-maya pa'y naghanda na si chance ng kakainin niya. Lumabas ito ng kwarto upang magluto na ngunit bigla na lang itong nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod na nagpaupo naman sa kanya sa sahig. Napahawak ito sa may pinto upang maaalalayan ang kanyang pagkakaupo. "Araay!" Aniya nito. Hindi naman maintindihan ni Chance kung bakit agad ay sumakit ang kanyang likod ni wala man lang siyang ginawa sa maghapon na mabigat na trabaho.
Pumasok ulit ito ng kwarto at napahiga sa kanyang kama sa sobrang sakit. Unti unting dumami ang iniinda na niyang sakit. Nagkaroon na din sa kanyang binti at balakang.
Agad niyang naalala ang smartwatch. Balak niyang tawagin si Zee. Hindi na niya talaga alam ang nangyayari sa kanya. Lalo pang sumakit ang mga ito. Bunsod dito ay nawalan na siya ng malay. Ni hindi man lang niya napindot ang smartwatch.
---
(Samantala sa Secret League)
Naglalakad na patungo sa opisina ni Director L si Zee matapos itong tawagin para sa bagong impormasyon sa mga Drolls. Sa wakas. Magkakaroon na rin ito ng lead sa kinaroroonan ng mga ito.
Maya-maya pa'y nakarating na ito doon.
"Oh zee. Andiyan ka na pala"
"Opo Durector L"
"Halika. Nakahanap na kami ng lead para matunton natin ang mga drolls" Lumapit ito kay Director L. Kinalikot ni director L ang virtual screen. Tumambad ang isang lalaki. Di kalaunan ay dumami ang mga lalaki sa screen. Pare parehas ito ng hugis ng katawan. Pero iba iba ang mukha at kulay ng kutis. "Sino yan? " straight to the point na tanong ni Zee sa direktor.
"Si Chaise. The manwhore" ani Director L
Napatawa si Zee sa narinig. "Manwhore?" At tumawa ulit ito.
"Oo zee. Nanggagaya ito ng mga muka para makakuha ng customer. That's what he does for living"
"Anong klaseng customer naman Director L? " bahagya pa in itong natatawa.
"Typical Bisexuals, Gays, Pepper sa club. Now zee. Tomorrow. I want Chance to spy on him at ikaw naman standby ka dito, Resback ka kung sakaling may mangyari. This is his first mission. Dismissed" aniya ni director L. Umalis naman na si Zee.
Nahiga ito sa kanyang kama. Naisip nito bisitahin si chance. Upang ibalita ang unang misyon niya bukas. Kaya agad itong bumangon at nagturok ng preventor. Alas onse na ng gabi nag alinlangan siyang bisitahin ito dahil baka tulog na ito sa mga oras na iyon. Pero pumunta pa din ito.
---
Nagkaroon na ng malay si Chance matapos ang ilang oras ng pagtulog. Hinanap niya ang agad ang smartwatch hanggang sa makita nya ito sa sahig. Aabutin niya sana ito ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Ngunit sinubukan niya pa rin itong abutin. Kailangang kailangan niya ng tulong ni Zee. Nagawa nitong kumilos ngunit hindi sapat upang maabot niya ang smarwatch. Nan g subukan niya uling abutin ay nagulat ito dahil biglang sumulpot si Zee sa harap niya. Kaya naman nahulog ito sa kanyang kama "Aruy" Hindi ito kaagad nakakilos sapagkat pakiramdam niya ay bibigay na lahat ng buto niya kapag gumalaw pa ito.
"Araaaaaaaay! shit " napamura na lang si Chance sa sobrang sakit. Agad namang umupo si Zee upang alalayan si Chance tumayo. " Wag ! Masakit ang buong katawan ko. Kung gusto mo tumulong buhatin mo ako pabalik sa kama " -ani ni Chance.
"Huh ? Ano bang nangyari sayo ? " takang tanong ni Zee .
"Alam mo kung hindi ka lang sana sumulpot bigla bigla eh hindi ako mahuhulog! " Binuhat naman na ito ni Zee. Nagkalapit tuloy ang kanilang mga mukha lalo na ng inihiga na niya si Chance sa kama. Nagkatiniginan silang dalawa. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.
Nabasag na lang ang katahimikan ng magtanong si Chance. "May side effects ba yung preventor niyo ? " Napaupo naman si Zee sa kama. Hindi makatingin kay Chance. "Ah oo. Pasensya hindi ko sinabi sayo agad. Ganyan din ako nuong una. Bukas mawawala din yan" Ngumiti ito ng hindi tumutingin kay Chance. Pakiamdam nito may mali sa mga nangyayari.
"Ah ganun ba.. Bakit ka pala nandito ? " . - Chance. "May sasabihin kasi ako. " aniya ni Zee. Agad namang napatingin si Chance kay Zee. "Magtatapat na ba siya ng feelings for me ? Hindi pa ako ready! " Sabi ng isipan ni chance. "Bukas na pala magsisimula ang misyon mo " Aniya ni Zee.
"Ano ? Agad agad ? Eh may sakit pa ako" - Chance
"Mawawala din yan bukas. Atsaka bukas pa yun nga Gabi. Kaya maghanda ka. Mukang mahihiapan tayo sa misyon na to" pagkatapos niya magsalit ay tumayo na ito. Aalis na sana siya ng tawagin ito ni Chance.
"Sandali lang. Ikuha mo muna ako ng pagkain. Hindi pa ako naghahapunan eh "
Hindi pa rin ito hinaharap ni Zee. "Anong pagkain "
"Kahit mansanas lang " Agad namang kumilos si Zee. Hindi niya matagalan ang presensya ni Chance. Baka kung anung kabaliwan pa ang magawa nito sa kanya. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay tumambad sa kanya ang napakalaking basurahan. Ay mali, ang kusina pala iyon ni Chance at pagtingin niya sa isang banda ay ang sala naman nito at sa isa pang banda ay ang banyo na parang binagyo. Dumiretso ito sa kusina at binuksan ang refrigerator, pati ito ay mukang binagyo sa sobrang gulo. Kinuha na lang nito ang mansanas sa chiller at sinara. "Matalino pero dugyot. Hayst. " Napakamot na lang ito sa ulo.
Agad siyang bumalik sa kwarto ngunit nagdalawang isip ito. Pano niya ibibigay ang mansanas ng hindi tumitingingin kay Chance? "Bahala na" ani nito. Pumasok itong hawak ang mansanas sa kanang kamay habang nakayuko. Nang makarating na malapit sa kama ay iniabot na niya ito ngunit walang kumukuha humakbang uli ito ng isang beses ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ito at napahiga sa kama. NAKAPATONG KAY CHANCE. Idinilat niya ang kanyang mga mata. May kung anong masarap na pakiramdam sa kaniyang tiyan.
Hawak pa rin nito ang mansanas. Walang kumikibo sa kanilang dalawa. Ngunit hindi sila kuntento sa kung ano ang idinudulot ng paglalapit ng kanilang mga muka. Tila gusto pa nila ng mas matindi kesa sa masarap na pakiramdam sa kanilang tiyan.
Sila'y nagkatinginan at animo'y nagkasundo sa susunod na pangyayari. Unang humalik si Zee at gumanti naman ng mas matindi si chance. Sa panahong iyon ay hindi na lang basta sarap ang kanilang nadarama, sumama na rin ang tibok ng puso nila na mas lalo pang umugong. Ni hindi na nga maramdaman ni chance ang sakit na iniinda sa sarap na nararamdaman.
Natigilan si Zee. Humiwalay siya sa labi ni chance. Tinignan ito ng marahan atsaka isinukbit ang mansanas sa kanyang bibig at bigla na lang itong nawala.
Side Effect din ba iyon ng Preventor ?
- I t u t u l o y -
{r780
BINABASA MO ANG
Foreign Atom [BoyxBoy]
Ciencia FicciónWhenever you have the chance. Take it and make a change.